INANGAT ni Stefan ang tingin nang may pumasok sa kaniyang kuwarto. It was Medeia. He adores this lady so much and he will do anything to please her. Isinara niya ang binabasang libro at sinalubong ang babae.
"It's late, miss. I thought you're in Mr. De Paraiso's house?"
"It's the eve of your birthday, Stefan. I wouldn't miss it for the world." Mula sa likuran nito ay may inilabas itong box, inilapag nito iyon sa study table at binuksan. "Happy birthday, my sweet." She staked the candles through the chocolate cake and lit it. "Make a wish." He closed his eyes and wish, he's making the same wish on his birthday. He wants Medeia to be happy. Humiwa ito ng slice ng cake at inilagay sa platito.
"Look at you, your eighty-four but you look like twenty something. Finish your cake and let us go to bed." Inubos nga niya ang cake tulad ng sinabi nito. Medeia lied down on his bed and tapped the empty space. "Come on, lie down." Sumunod naman siya at humiga sa tabi nito. Nahigit niya ang hininga nang kabigin siya ng babae at isinandal ang ulo niya sa may bandang leeg nito.
"C-can I hug?" nahihiyang tanong niya.
"Of course, nitong lumaki ka lang naman hindi naglalambing sa akin. It hurts, my child. Noong maliit ka pa, ikaw mismo ang nag-i-insist na tumabi sa akin sa pagtulog. What happened, huh?" maarteng reklamo nito.
"Because I'm old?"
"You're still my baby even if you reach a thousand years old." Totoo naman iyon, mula nang ipanganak siya ay si Medeia na ang nag-alaga sa kaniya. Hindi niya nagisnan ang ina ngunit nakasama naman niya ang kaniyang lola ng isang taon. But still, he has no memories because he's still a baby that time. Medeia became his mom.
"Excuse me, miss?" Tawag ng apat na taon na si Stefan kay Medeia na abala sa pagbabasa ng magazine.
"Yes, sweetie?" Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito nang makita siyang nanlilimahid sa putik, katatatapos lang niyang makipaglaro sa mga kapwa bata sa labas.
"Can I wash the dishes tonight?" Nakikita niya ang mga kasambahay na naglilinis ng bahay at alam niya na kailangan rin niyang pagsilbihan ang babae.
"What are you talking about? You're still a baby, why would you wash the dishes?" Isinara nito ang magazine at nilapitan siya.
"Because it's my duty?" Tumawa si Medeia sa sagot niya.
"It's in your blood, indeed. You're still my baby, I want you to do what every child does. I'm not into child labor. Come on, let me clean you up. You stink." Kinarga siya nito at ibinaba sa bath tub.
"I know that you're not my real mom, but do you love me?" Hinubad nito ang damit niya at tinimpla ang temperatura ng tubig na lumalabas sa shower head.
"Of course! Why would I not love you? You are the most precious thing in the world and I love you with all my demon's heart." Sinimulan na siya nitong paliguan. "It's your first day of school tomorrow. We need to go out and buy your stuff." Nang mabihisan siya ay lumabas sila para mamili ng mga gamit. Sumakay sila sa sasakyan at pumunta sa downtown. "Great depression. We are lucky that we have nothing to lose." Sambit ni Medeia. Pinagmasdan niya ang mga batang gusgusin sa kalye, maraming mahihirap ngayon sa Amerika dahil sa depression.
Kinabukasan ay hinatid siya ni Medeia sa exclusive school para sa mga toddler na kagaya niya. Kinakabahan siya dahil ito ang first day of school niya, mawawalay siya kay Medeia nang matagal.
"This is Stefan, my child. If anything bad happens to him, you're all dead." Narinig niyang sabi nito sa mga teacher pati na sa principal. Tumalungko ito sa harap niya at inayos ang uniform niya. "My sweet, I will pick you up after four hours okay? Be a good boy. If someone bully you, punched that person in the face." Tumango siya. "Now, give me a kiss." Hinagkan nga niya nito sa magkabilang pisngi.
