#18 Hunt

308 11 0
                                    

NAPASINGHAP si Lee nang dampian ni Shean ang tagiliran nito na nasaksak ng balisong.

"Dahan dahan, Darane" He groaned

"Call me Rina, i'm not comfortable with my real name" saad n'ya sa lalaki habang dinadampian ng bulak ang sugat nito.

"Hindi naman malalim, ang arte mo" sininghalan n'ya ito at kinuha ang benda sa maliit na lamesita.

"Masakit ang braso mo?" tanong nito
She shook her head.

"Hindi na masyado" saad n'ya habang inaayos ang benda sa palibot ng katawan nito.

"Tumayo ka ng ayos" utos n'ya kay Lee.

Sinunod naman kaagad ito ng lalaki at nagsimula na n'yang ipalibot ang benda paikot sa katawan nito.

"How did you know to do this?" Lee asked.

"Ofcourse we trai-"
Naputol ang sasabihin ni Shean nang ma-realize n'ya kung anong isisiwalat n'ya.

Napaangat ang tingin n'ya kay Lee at sakto namang naka baba rin ang tingin nito sa kan'ya.

"What, Rina?" Lee asked,confused

"It's nothing, ofcourse marunong ako...like paano kung magka-sugat ako so, dapat alam ko kung paano gamutin ang sarili ko". Agap n'ya upang hindi ito makahalata.

"Don't worry, walang lason or tetano ang balisong ko" Sabi n'ya habang inaayos ang first aid kit.

"Where did you get those?" Nilingon n'ya si Lee dahil sa tanong nito.
"And the gun?" He asked again.

"It's none of your business anymore, Mr. Choi" Saad n'ya at iniwan na ito sa sala upang ibalik ang first aid kit sa pinagkuhanan.

"I gotta-" Bigla s'yang napa-isip
"Hey, paano kung ma detect ng mga Police ang nangyaring gulo?" she suddenly ask

"Hindi nila magagawa yo'n" ngumisi ito habang dala ang isang MacBook.

"A-Anong gagawin mo?" lumakad s'ya palapit kay Lee at tiningnan kung ano ang gagawin nito.

"I will going to hack their CCTV system". presko nitong saad

"That's  illegal" tutol n'ya
"Bakit? do you want to get imprison?" dumako ang tingin ni Lee sa kan'ya.

Maya-maya pa ay iniharap ni Lee ang MacBook sa kan'ya.
Kitang kita do'n ang away at rambulan.
Nakita rin n'ya do'n ang footage kung saan ginilitan n'ya ang lider ng mga ito.

"Rina,paano? Saan mo natutunan ang ganitong klase ng galaw?" tanong ni Lee habang hindi inaalis ang tingin sa kan'ya.

She sigh. "I gotta go" saad n'ya ngunit na realize n'ya na hindi n'ya nga pala dala ang motor n'ya.

"Go ahead" Lee said while looking at his laptop.

"I'll borrow your ducati" saad n'ya rito.

"Sure" sagot naman nito at binigyan s'ya ng kaunting tingin bago ibalik ang tingin sa laptop sa unahan.

Lumabas s'ya sa loob ng condominium ni Lee at nakita n'yang mayro'ng nag-aabang  sa kan'ya mula sa labas.

Babalik pa sana s'ya sa loob ng condominium ni Lee nang may maramdaman s'yang itinusok sa leeg n'ya.

Nanlambot ang mga tuhod n'ya at tila bumibigat ang talukap ng kan'yang mga mata.

Nang tuluyan na s'yang natumba ay kaagad s'yang binuhat ng tatlong lalaki.

"Help!" Gusto n'yang isigaw ngunit walang letra o salita ang nais lumabas sa bibig n'ya.

KASALUKUYANG binubura ni Lee ang mga CCTV footage kung saan naganap ang gulo nang mag ring ang cellphone n'ya.

"Yeah,brat?" sagot n'ya nang hindi tinitingnan ang screen.

