WHAT now?" Bored na tanong ni Lamia kay Medeia. Nasa rooftop sila ng De Paraiso Inc. dahil ito ang unang araw ni Medeia sa trabaho, technically. She summoned Lamia, Lili and Luda, her demon servants. Triplets ang mga babae na kayang mag-shape shift, kaya't napaka-handy ng mga ito kapag may gusto siyang ipamanman na tao. Lili put her head against Lamia's shoulder and kissed her sisters cheek. Hubo't hubad ang mga ito at tanging ang mahaba at itim ng buhok lang ang tumatakip sa kaselanan ng mga ito.
"Just watch out for Raul," sabi niya.
"Hawak mo na siya noong isang araw, bakit hindi mo pa tinuluyan?" Si Lamia ang pinakamatigas ang ulo sa tatlo pero hindi naman ito sumusuway sa utos niya, reklamador lang talaga.
"Where's the fun, Lamia? I know you love to have fun, kaya ko nga kayo dinala rito 'di ba?" Ayon sa tatlo ay buryong na ito sa ilalim ng lupa kaya't nagsumamo ang mga ito na isama niya sa mundong ibabaw. Biglang nagpalit anyo ang tatlo bilang uwak at lumipad palayo nang may maramdamang malakas na presensiya na papalapit. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Medeia nang makita kung sino ang dumating.
"Your here, my darling ." Lalong umasim ang mukha ng lalaking archangel nang salubungin niya ito. Abot hanggang beywang ang itim na buhok nito at sa tingin niya ay nasa anim na metro ang wingspan nito. Itinago nito ang pakpak at lumayo sa kaniya ng kaunti. Sa unang beses niyang pagtuntong sa lupa ay si Sarathiel ang nag-welcome sa kaniya, pinagbawalan siya nitong tumuloy at pinababalik siya sa ilalim ng lupa. Dahil matigas ang ulo niya, tumanggi siya at nauwi ang bangayan nila sa labanan.
Hindi pa nakakaisang hakbang si Medeia ay may tumusok na sa leeg niya. Nilingon niya ang nagtatangkang tapusin ang trabahong hindi pa niya nasisimulan. Naningkit ang mga mata niya nang makita ang lalaking nakaputi, nagliliwanag ito, may pakpak ang likod at may halo sa ibabaw ng ulo. Na-amaze siya dahil noon lang siya nakakita ng anghel, puro pangit kasi ang mga nasa impiyerno. Pagkatapos ay bumaling naman siya sa ibang direksiyon para tingnan ang paligid, personal na niyang nakikita ang mga puno, damo, bulaklak, ulap at dama niya ang malamig at preskong hangin na dati ay sa fire pit lang niya nakikita.
She touched the edge of the spear's blade and shoved it away. Naglakad pa siya ng kaunti para damhin ang lupa.
"Kung ako sa iyo ay babalik na ako sa pinanggalingan ko," matigas na sabi ng lalaki.
"Kung ayoko?"
"Sisiguraduhin kong babalik ka," sambit nito sa kakaibang lingguwahe ngunit naintindihan naman niya. Sa isang iglap ay umatake ito, mabuti na lang at sanay siya sa labanan dahil lagi niyang ka-sparring ang mga low level demon kapag naiinip siya. Hindi niya alam kung paano at kailan sila natapos sa labanan, ang alam niya ay pareho silang may pinsala at naitumba nilang lahat ang puno sa paligid. Na-trigger rin nila ang isang bulkan kaya't pumutok iyon.
At na-realize ni Medeia na sila pala ang dahilan ng pagsabog ng Mt. Vesuvius ng ancient city na Pompeii. Hanggang ngayon ay hindi siya tinatantanan ni Sarathiel.
"How are you, my guardian angel?" Tudyo niya rito at nanlisik naman ang asul na mga mata ng anghel.
"I'm not your guardian angel!" Asik nito sa kaniya.
"Eh bakit parati mo akong binabantayan? May gusto ka ba sa akin?"
"Bilib na bilib ka sa sarili mo," mukhang matutuyuan ng dugo si Sarathiel. "Ayaw kong maghasik ka na naman ng lagim. Ano na namang pinaplano mo ha?" Hindi niya alam kung bakit trip na trip siyang pakialaman ng anghel, wala naman siyang ginagawa rito bukod sa pang-aasar niya rito. Ang ibang anghel naman ay walang pakialam sa kaniya, pero ang isang ito, laging nakamata sa kaniya. "You kept luring people to do bad things."
"Kung matindi ang paniniwala nila sa mabuti ay hindi sila madadala sa mga sinasabi ko. I will never hurt children, Sarathiel. Nasa tamang pag-iisip na ang mga taong hinahandugan ko ng kontrata." Isa sa mga batas sa pagitan ng langit at impiyerno ay ang pagprotekta sa mga bata. The demon shall not and cannot corrupt children or harm them in any ways. Inosente ang mga bata at kapag namatay ang isang bata ay automatic na langit ang punta at magiging kerubin. Heck, lalong gugulo ang impiyerno kapag nagkaroon ng mga bata roon! Siya lang naman ang sanggol na lumaki sa impiyerno at mag-move out sa edad na disi-otso.
"You will go back to hell, Medeia." Tila isang lason ang pangalan niya para rito. Hindi na natiis ni Sarathiel ang presensiya niya kaya't lumipad ito palayo. Sino ba kasi ang bibisi-bisita? Hindi niya ito maintindihan, lagi siyang pinoproblema.
"Your eons overdue, Sarathiel," sagot niya rito habang pinapagmasdan ito sa langit.
BINABASA MO ANG
Deals and Discord
خيال (فانتازيا)Medeia, being the daughter of the king of hell was given a job to offer deals to greedy people in exchange for her freedom to roam the earth. This naughty demoness became an instant bodyguard to the Chairman of De Paraiso Inc, the ever gorgeous and...