Sumimsim ng alak si Shean habang nakatingin sa kawalan, Hindi alintana ang malakas na tugtugan at hiyawan sa loob ng bar kung nasaan s'ya ngayon.
Gusto n'yang may kasama s'ya sa ganitong klase ng sitwasyon ngunit wala s'yang malapitan.
Ayaw n'yang papuntahin si Claude rito dahil pakiramdam n'ya ay nagiging pabigat na s'ya rito.
Dahil ito lang ang may alam ng katauhan n'ya ito lang rin ang kaisa-isahan n'yang pinagkakatiwalaan.
Ayaw n'yang abalahin ang kaibigan sa pribado nitong buhay.
Ni hindi n'ya rin mapapunta rito si Giselle at Anianette dahil limitado ang nalalaman ng mga ito tungkol sa kan'ya, hindi n'ya pwedeng sabihin sa mga ito ang tunay na s'ya.
Pakiramdam n'ya ay mas lalo lamang bumibigat ang lahat sa tuwing nagsisinungaling s'ya sa mga ito.
Napangisi s'ya sa mga sandaling 'yon habang naka upo sa highchair at nakatukod ang dalawang siko sa counter.
Her life is so pathetic 'yan ang palagi n'yang idinadaing.
Bakit? bakit ganitong buhay ang ibinigay sa kan'ya?
Nawala ang ngisi sa mga labi n'ya ng ma pagtanto na kasalanan n'ya rin naman kung bakit nagkakaganito ang buhay n'ya pero kasalanan pa rin ng mga magulang n'ya kasalanan ng mga ito ang lahat.
"Sana ay hindi na lang ako nabuhay" Bulong n'ya habang nakatingin sa kawalan na animo'y naka droga.
Pinunanasan n'ya ang butil ng luha na nagsisimula nang pumatak sa pisngi n'ya.
"Hindi ka ganito kahina, Shean Gomez" Aniya sa sarili at nilaklak ang natitirang alak sa baso.
Kaagad s'yang tumayo para pumunta sa smoking area.
"What the freaking hell is your problem?!" Sigaw ng lalaking nasagi n'ya habang naglalakad.
Hindi s'ya nag atubiling lingunin ito ngunit may humila sa braso n'ya pagkatapos.
"If you're already drunk! don't push me! you bit-"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng mabilis na pinadapo n'ya ang kamay sa pisngi nito para bigyan ng isang suntok.
napabaling ang muka nito sa kabilang bahagi dahil sa lakas ng suntok na iginawad n'ya."Nag hahanap ka ba ng gulo?! i'm not pushing you! j*rk! don't touch me asshole!" Binawi n'ya ang kaliwa n'yang kamay mula sa pagkakahawak nito.
Nakita n'ya ang pagalaw ng panga nito kasunod noon ang pagbaling nito ng masamang tingin sa kan'ya.
hinawakan pa nito ang pisngi na tinamaan ng suntok n'ya at ngumisi."Are you shitting me?!" Gigil na gigil na tanong nito.
"Stop it bro!" Inawat ito ng mga kaibigan nito.
"Tama na 'yan, miss just...just stay away."
Kaagad n'yang tinalikuran ang mga ito at pumunta sa pinaka dulong bahagi ng smoking area.
Nang masindihan na n'ya ang sigarilyo ay isinandal n'ya ang likod sa pader.
She shook her head iniisip n'ya kung anong gagawin n'ya habang suspende s'ya ng halos isang taon.
Sa isang buwan na wala s'yang trabaho ay pihadong magugutom s'ya.
hindi s'ya maaring humingi ng tulong sa mga magulang dahil isusumbat na naman ng mga ito ang mga naitulong nito sa kan'ya.
Matapos maubos ng isang sigarilyo ay kaagad s'yang tumayo at lumabas na sa bar.
Muli n'yang inilabas ang isang kaha ng sigarilyo at lighter habang papunta kung nasaan ang motorsiklo n'ya.
YOU ARE READING
The Great Pretenders |COMPLETED|UNEDITED| UNDER REVISION
RomanceShean Rianna x Lee Shawn Start Writing: April 21, 2021 Finish Writing: May 10, 2023 "What will happen if the bsstard CEO and the suspended Police collide?" Shean Gomez is a brat and a quarelsome girl she is the only daughter of Danylo Gomez owner o...