"MAUNA ka na may gagawin ka pa ata, kaya ko na ang sarili ko" payo ni Shean kay Claude matapos s'ya nitong ihatid sa inuupahan n'yang apartment para kuhanin ang motorsiklo n'ya.
"Sasamahan na kita, what are friends for?" tanong pa nito
"Pero, kaya ko naman ang sarili ko Claude may mas mahalaga ka oang gagawin" sabi pa n'ya rito habang nagsusuot ng helmet
"Sige, sabi mo e...ingat ka" saad nito at ibinaba ang shield ng helmet.
"Sige Claude,thankyou" mahina n'yang saad rito.
"Wow! nagpasalamat s'ya" humagalpak pa ito na nang aasar never pa s'yang nagpasalamat sa kaibigan. Never
"Shut up Guanzon, i'll cut your tounge" pagbabanta n'ya rito bago sabay nilang pinatakbo ang kanilang motorsiklo paalis.
Itinaas n'ya ang kaliwang kamay upang magpaalam rito nang magkahiwalay na sila ng tinahak na daan.
Papunta s'ya sa Hospital ngayon dahil tinawagan s'ya ng Kuya Darson n'ya, s'ya ang anak ng pumanaw n'yang tiyuhin. Sa ngayon ay ito ang namamahala sa kalahati ng kumpanya ang ang kalahating ito ang hindi pa lumulubog.
Inatake na naman sa Puso ang kan'yang ama, tinginan mo nga naman at kung hindi pa s'ya tinawagan ng Pinsan ay hindi n'ya malalaman ang nangyari rito.
napangisi s'ya ng dahil do'n, parang talagang tinanggalan na s'ya ng karapatan bilang anak.
Ni hindi man lamang s'ya natawagan ng kan'yang ina upang ipaalam ang nangyari.
Pagkarating n'ya sa Hospital ay kaagad n'yang ipinarada ang motor at dagliang pumasok sa loob para itanong sa nurse kung saan ang kwarto ng ama.
Kaagad namang sinabi ng nurse kung ano ang Room Number na inukupa ng ama."Mom" tawag n'ya kaagad pagkapasok
Napatingin ang ina n'ya sa kan'ya, ngunit hindi ito 'yong tingin na may saya dahil naririto s'ya ngayon.
Mabilis itong lumapit sa kan'ya at sinampal s'ya ng sobrang lakas na halos mapabaling ang katawan n'ya sa kaliwang bahagi.
"Kasalanan mo... kasalanan mo kung bakit nangyari ang bagay na ito, it's your fault Shean" mahina ngunit may diin na usal nito.
Habang naka yuko at nakabaling sa kaliwang side ang muka ay damang dama n'ya ang sakit ng pagkakasampal nito pakiramdam n'ya ay parang na dislocate ang panga n'ya tang ina.
Iginalaw n'ya ang panga at nanatiling nakayuko.
"Kung sinunod mo na lang sana ang ama mo! jusko Shean! Tama naman ang pagpapalaki namin sa'yo! Ginawa namin ang lahat para bigyan ka ng magandang buhay! Pero bakit?...bakit? kahit simpleng pakiusap lang namin sayo! bakit hindi mo kami magawang sundin?! ha?! nag kulang ba kami?!" sigaw nito sa kan'ya
"Sabihin mo Anak! nag kulang ba kami?!" umiiyak na sigaw nitong muli.
"Pinalaki n'yo nga ako mom, pero tama nga ba? tama lang ba na...iwanan ako sa mga katulong? tama lang ba na...unahin ang trabaho bago ako? bago ako na sarili...sarili n'yong anak?" nag crack ang boses n'ya habang sinasabi ang salitang 'yon
"Pero Shean naman! hindi 'yon ang rason para maging ganito ka! hindi 'yon ang nararapat na rason para pumasok ka sa samu't saring mga bisyo! Shean naman!" nanghihinang tugon ng ginang, pilit na ipinapaintindi sa anak ang bagay na ikinasasarado ng isipan nito.
"You're a big disappointment for us" saad nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya.
"Lahat na lang ba kayo? ang tawag sa'kin disappointment?" ngumiwi s'ya "Edi sana hindi n'yo na lang ako binuhay! sana ay ipinutok n'yo na lang ako sa kumot tangina naman!"
YOU ARE READING
The Great Pretenders |COMPLETED|UNEDITED| UNDER REVISION
RomanceShean Rianna x Lee Shawn Start Writing: April 21, 2021 Finish Writing: May 10, 2023 "What will happen if the bsstard CEO and the suspended Police collide?" Shean Gomez is a brat and a quarelsome girl she is the only daughter of Danylo Gomez owner o...