"Oh,Lee Shawn Choi...long time no talk~" kumanta kanta pa ito nang sabihin iyon.
Natigilan si Lee at napakunot ang noo.

"Montrelli" seryoso n'yang saad.

"Nandito ang Brat mo~ la di da di da~" tumawa ito.

"I know that you're hacking CCTV system check the CCTV footage on the parking lot then" humalakhak ito at ibinaba na ang linya.

Padabog n'yang ibinaba ang cellphone at dali-daling tiningnan ang CCTV footage sa parking lot.

"Shit" suminghal s'ya nang makitang ipinapasok sa Van ng mga tauhan ni Montrelli ang dalaga.

Nanlalaban ito ngunit pansin ang panlalambot nito.

Ibinaling n'ya ang tingin sa tinatayuan ni Montrelli. Nag dirty finger muna ito sa monitor bago sumakay sa Van.

"Montrelli" sinagot n'ya ang tawag.

"nakita mo ba?" tumawa ito
"Ibebenta namin s'ya ng milyon milyon".

"Fuck you" saad n'ya rito habang madiin na nakahawak sa telepono.

"fuck me~" humagalpak ito ng tawa at ibinaba na ang tawag.

Isa lamang ang naiisip ni Lee, it's his fault.
Kung hindi n'ya pinag-panggap si Rina na girlfriend n'ya ay hindi ito malalagay sa ganitong sitwasyon.

"I'll be doom" he tsked and stood up.

"Fuego" tawag n'ya sa kaibigan.

"Napatawag ka Choi" saad nito sa kabilang linya.

"Alam mo pa rin ba kung saan ang hideout nina Montrelli?" seryosong tanong n'ya

Hindi na rin n'ya mahahabol ang mga ito, ang susi ng Ducati ay nasa bulsa ni Rina.

"Tangina, ano na naman ang nangyari?" gigil na saad nito.

"He kidnapped my secretary" he scratch the bridge of his nose.

"I'll help you, itra-track ko ang gamit nilang sasakyan, Mayro'n bang plate number?"

"Wala" saad n'ya

"Ay, tangina?! wala akong magagawa d'yan!" sigaw nito sa kabilang linya

"Nakasisiguro ako na ibi-bid nila ang sekretarya mo" saad nito.

Sinuklay n'ya ang buhok gamit ang daliri nang dahil sa iritasyon.

"Subukan mong puntahan dito sa lugar na 'to".
"Pag-aari ito ng isang sindikato, mag iingat ka".

"Sige" saad n'ya at ibinaba na ang tawag.

Maya-maya pa ay nag-send na ito ng address kung saan s'ya pupunta.

Tumayo s'ya naglakad papunta sa parking lot, ngunit may natanaw s'yang susi sa semento.

"Damn" dinampot n'ya ito at dali daling sumakay sa motor n'ya kahit na kumikirot ang sugat n'ya sa tagiliran.

Nag drive s'ya pauwi sa sariling bahay at kinuha ang susi ng itim n'yang Sedan.

"Choi" muling tumawag si Montrelli sa telepono.

"You'll pay for this" tiim bagang n'yang saad rito

"make me pay, daddy~" muli itong tumawa.

"Ikaw muna ang pagbabayarin ko, marami kang utang sa akin, kung natatandaan mo pa" nagseryoso na ito ng boses.

"Make me pay, 'wag ka nang mandamay pa" saad n'ya.

"Oo pagbabayarin kita, pero uunahin mo muna ang girlfriend mo" tumawa ito

"I will not forgive you, Montrelli...sisiguraduhin kong maagnas ka ng buhay".

Saglit na natahimik ang kabilang linya.
"Katulad nang ginawa ko sa kaibigan mo" marahan s'yang tumawa "I'll  hunt you down and make your life as a living hell"
Saad n'ya at tuluyan nang ibinaba ang tawag.

****************
VENCOLDASICE

The Great Pretenders |COMPLETED|UNEDITED| UNDER REVISION Where stories live. Discover now