MEDEIA CONTRARIETAS. Owner of one of the most prestigious casino in the Philippines – Aces Casino. Pamilyar sa kanya ang lugar pero hindi ang may ari kaya't laking gulat niya nang makita ang stolen shot na litrato ni Medeia na kasama sa parcel. Bakit hindi agad nakita ng PI ang pinakaimportanteng impormasyon tungkol sa bodyguard niya. Ano naman kayang atraso ni Medeia sa kaniyang sekretarya at ginawa itong bodyguard? Lalong lumolobo ang curiosity nita sa pagkatao nito.
"Did you hire someone to investigate me??" Sunud-sunod na mura ang lumabas sa bibig ni Clay nang maramdaman ang mainit na hininga ni Medeia sa likuran ng tainga niya. Bukod sa pagkagulat ay nanayo rin ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Mabilis siyang lumayo rito at tinitigan ito ng masama.
"Gising ka na?"
"Yes. Gusto mong pumunta sa Aces? Hindi ka pa naman yata inaantok." Ngayong napagmasdan niyang maigi si Medeia ay mas maganda pala ito kapag bagong gising, gulo ang buhok at namumula pa ang mukha. "That drug is too strong, I'm still high. I can even hear my father laughing at me from hell telling me that he wants to try some of the drug." Oo, bangag pa rin ito. Kung anu-ano ang sinasabi.
"Magpahinga ka na muna. Thank you for saving my life," sincere niyang sabi. "Matapos ang lahat ng nangyari kanina ay sa tingin ko ay hindi ko pa kayang matulog. Shocked pa rin ako."
"Hindi na rin ako makakatulog. I'll take a shower then we will go." Napatingin siya rito, di yata't mas bossy pa ito kaysa sa kaniya. Umakyat na ito sa kuwarto, gayon rin siya, mabilis siyang naligo at nagpalit ng damit.
ISANG marangyang lobby ang sumalubong kina Clay at Medeia, bukod sa casino ay may hotel sa left wing ng gusali. Sa isang malaki at pulang double wooden door sila pumasok at may grand staircase pababa papunta sa main lobby ng casino. Naroon sa kaliwang bahagi ng lobby ang bar at coffee shop naman sa kanan. Maraming mga empleyado at bumati sa kanilang pagdating at ngumingiti naman ang dalaga bilang sagot. May lumapit sa kanilang lalaki na naka-coat and tie, hanggang leeg ang haba ng silver na buhok nito at may salamin sa mata, dala-dala nito ang isang clipboard na maraming nakasangat na papel at pulang fountain pen.
"Miss, perfect timing." Inabot ng lalaki ang clipboard at pumirma si Medeia. "Good morning, mister." Bati naman sa kaniya nito. Alas-tres na ng madaling araw pero buhay pa rin ang paligid. Tumango naman siya rito. Bumaba na sila sa grand stair case, dumaan sa hallway, at bumulaga ang malawak na game area. Maraming tao roon, naglalaro sa iba't-ibang lamesa, may slot machine at mayroong bar ulit sa loob. May mezzanine floor kung saan mayroong restaurant at ikalawang palapag na gaming area ulit.
Ramdam na ramdam ni Clay kung gaano kalaki ang lumalabas at pumapasok na pera sa lugar na ito, maraming businessman ang naglalaro at may mga big time gambler rin sa lugar.
"Wanna play? On the house," yaya ni Medeia. Umiling siya pero naupo ito sa lamesa kung saan may naglalaro ng poker. "Can I join?"
"Yes, miss. The game is just starting," sagot ng babaeng dealer. Habang abala sa paglalaro si Medeia, na high pa rin dahil sa Neverland, ay pumunta muna siya sa bar para kumuha ng maiinom. He settled for a glass of champagne. Nabitin sa ere ang pag-inom niya nang may makitang isang pamilyar na mukha mula sa di kalayuan. Mabilis niya itong nilapitan.
"D-dad?" Nilingon siya ng lalaki na sa tingin niya ay kaedaran lang niya. Kamukhang kamukha ito ng namayapang ama. Blangko ang ekspresiyon ng mukha nito at umalis, hihigitin na sana niya ito dahil mababangga nito ang isa sa mga manlalaro ngunit tumagos ang lalaki sa katawan ng kasalubong. Sinundan niya ito ng tingin at parang nagmamasid ito ng paligid.
"Medeia," tawag niya sa dalaga nang makabalik. She's losing the game. Naudlot ang sasabihin niya nang magkaroon ng komosyon sa kabilang bahagi ng game area, mabilis silang lumapit at nakita ang matandang lalaki na nakahandusay sa sahig, sapo ang dibdib. Mabilis na rumesponde ang mga medics at isinakay ang matanda sa stretcher. Nakasunod ang lalaking kamukha ng kaniyang ama palabas.
"Where is he going? Is he a doctor?" sunud-sunod niyang tanong kay Medeia.
"Who?" balik-tanong naman ng dalaga. "Normal na rito ang may aatakihin sa puso, they get too excited, that's why I have my own ambulance and medics on my team."
"He's back," usal niya nang bumalik ang lalaki, nakatuon ang atensiyon nito sa isang itim na notebook at may isinusulat roon. "Tauhan mo rin ba siya?"
"Oh, you can see him?" balik-tanong ulit ni Medeia. Sinenyasan ni Medeia ang lalaki, nawala itong parang bula at bumaba naman sila sa basement kung nasaan ang opisina ni Medeia. White and red ang dominanteng kulay ng opisina, minimal lang ang mga gamit sa loob – pulang couch, puting office chair at glass table, dining table sa dulo at isang malaking portrait ni Medeia.
"H, do you realize that he can see you?" tanong ni Medeia at laking gulat niya nang makita ang lalaking may tangan ng notebook.
"I did. It's shocking." Monotone ang pagsasalita nito at walang kaemo-emosyon ang mukha.
"By the way, I'm done for today. Next two months mo na ulit ako makikita." Then he disappeared from his sight.
"That's H. He's a grim reaper, remember the story I told you before?" umurong ang leeg ni Clay sa narinig.
BINABASA MO ANG
Deals and Discord
FantasyMedeia, being the daughter of the king of hell was given a job to offer deals to greedy people in exchange for her freedom to roam the earth. This naughty demoness became an instant bodyguard to the Chairman of De Paraiso Inc, the ever gorgeous and...