#12 Guilt

400 12 0
                                    

Napangiwi si Shean nang may dumamping malamig na bagay sa noo n'ya habang s'ya ay nananatiling naka pikit.

Naramdamaan n'ya kaagad ang pagsikdo ng sakit mula sa kan'yang tiyan.

Kaagad n'yang hinawakan ang kamay ng nagpupunas sa kan'ya.

"Claude?anong ginagawa mo dito?"  tanong n'ya nang mahawakan ang malaking kamay ng katabi habang nakapikit pa rin.

"I'm not Claude" Saad nito sa kan'ya, kaagad s'yang napamulat at napa atras mula rito.

"Lee..." saad lamang n'ya nang makita itong may hawak na maliit na planggana at puting twalya.

"Umaga na?" napasapo n'ya ang noo alam n'ya na nawalan s'ya ng malay kanina

"It's just 12:23 am" sagot nito

Nakatingin lang sa kan'ya ang lalaki kasunod no'n ang pagtayo nito mula sa pagkaka upo.

"Are you okay?" tanong nito nang hindi tumitingin sa kan'ya.

Saglit s'yang natigilan kasunod no'n ang pagsikdo na naman ng sakit nang t'yan n'ya na tila masusuka.

Kaagad s'yang napatayo mula sa sofa at mabilis na pumanhik sa cr.

"Hey!" sigaw ni Lee na nakasunod sa kan'ya

"Are you pregnant?" tanong nito matapos s'yang makitang sumusuka.

"Tangina, hindi pwede!" sigaw n'ya at masamang tumingin sa lalaki

"Ang bilis ko namang maka-buo" ngumisi ito na ikina-panindig ng balahibo n'ya

pumunta s'ya sa sink at nag mumog hindi na n'ya pinansin ang lalaki dahil puro ka hambugan at kataratantaduhan na naman ang pagsasasabihin nito.

Humarap s'ya kay Lee at tiningnan lamang ito bago dire-diretsong lumabas sa banyo.

"Ayos ka na?" tanong na naman nito

"Nakikita mo ba na ayos ako?!" pikon n'yang tugon rito.

"You have a fever..." saad ng lalaki

"Alam ko, kaya ko ang sarili ko Lee" humiga s'ya sa sofa "I'll leave after this, i just need to rest" saad n'ya

"I'll buy you a medicine" suhestiyon nito

"No need to" umupo s'ya at nilingon ang lalaki

"Are you kidding me?" saad ni Lee at pumunta sa harapan n'ya

"May sigarilyo ka?" barumbado n'yang tanong dito

Napakunot ang noo ng lalaki habang nakatingin sa kan'ya.

"You're sick" tugon naman nito at hindi na nag atubili pang ikuha s'ya ng sigarilyo
"Nilalagnat ka, you need a medicine not a cigarettes"

Irita s'yang tumayo sa harapan nito "Alam ko! i know Lee! i know that i have a fever i can handle myself without your help!"
"Damn it" bulong pa n'ya

Walang ganang tumingin sa kan'ya si Lee "Okay, okay... " suminghal ito at tinalikuran s'ya dire-diretsong naglakad at umakyat sa hagdanan ang lalaki.

Napaupo na lang s'ya sa sofa at inihilamos ang kamay sa muka.
Maya maya pa ay narinig n'ya ang yabag pababa ng hagdan kaya agaran s'yang napatingin do'n.

"If you still need a fucking cigarettes" ngumisi ito at inihagis ang kaha ng sigarilyo sa lamesa malapit sa sofa kung nasaan s'ya.

"Lee..." tawag n'ya sa pangalan nito, hindi n'ya alam pero she's... guilty?

"If you're going to leave, just lock the door"
saad nito "brat" bulong nito bago dire-diretsong umakyat sa hagdanan

Huminga s'ya ng malalim habang nakatingin sa hagdan.

"Tangina Shean, bakit ka nagu-guilty" inis na saad n'ya sa sarili, naramdaman n'yang kumalam ang kan'yang sikmura kaya kaagad s'yang pumunta da kusina para uminom ng tubig ngunit pagkatapos n'yang uminom ay may napansin s'yang naka patong sa ibabaw ng lamesa.

"did he...cook for me?" wala sa sarili n'yang tanong habang nakatingin sa mga pagkain.

Matapos no'n ay wala sa sarili s'yang humigit ng upuan at mupo dito.
Kinuha n'ya ang kutsara at tinidor at sumandok ng niluto ni Lee.

Pork Adobo, parang mas lalong kumulo ang sikmura n'ya nang makita ang putahe.

Iniinat n'ya ang katawan matapos kumain sobrang sakit ng ulo n'ya na tila parang pinupokpok ng martilyo.
Muli s'yang napaupo sa sofa at hinawakan ang noo bahagya s'yang tumagilid upang makita na naman n'ya ang maliit na batya kung saan nandoon ang towel na idinadampi ni Lee sa kan'ya.

Biglang sumeryoso ang muka n'ya at nakaramdam na naman ng pagka guilty sa nangyari kanina.

Alam n'yang nag aalala lang ito sa kan'ya pero nagawa pa n'yang sagarin ang pasensya nito.

ipinikit n'ya ang mata at pilit na iwinaksi ang lahat ng iniisip.

"Ayos na 'to" saad n'ya mang makitang kumukulo na ang sinigang na baboy na niluluto n'ya.

It's just 4 am in the morning, she needs to leave habang hindi pa nagigising si Lee she's still guilty about what happened .

isinalang n'ya ang dalawang pirasong manok sa kumukulong mantika na  ibinabad n'ya kanina sa toyo at mga rekado.

Matapos no'n ay hinugasan n'ya ang lahat ng mga ginamit.

Kinuha n'ya ang cellphone mula sa kan'yang bulsa at nag text sa number ni Lee, baka hindi magalaw ng binata ang pagkain kung hindi n'ya ipapaalam rito.

Ngunit kaagad ring nagbago ang isip n'ya nang hindi malaman kung saan sisimulan ang text dahil panay ang bura n'ya sa tinitipa n'yang salita.

Sa huli ay isinuot n'ya na lang ang denim jacket at inayos ang mga sofa kung saan s'ya nakahiga kanina.

Ipinaling n'ya ang ulo at pinasahe ang sintido, masakit pa ang ulo n'ya dahil sa trangkaso.

She locked the door of Lee's house and went to the parking lot, isinuot nya ang helmet  sumakay sa kan'yang  motorsiklo  at umalis.

"Ano ho ang kailangan n'yo aling Linda?" tanong n'ya kaaagad sa landlord nila pagkarating sa harapan ng inuupahan n'yang apartment.

"Nako, Rina ineng kailangan ko na ang advance na bayad eh" saad kaaagad nito habang nakatingin sa kan'ya

she twisted her lips and get her wallet, nakita n'ya na kaagad na nagningning ang mata ng matanda dahil do'n.

Kinuha n'ya ang 5 thousand sa wallet at ibinigay sa matanda.

"''Yan ho" saad n'ya kaagad naman itong tinanggap ng matanda.

"May kailangan kasi akong bilhing gamot e, hehehe" saad naman nito sa kan'ya

"Ayos lang ho" binigyan n'ya ito ng payak na ngiti.

"Salamat ineng" masayang saad nito
She just nood and walk towards her apartment.

Katunayan ay maganda ang apartment may second floor ito na kung saan ay nandoon ang kan'yang kwarto habang sa ibaba naman ay may sala maliit na kusina at comfort room.

Pagpasok n'ya sa loob ay kaagad n'yang ipinatong ang jacket at helmet sa maliit na sofa.

May maliit na sala set s'ya at isang flat screen TV.
Dumiretso s'ya ng lakad papunta sa itaas dahil masama pa rin ang pakiramdam n'ya.

From: Claude
Pupunta ako d'yan later i need to talk to you.

To: Claude
K. can you buy some medicines for me? haha i forgot to buy i have a fever. lol.

From: Claude
Sure. buy some medicines near your place i think afternoon pa ako makakapunta.

Inilapag n'ya ang cellphone sa bedside table at hinubad ang damit para mag linis ng katawan.

Pagkatapos no'n ay kaagad s'yang humilata sa kama para magpahinga.

To: LSChoi
I still have a fever, i'll just rest.

********************************
VENCOLDASICE
Hambog po si Shean HAHAHAA mga 1week ako di nakapag sulat becoz? binasa ko ang 131 years mi Nicoleannenuna! Gagi sobrang ganda! inlove na po ako kay Vicente Dela Vega chariz.

The Great Pretenders |COMPLETED|UNEDITED| UNDER REVISION Where stories live. Discover now