Part 4: The Bodyguard

3 1 0
                                    

KITA ni Medeia kung paano nahirapang lumunok ang ninong ni Clay nang makita siya sa katabing lamesa. Sinabi niya kay Clay na mas magandang huwag siyang ipakilala kahit kanino para masiguro na mapoprotektahan niya ito nang walang sagabal. Patingin-tingin sa kaniya ang matandang lalaki at hindi man lang magalaw ang pagkain. Tama nga si Heaven, makikita niya ang matagal nang hinahanap sa pamamagitan ni Clay.

"Long time no see, Raul." Kinonekta niya ang isip sa lalaki. Lalo itong pinagpawisan. "Baka nakakalimutan mo, overdue ka na. It's payback time and another thing, you broke the contract, asshole."

"Wala akong nilalabag!" Na-amaze siya sa pagsagot nito.

"Says who?" Ipinakita niya sa isip nito ang kontrata, naging dugo ang mga letrang nakasaad roon na nagsasabing nilabag ni Raul ang mga nakasulat. This guy knew better but his greediness is eating him up. You can run and hide, Raul. But now that I get a hold of you, you cannot escape. We can play hide and seek, if that's what you want." Babala ni Medeia bago matapos ang hapunan.

The people who made contracts with her knew what she's capable of. Kaya niyang tuparin ang lahat ng luho ng mga tao kapalit ng isang bagay - kaluluwa. Hence, she the daughter of Lucifer, King of the Underworld. Her mother was a mortal who fell in love with his father, which is really weird for her - died after giving birth to her. Kasama siyang namatay ng ina at dahil nga anak siya ni Lucifer ay automatic na pumunta siya sa impiyerno ang doon lumaki. Nang mag-eighteen ay hiniling niya sa ama na bumalik sa lupa at pinagbigyan naman siya sa isang kondisyon - kumolekta ng mga halang na kaluluwa para naman may maparusahan sa impiyerno.

NAGISING si Clay dahil sa ingay na magmumula sa living room ng suite ng tinutuluyan niya. Kahit antok na antok pa ay lumabas siya para masaksihan lang ang dalawang taong nagpapalitan ng suntok. Nagising ang diwa niya nang ma-realize na si Medeia isa sa mga iyon!

"Get inside!" utos ng babae. Nasundan ba siya ng nagtatangka sa buhay niya? Bumalik siya sa kuwarto para tumawag ng security. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit hindi niya tinuloy ang pag-aaral ng martial arts, nag-e-exercise siya pero hindi panglaban ang purpose. Mabuti na lang at nasa kabilang suite si Heaven, hindi ito madadamay. A loud thud followed by a faint groan amidst the room. Muli siyang lumabas at nakita ang lalaking walang malay sa sahig. Medeia didn't even have a single scratch! Lalo siyang namangha dahil napatumba nito ang lalaking higit na mas malaki rito. Now, he felt humiliated, babae pa ang nagligtas sa kaniya. She is your bodyguard! Natural na mas malakas siya kaysa sa iyo!

Dumating na ang security kasama ang ninong niya. The old man looks worried but frustrated at the same time. Natural dahil hindi magandang imahe iyon sa negosyo.

"Are you okay?" Tanong ni Raul.

"Yes, I didn't tell you this before. May nagtatangka sa buhay ko at malakas ang kutob ko na nasundan ako rito. I'm sorry for causing trouble." Dinampot na ng security ang nanloob at hinayaang niyang magbigay ng statement si Medeia. Mukhang hindi pa makapag-focus ang mga security dahil sa babae. Sino ba namang mag-aakala na kaya nitong bugbugin ang malaking tao? Lumabas sila ni Raul sa terrace para magpahangin. This person is like a father to him, parati itong nakaalalay sa kaniya at malaki ang naitulong nito noong nagsisimula pa lang siyang pamahalaan ang kumpanya.

"Na-i-report mo na ba sa kinauukulan ang tungkol sa mga death threats mo?" Tanong ni Raul.

"Yes, I did. That lady inside, she's my bodyguard. I'm glad that she's here."

"Stay away from her, Clay." Biglang nag-iba ang timpla ni Raul. "Hindi mo kilala ang babaeng iyon." Bago pa siya nakapag-react ay sumulpot si Medeia.

"What's up?" Relax na tanong ng dalaga na parang kumain lang ng mani kanina.

"Are you hurt?" Clay was worried, too. Kung siya ang nakipagbakbakan kanina ay tiyak na sa ospital ang bagsak niya.

"Did you know that person by any chance, mister?" Tanong ni Medeia kay Raul. Napansin niya ang pagiging uneasy ni Raul nang lumapit ang dalaga, parang natatakot ito.

"Stop talking nonsense," at nagmamadaling iniwan na sila ng matanda.

Nang matapos ang business meeting sa resort ay bumalik na silang tatlo sa Maynila. Hanggang sa opisina ay nakasunod sa kaniya si Medeia. Pagtapak pa lang ng babae sa lobby ng building ay humakot agad ito ng atensiyon dahil hindi pang-bodyguard ang get up ng dalaga. Naka-black crop top ito kaya't visible ang piercing sa pusod, low-waist tattered jeans na tinernuhan ng tatlong pulgadang red pumps bilang sapin sa paa. Mukha itong artista na ready na sa photoshoot. Namumutok pa ang labi nito dahil sa pulang lipstick.

"I'm sucker for attention, Sir Clay." Anunsiyo pa ng dalaga nang makapasok sila sa elevator.

"Medeia, are you sure you can outrun the killers with high heels? Please make sure that my safety is your number one priority." Pasensyoso siyang tao at sabi ng mga kaibigan ay puwede siyang bigyan ng Patience award of the year pero tila naglaho ang lahat ng iyon ng makilala si Medeia. She always brings the worst out of him.

"Don't worry, I can outrun everyone wearing my high heels. Take note, it's Manolo Blahnik, limited edition." Napanganga siya. She can afford that? Pumasok na sila sa opisina para i-finalize ang mga dokumento ng dalaga at kung paano nito makukuha ang sweldo. "Since stay in ako, I need to pack my things. But before that, since my priority is your safety, I will scan the whole building first. Ciao!" Lumabas ang dalaga at iiling-iling na hinarap niya ang paper works. 

Deals and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon