Shean needs to act Rina this time she's Rina when her friends are around.
Kailangan n'ya munang alisin ang katauhan ni Shean Gomez.
Ginagamit n'ya ang Second name n'ya na Riana at ang maiden name ng ina n'ya na Santiago.
Riana Santiago.
Hindi batid ng mga kaibigan n'ya ang tunay na katauhan.
"Hoy Rina! ano namang naisipan mo at nag aya ka rito?" Tanong ni Giselle isa sa dalawa n'yang matatalik na kaibigan.
Tumawa s'ya.
Ang Shean Gomez na akala mo ay pasan ang daigdig ay tumatawa gamit ang katauhan ni Rina, tumatawa na parang walang problema, tumatawa na parang walang kasinungalingang pinaninindigan.
"Bakit ka tumatawa? luka luka ka na ba?" tanong nito sa kan'ya
"Siraulo ka, umupo ka na nga lang ilibre mo ako wala akong pera" Tumatawang aniya sa kaibigan.
"Kahit kailan talaga, pinapunta mo ba ako dito para pagbayarin sa oorderin mo?" Natatawang tanong nito sa kan'ya.
"Oo" Diretsahan n'yang sagot.
"Gaga ka talaga!" Tumawa ito.
"Nasaan si Anianette?" Tanong n'ya rito.
"Ewan ko do'n busy lagi 'yon e" Tugon nito sa tanong n'ya.
"Order ka na, nakasahod na ako...libre ko" Tumawa s'ya kaagad na napa angat ang tingin ng kaibigan n'ya sa kan'ya.
"Wow! bago 'yan ah" Tumawa ito
"Order na, baka magbago pa isip ko palayasin kita e" Hinampas n'ya ang balikat nito.
"Sige" Tumawa ito at tumayo na.
Matapos mag order ng kaibigan ay umupo ito sa upuan sa kabilang bahagi.
"So, bakit ka nga nag aya dito...may i sha-share ka ba d'yan?" Tanong nito
Nag angat s'ya ng tingin ngunit kaagad ring umiwas ng tingin sa kaibigan.
"Ano nga Rina?" Tanong ulit nito
"Wala naman, gusto ko lang kayong makita ni Anianette."
"'Di ka ata duty ngayon?" tanong nito sa kan'ya
"Tinatamad ako" Simple n'yang sagot rito
"Chief?" tanong kaagad n'ya matapos sagutin ang tawag.
"I want to talk to you PO2 Gomez"
"Ok then sir,ill be there" She said and ended the call.
"I have to go, bayad na yan...tumawag si chief" peke s'yang tumawa.
"Absent pa more!"
Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito sa Police s'ya suportado s'ya ng mg ito ang ayaw n'ya lamang ay malaman ng mga ito na Gomez s'ya dahil ang mga Gomez ay matinding kalaban ng iba pang mga kumpanya. Sina Giselle ay mayroong kumpanya at isa ito sa kalaban ng mga Gomez.
Ayaw n'yang ipangalandakan na isa s'yang Gomez, ayaw n'yang ipa-alam sa mga tao na anak s'ya ni Danilo Gomez .
Ayaw n'yang maging isang Gomez.
"Chief" Sumaludo s'ya rito pagka tungtong na pagka tungtong pa lamang n'ya sa entrada ng opisina nito.
"You are a great Police, officer Gomez but we're planning to remove your license."
Sa pagkabigla ay hindi kaagad s'ya naka imik.
"Sir, you can't" Sagot n'ya rito tila nanghihina ang mga tuhod n'ya sa salitang 'yon
YOU ARE READING
The Great Pretenders |COMPLETED|UNEDITED| UNDER REVISION
RomanceShean Rianna x Lee Shawn Start Writing: April 21, 2021 Finish Writing: May 10, 2023 "What will happen if the bsstard CEO and the suspended Police collide?" Shean Gomez is a brat and a quarelsome girl she is the only daughter of Danylo Gomez owner o...