Excited na si Stefan, uuwi na siya at ipapakita niya kay Medeia ang art work na ginawa nila kanina. Isisilid na sana niya ang drawing sa bag nang may biglang humablot roon. Tiningala niya ang batang lalaki na blonde ang buhok, mas mataas ito sa kaniya at tiyak niyang kabilang ito sa mga elementary students.
"What is this?" Tiningnan nito ang drawing at tumawa. Pinangapusan siya ng hininga nang punit-punitin nito ang papel at itinapon sa basurahan. Biglang nagdilim ang paningin niya at sinugod ang bully. Akmang susuntukin siya nito nang itulak siya sa at gumasgas ang siko pati na ang tuhod niya sa magaspang na walkway. Wala siyang nagawa kundi umiyak habang pinupulot ang art work niya.
"Stefan?" Lalong lumakas ang iyak niya nang marinig ang boses ni Medeia. "What's wrong?" Binuhat siya nito at pinunasan ang magkasamang luha, pawis at sipon sa mukha niya. Itinuro niya ang mga sugat na natamo. Kung ibang bata ang makakakita sa pagbabagong anyo ng mga mata nito ay tiyak na matatakot. "Who did this?" He pointed the big kid playing at the see-saw.
"It's against the law to hurt a child," Medeia murmured. Habang buhat siya ay lumapit sila sa bully. "Hey, did you do this to my child?"
"N-no."
"Liar!" Sigaw niya rito.
"Hmmm... what to do?" Binalingan siya nito.
"Can I punch him on the face?" Tanong niya. Ibinaba siya nito at alam niyang ginamit ni Medeia ang power nito para mag-freeze ang bully pati na rin ang mga tao sa paligid. Ini-ready niya ang maliit na kamao at siniguradong tatamaan niya ito sa mukha. Nang mag-landing ang kamao niya ay agad siyang binuhat ni Medeia at tumakbo sila palayo. Gumalaw na ang lahat ng tao sa paligid at nakita niya kung paano pumalahaw ng iyak ang bully habang sapo ang dumudugong ilong. He felt victorious.
"Penny for your thoughts?" Nanumbalik si Stefan sa hinaharap.
"I just remembered my first day of school."
Tumawa nang malakas ang babae at tiyak na naalala rin nito ang kalokohan nila. Nang makatapos siya sa Harvard University ay nagdesisyon si Medeia na lisanin ang Amerika dahil masyado na itong matagal na nanirahan roon. They also need to expand Remedium Pharmacy and Passion Spirits - na siyang winery and alcohol business ni Medeia. Sa Pilipinas ang naging destinasyon nila.
"How's your date last night?"
"How did you know?"
"I'm your mother, of course I know everything." He can conclude that Medeia is a prying person. Hindi naman nito pinapakialam ang ibang aspeto ng buhay niya maliban sa love life.
"All good. She's nice and good in bed but still not my type."
"You use protection?"
"Oo naman." Napapikit siya niya hagurin nito ang buhok niya. It felt good.
"Bakit ba ang pihikan mo sa babae? Ang daming nagkakarandarapa sa'yo, sayang ang looks."
"Loyal lang talaga ako sa'yo, mother." Diniinan pa niya ang huling salita. Alam niyang hate na hate ni Medeia na tawagin niya itong ganoon kahit na ikalawang ina niya ito.
"Stop calling me that. I act as your mother but don't call me that. It gives me chills."
Nag-angat siya niya tingin at hinalikan ang pisngi nito. "Thank you for everything, Miss."
"Stefan, you know you can live your life the way you want. You can start your own family and think about your future. Hindi mo na ako kailangan pagsilbihan, before I met your grandmother, I am able to do all this things. I want you to be happy."
"This is my life, Miss. You are my family and that makes me happy." Naramdaman niya ang pagngiti nito. Nakatulog silang dalawa at paggising niya ay isang masaganang almusal ang naghihintay sa kaniya, courtesy of her mother, of course.
BINABASA MO ANG
Deals and Discord
FantasyMedeia, being the daughter of the king of hell was given a job to offer deals to greedy people in exchange for her freedom to roam the earth. This naughty demoness became an instant bodyguard to the Chairman of De Paraiso Inc, the ever gorgeous and...