FRIDAY night. Tuwing araw na iyon ay maagang pinapauwi si Heaven ni Sir Clay, pabor na pabor iyon sa dalaga dahil may pupuntahan sila ngayon ni Medeia. Noong isang araw ay nagmakaawa pa siya sa boss niya na bigyan ng day off ang kaibigan pero hindi nito pumayag, pero kanina lang ay natanggap niya ang tawag ni Medeia na sasama raw ito sa kaniya sa night out. Tapos na siyang mag-ayos, bumiyahe na siya sa Anahaw Bar and Resto kung saan sila magkikita ni Medeia. Ang dalaga lang ang maituturing niyang bff dahil may pagka-loner siya, at dahil sa wala ngang kaibigan, muntik na siyang madisgrasya. Sa mental siguro siya pupulutin kung hindi siya nailigtas ni Medeia noong gabing iyon.
"We have a lot of hotties here," puna ni Medeia nang makapasok sila sa loob. Simula nang maging kaibigan niya ito ay binibitbit siya nito sa kung saan-saang bar. Nahawa na yata siya rito sa pagiging party-goer. Sobrang fascinated siya rito dahil bukod sa hindi ito mortal ay pagkaganda-ganda pa. Umupo sila sa bakanteng lamesa at um-order, may tumutugtog na banda sa stage kaya't napaka-cozy ng lugar. Nagpaalam si Medeia dahil kukuha ito ng inumin sa bar, hindi siya takot uminom dahil kasama naman niya ito. One hundred and one percent siyang sigurado na may gusto si Sir Clay kay Medeia dahil kita niya kung paano nalaglag ang panga nito nang unang beses na mag-meet ang dalawa. Pihikan sa babae si Sir Clay, masyadong workaholic.
Napakunot ang noo niya sa text ni Sir Clay. Bumalik na si Medeia sa lamesa dala ang dalawang mojito at isang bote ng beer. Pinabasa niya ang text ni Sir Clay.
Mag-aayos pa kami ng mga gamit ni Medeia, next week na lang kayo lumabas. Medeia smiled devilishy. Nag-send pa ng stolen shot si Sir Clay habang nag-aayos ng mga damit ang kaibigan niya.
"Sinong kasama ni Sir Clay?"
"It was Lili." Kilala niya ang tinutukoy nito, isa si Lili sa mga servant ni Medeia at nakakapag-shape shift ito bilang tao o hayop.
"Bagay kayo ni Sir Clay," Inupakan na niya ang sisig.
"I don't do love, Heaven." Umurong ang leeg niya dahil ngayon lang niya nakitang seryoso si Medeia patungkol sa pag-ibig. Nang dumating raw ito sa mundong ibabaw ay puro flings lang ang mayroon ito, kahit kailan at hindi ito nagseryoso.
"Wala naman akong sinabing love, sabi ko lang bagay kayo." Natigil ang kanilang pag-uusap nang may umakyat na foreigner sa stage, hanggang likod ang itim na buhok, blue eyes, matangkad at mala-anghel ang mukha.
"Good evening everyone." Bati nito at umupo sa bar stool.
"Interesting," sambit ni Medeia ang ngumisi.
"Type mo?"
"No. Type mo?" Balik-tanong nito.
"Oo, mahilig ako sa blue eyes." Nagsimulang kumanta ang lalaki at OPM ang kinakanta nito! Hiling by Jay-R Siaboc. Nagsigawan ang mga babae.
"I love you, Adie!"
Adie pala ang pangalan ng singer. Nakaka-in love nga naman ang boses nito, pati siya ay kinikilig.
"Gusto mong mag-request ng kanta?" tanong ni Medeia at inabutan siya ng tissue paper at ballpen, may kakaibang ngiti sa mga labi nito, mukhang may pinaplano na naman ang demonyita. Isinulat niya ang title ng kanta sa tissue at nag-ipit naman si Medeia ng isang libo. Iba talaga ang yaman ng kaibigan niya. Tumayo siya at lumapit sa entablado para i-abot ang request. Tumayo ito at yumuko ng bahagya, nagtapat tuloy ang mga mukha nila!
Dug dug! Dug dug! Dug dug!
Parang sasabog ang puso niya at lalo siyang natuliro nang magdikit ang kanilang mga daliri nang kuhain nito ang tissue. Ibang-iba pala ang kaguwapuhan nito sa malapitan, nakaka-hypnotize lalo na nang ngumiti ito habang kumakanta. Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa lamesa nang hindi nahihimatay. Dahil malaki ang tip ni Medeia ay nakasalang agad ang kanta niya, Perfect by Ed Sheeran. Lalong nagsigawan ang mga babae. Bago matapos ang kanta ay nag-abot naman ng request si Medeia sa waiter. Natapos ang tatlong set ng lalaki at babalik raw ito maya-maya. Sa totoo lang ay naghinayang siya dahil gusto pa niyang mapanood si Adie.
"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ni Heaven nang kaladkarin siya ni Medeia papunta sa back stage, sinusundan nila ang manager ng bar. Hindi ito sumagot bagkus ay tinulak siya sa bukas na kuwarto at agad na isinara ng pinto. "Teka! Hoy!"
"Hi!" nanigas siya nang marinig ang suwabeng boses na iyon. Nilingon niya ang nagsalita. Kung paano nalaglag ang panga ni Sir Clay nang makita si Medeia for the first time ay mas malala siya, pasimple niya dinama ang gilid ng mga labi kung may tumulo bang laway. Wala naman.
"H-hello," nauutal niyang sagot.
MAGHAHATING gabi na nang makabalik si Medeia sa bahay ni Clay, mabuti na lang at may back entrace sa basement kung saan siya tutuloy kaya't hindi na niya kailangan pang gamitin ang main entrance. Sinalubong siya ni Lili na nagbalik na sa tunay nitong anyo, alam niyang gigil na gigil ito kay Clay at gusto-gusto nang ikama at lalaki pero alam rin nitong malilintikan naman ito sa kaniya. Nagpalit sila ng puwesto ni Lili kanina nang makaalis si Clay sa basement, nakasunod lang kasi ang servant niya bilang uwak kaya't walang makakapansin rito.
"Nag-enjoy ka?" tudyo pa niya rito.
"Torture. Next time si Luda ang utusan mo sa mga ganitong bagay. Tuod 'yun kumpara sa akin." Nag-transform na ito bilang uwak at tsaka lumipad palayo. Natapos na ni Lili ang pagliligpit ng kaniyang mga damit at nakita niya sa sulok ang dalawang malaking kahon na hindi pa nabubuksan. Excited siyang ngumiti at isa-isang kinuha ang mga laman ng kahon.
BINABASA MO ANG
Deals and Discord
FantasiMedeia, being the daughter of the king of hell was given a job to offer deals to greedy people in exchange for her freedom to roam the earth. This naughty demoness became an instant bodyguard to the Chairman of De Paraiso Inc, the ever gorgeous and...