--
“Gwen, gabi na pala ah sorry nakatulog ako, dito ka nalang maghapunan.” Sabi ni Erika
“Ha?8 pm na pala oh myy I need to go home na Rika..” sabi ko sa kanya habang natataranta
“Oh iha, gabing gabi na at masyadong delikado na sa mga oras na to kaya dito ka na lang magpalipas ng gabi..” sabi ng nanay ni Erika hawak-hawak ang mga pinggan papuntang hapag kainan
“Oo nga ate Gwen gigisingin ka naman namin ng maaga eh at saka andaming masasamang loob dyan.” Sabi ng kapatid nyang lalaki.
Sa takot ko naman dahil gabing gabi na eh sumang ayon nalang ako na kina Erika na rin magpalipas ng gabi. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay hinanap ko si Erika na ilang minuto nang wala..
“Erika..Erika?” tawag ko kay Erika na hinahanap siya sa likod ng bahay
“Gwen..akyat ka dito..” aya ni Erika sakin habang nakangiti na nakaupo sa taas ng kanilang bubong.
“Hahahaha..” natatawa ako habang tinitingnan syang parang bata na nakaupo sa itaas ng kanilang bahay
“Wag ka nang tumawa, tara dito..” ;-) sabi nya habang inaabot ang kanang kamay niya mula sa pagkakapatong ko sa isang hagdang kawayan.
Nung pagkaakyat ko bigla kong naisip na masarap rin palang mamuhay ng simple, sariwa ang hangin at mapayapa..malayong malayo sa kinalakihan ko pero masaya…
Habang minamasdan ang kulay asul na malamig na kalangitan nung gabing yun ay biglang may shooting star na hindi ko inaasahan.
Pumikit ako at humiling na sana may isang babaeng magmamahal sakin ng totoo at hinding hindi ako sasaktan..
Pagkadilat ko ay tiningnan ko si Erika na nakapikit, ang cute nya pala habang nagwiwish…
“Oh may dumi ba sa mukha ko?” sabi ni Erika sakin habang pinupunas yung mukha nya.
“Wala, ang lalim lang kasi ng winiwish mo .” sabay ngiti ko.
“Tulog na tayo, inaantok na ako eh.” sabi ni Erika na halatang antok na antok na
“Tara nilalamig na din ako eh.” sabi ko
Nung papunta na kami sa kwarto nya,tinitingnan ko ang mga larawan at mga medalya niya mula nung bata pa sya hanggang makagraduate ng kolehiyo, ang tali-talino pala nya kaya lalo ko siyang hinangaan.
“Pagpasensyahan mo na medyo maliit lang yung kwarto ko..” sabi ni Erika sakin habang inaayos yung mga unan.
“Naku wag kana humingi ng pasensya, ako na nga tong nakikitulog eh.” sabi ko sa kanya
Pagkatapos naming maghalf bath pareho ay nauna siyang humiga habang ako naman tong tumitingin ng mga albums ng family nya.. Ilang minuto pa ang nakalipas ay di ko nakayanan ang antok at nakatulog na rin ako sa pagod.
3am nung naalimpungatan ako dahil sa pagkakapanaginip ko kay Vine na umuwi na ng Pilipinas kaya nahirapan ako bumalik sa pagkakatulog at nakatingala na lang habang pinagmamasdan si Erika na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nagulat ako nung niyakap ako ni Erika..ang bango bango nya hindi ko alam pero nung mga sandaling yun ay hindi ko maitanggal yung pagkakayakap nya sakin habang natutulog, ang sarap nya kasing pagmasdan at napakabait pa nyang kaibigan kaya naman natutuwa ako at nakilala ko sya.
“Ringg..rinngg.ringgg..Francine calling…”
“Hello Gwen, asan ka na? may sasabihin kasi ako sayong importante.” Francine’s voice over the phone
“Ahh andito ako sa bahay ng kaibigan ko umm pauwi na rin maya maya bakit ano yun?” tanong ko
“Hurry up magkita tayo sharp 9am sa office mo okay bye.” Sabi nya then she hang up.
“Franz?” sabi ko at biglang naputol ang linya.
Nagmadali akong mag-ayos, kumain muna saka nagpaalam kay Erika na may importante akong pupuntahan, nagpasalamat din ako sa mga parents nya na mabait at nagpa stay sakin sa bahay nila kahit isang gabi lang.
Pagkatapos kong magpaalam ay dumerecho ako papuntang office at dun ko nakasalubong si Francine na nakaupo bandang 9am.
“Franz, ano pala yung sasabihin mo?” tanong ko.
“Uhmm Gwen, I’m sorry to tell you this but natanggap na ako sa modelling company na matagal ko nang pinag-auditionan sa Paris which means..” nalulungkot na sabi ni Francine.
“Which means dun kana magrereside for good?” sabi ko.
“Yes and mamaya na yung flight ko, pasensya kung biglaan at di ko nasabi sayo you know I didn’t expect na matatanggap ako…” she told me
“You know, I’m so happy for you Franz , you don’t need to be sorry about that pwede pa rin naman tayo magkita don’t be sad… I’m always here for you just a call away.” I said while hugging her
“Thank you for everything, for the friendship and always remember that what I’ve told you a few days ago were all true…I will miss you.” then a tear fell from her eyes.
“Thank you and I will miss you too.”as I was hugging her I tried so hard not to show how sad I am to know that she will be staying away anytime soon with her boyfriend.
--
BINABASA MO ANG
Love Square (girlxgirl) Editing/Completed
RomanceHave you ever heard about Love Triangle? two girls in love with one person at the same time? What about one gorgeous girl who made three girls fall in love with her personality unintentionally? Who will she choose among the three ideal girls? Meet G...