Part 3: The Boss

4 1 0
                                    

MUNTIK nang umabot sa langit ang kilay ni Clay dahil sa sinabi ng sekretarya niyang si Heaven. Abala ito sa pagse-cellphone habang siya ay nakalublob sa pool. Nandito sila ngayon sa Black Diamond Resort para sa business deal at para na rin sa maiksing bakasyon, stressed siya lately sa trabaho at may dumagdag pa dahil sa tingin niya ay nanganganib ang buhay niya.

Ilang beses niyang inalisa kung may nakaaway ba siya sa negosyo pero parang wala naman. Hindi rin madali ang import and export business niya at sigurado siya in good terms naman siya sa mga bansa kung saan nagaganap ang negosyo niya. Sana naman ay efficient ang bodyguard na kinuha ni Heaven.

"Nandito na kako 'yung bodyguard ninyo, sir." Ibinaba ni Heaven ang cellphone at tumingin sa entrada ng pool area, mukhang may hinihintay ito.

"Ang bilis mong nakakuha, kahapon ko lang sinabi sa'yo ah." Hindi naman sa nagrereklamo pero bilib siya sa secretary niya. Inutusan niya si Heaven na humanap ng bodyguard dahil nakakatanggap siya ng death threats nitong mga nakaraang buwan. Ipinagwalang bahala niya iyon noong una hanggang sa pinaputukan siya ng baril sa isang noong isang gabi. Doon siya natakot.

Pauwi na si Clay galing sa trabaho, doble overtime siya ngayong araw dahil nagkaroon ng problema sa Hong Kong account na hindi niya puwedeng pabayaan. Habang kausap ang kaniyang ninong sa bluetooth headset ay naramdaman niya ang paggewang ng sasakyan kaya't gumilid siya at ininispeksyon ang sasakyan.

"Hijo, anong nangyari?" Doon lang niya narinig ang boses ng matanda.

"Ninong, I'll call you later. I just had a small accident but I'm fine." Lumapit sa kaniya ang isang traffic enforcer at tiningnan rin ang sasakyan niya.

"Sir, butas ho 'yung gulong ninyo sa likuran, parang tinamaan ng bala. Mabuti na lang at nakaligtas kayo." At doon nag-sink in sa utak ni Clay ang lahat.

Pinaimbestigahan niya ang nangyari ngunit wala namang resulta na lumabas. Ayon sa report ay ligaw lang na bala ang dahilan. Pero dahil paranoid na siya, heto siya ngayon, agad na nagpahanap ng bodyguard. "Akala ko ba pagbalik pa natin sa Manila magsisimula ang trabaho ng bodyguard ko?" Pakiramdam niya ay safe siya sa isla, masyado namang obsessed ang sinumang gustong pumatay sa kaniya para sundan siya roon. Exclusive ang resort na ito kaya't secured siya.

"Nasa kabilang isla raw siya kanina sir, puwede na siyang magsimula anytime. Tutal nasa malapit lang siya, tinawagan ko na." Nabali ang leeg ni Heaven nang may dumaang foreigner sa harap nito, at iyon ang ebidensiya na walang epekto ang gandang lalaki niya rito. "Finally!" Sinalubong ni Heaven ang babaeng naka-two piece swim suit, hanggang leeg ang kulay pulang buhok nito at may katangkaran rin. Lihim siyang napasipol dahil sa ganda ng kutis nito, kulay gatas. Dinaig rin nito ang Coca-Cola bottle sa kaseksihan. "Naka-get up ka agad?"

"Of course, I'm in paradise!" Sagot ng babae, alluring ang boses nito. Bedroom voice. Napansin niyang hindi lang siya ang nakatitig rito, pati na rin ang ilang guest, mapababae o lalaki. Nagbulungan ang dalawa at na-curious siya, mukhang close ang dalawa.

"Sir, may party mamaya sa beach. Pupunta ba kayo? Bukas pa naman ang business meeting ninyo, puwede pa tayong mag-enjoy." Pa-cute na sabi ni Heaven pero hindi niya mahanap ang isasagot rito dahil natututok ang mga mata niya sa babaeng kasama nito na kanina na ngayon ay may kausap nang lalaki sa bar. "Sir?"

"Y-yes, of course. Puwede kang pumunta."

"Nandito na nga pala 'yung bodyguard ninyo. Gusto ninyo nang ma-meet?"

"Later." Parang siyang nahi-hypnotise sa bawat galaw ng babaeng pula ang buhok. "That lady over there, is she your friend?"

"Yes, sir. Bodyguard ninyo rin." Umurong ang leeg ni Clay sa narinig. Mali yata ang narinig niya. "You mean the guy who's talking with your friend? Is he my bodyguard?"

"No, sir. She is your bodyguard. I'll introduce you."

Umahon siya sa pool at inagaw naman ni Heaven ang kaibigan nito sa lalaking kausap. May kakaibang ngiti sa mga labi ng sekretarya, mukhang may binabalak ang bruha.

"Sir Clay, this is Medeia, my friend and your bodyguard. Medeia, this is Sir Clemente De Paraiso, our boss."

"Just call me Clay." Pinaningkitan niya ng mga mata si Heaven, why did she say his real name? Too old fashioned!

"Nice to meet you, Sir Clay." Ngumiti ng matamis si Medeia and there's a glint on her eyes that he didn't want to know what it means.

"I know it's sudden but can we go to my room to talk about your job and sign a contract?" Tumikhim siya para i-distract ang sarili sa pagtingin sa katawan ni Medeia.

"Sure, I love signing contracts!"

Inabot ni Clay ang folder na naglalaman ng kontrata nila ni Medeia, nakaupo ito sa harap niya at naka-display ang katawan nito dahil hindi man lang ito nagsuot ng pamatong sa bikini. Nabasa na rin niya ang information tungkol kay Medeia na napa-background check na pala ni Heaven, kailangan niyang bigyan ng bonus ang sekretarya. Masyado itong magaling sa trabaho.

"Don't you have anything to wear?"

"I'm comfortable, thank you." Binasa nito ang nilalaman ng kontrata. "Stay in and fatty paychecks. I'm in." Pumirma ito at ibinalik sa kaniya ang folder.

"I'm having dinner with my godfather tonight, and Heaven will give you my schedule after that."

"Cool. What's your type, Sir?" She crossed her legs and God knows how he kept himself from looking away.

"What type? Are you flirting with me?"

"I'm just asking." Pakantang sagot nito.

"How did you and Heaven met?" Curious talaga siya kung paano naging magkaibigan ang dalawa.

"Match made in Heaven, no puns intended."

"Hello!" Pumasok si Heaven at tumabi kay Medeia sa sofa. "Isn't she great, sir?" Tumango siya bilang sagot. "How's Stefan?" Bumaling ito sa magandang babae.

"He had an unforgettable night indeed. I think he's turning into a sex god,"

"For real? Just for one night, sex god agad?" Nanlaki ang mga mata ni Heaven. Nahigit niya nag hininga dahil sa usapan ng dalawa. Komportableng nag-uusap ang dalawa na parang hindi siya nag-e-exist.

"Kanino pa ba magmamana? And yes, his standards are too high. Remember the model that we met one time in an after-party a month ago? Stefan told me that he's meeting her tonight."

"Excuse me, I'm still here," pukaw niya sa dalawa. Iniwan na siya nina Heaven at Medeia para makapaghanda para sa hapunan. Masasabi niyang parehong weird ang sekretarya niya at ang kaibigan nito. 

Deals and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon