APAT na araw ang nakalipas, successful ang anniversary party kahit na doppelganger lang nila Clay ay Heaven ang naroon. Nasabihan na rin niya si Heaven na maaari nang bumalik dahil hindi na sila guguluhin ng ghoul. Nakabalik na rin si Lamia dala ang isang balita. Ngayon ay papunta sila ni Clay sa ospital dahil isinugod ang pamangkin ng binata dahil sa mataas ng lagnat. Eksaktong inililipat na ang batang kasama ito sa private room nang dumating siya. May napansin siyang kakaibang aura na bumabalot sa bata, it was dark and full of greed. Hinang-hina ito at tila nauupos na kandila.
"They already did a blood test pero normal lang daw, another test naman mamaya para masiguro. Bonbon is really sick at hindi namin alam kung ano ang dahilan." Bakas ang pag-aalala sa mga mata ni Clay, mahal nito ang bata.
"Try consulting a shaman," suhestiyon niya.
"What? Ano namang kinalaman ng albularyo rito?"
"May mga sakit na hindi kayang gamutin ng doktor." Bakit ba niya tinutulungan si Clay at ang bata? May pakialam ba siya? Naiintriga rin siya sa aura ni Bonbon, sa tingin niya ay may kinalaman ito sa ginawa niyang kontrata isang daang taon na ang nakalipas. Sumunod na silang dalawa sa private ward, naabutan nilang hinahaplos ng ina ang noo ng bata.
"Cheska, this is Medeia, my b-bodyguard." Nagdalawang isip pa si Clay kung anong relasyon nila. Medeia, this is my younger sister Cheska, Bonbon's mom." Pagpapakilala ni Clay sa kapatid nito at nagpalitan sila ng batian ni Cheska.
"Magagaling ang mga doktor dito, we don't need quacks," hindi talaga papatalo si Clay. May pinagmanahan. "I told you already na i-diet si Bonbon pero hindi ka nakikinig. I want him to lose weight but not this way." Naghuhumiyaw nga naman ang baby fats ng bata pero kapansin-pansin rin ang pangangayayat nito dahil sa sakit.
"Kuya, konsultahin na natin si Mang Popoy, wala namang mawawala. Ilang beses na tayong pabalik-balik sa ospital pero wala namang nangyayari," Hopeless na si Cheska at hindi na nakatanggi si Clay, umalis para sunduin ang albularyo. "Malusog naman si Bonbon, hindi siya sakitin kahit noong baby pa siya. Pagkatapos ng field trip nila, napansin ko na may kakaiba na sa kaniya. Lagi siyang matamlay at walang ganang kumain." Kwento ni Cheska. Pagkatapos ang isang oras a paghihintay ay dumating na si Clay kasama ang matandang albularyo. Puno ng anting-anting ang katawan nito kulay pula ang ngipin dahil sa nga-nga. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya.
"I-ikaw..." turo nito sa kaniya.
"Manong, kahit anong sabihin mo wala akong ginagawa sa bata. Ngayon ko lang siya nakita," salansa niya rito. Pagbibintangan pa yata siya. What if ako nga ang may kasalanan nito? Okay, kung sinuman ang naka-deal ko noon ay wala na akong pakialam sa mga susunod niyang gagawin, basta masunod ang kontrata ay ayos na ako.
Tiningnan na ni Mang Popoy ang bata, naha-hum pa ang matanda ng mga Latin words kaya't napabilib siya. Maraming bogus na albularyo pero iba si Mang Popoy. Legit. Nang tumigil ang matanda ay tumingin na naman sa kaniya, tinaasan niya ito ng kilay.
"Pinagdidskitahan ang bata ng masamang elemento. Babae." Nakapikit na saad ng matanda na parang may nakikita sa dilim. Nagmula ito ng mata at sinuotan ng kuwintas si Bonbon.
"Makakatulong pansamantala ang kuwintas na ito. Sa loob ng isa't kalahating buwan at kailangan ninyong makita at tapusin ang may kagagawan nito."
"Tutulungan ninyo ba kami?" naiiyak na tanong ni Cheska.
"Hindi kaya ng kapangyarihan ko ang nilalang na ito." Tinuro siya ni Mang Popoy."Ikaw, alam kong ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito."
"I'm innocent, manong." Pagkasabi niyon ay kinaladkad siya ng matanda palabas ng kuwarto. Nairita siya dahil umeepkto ang mga anting-anting nito sa kaniya. Kung sinuman ang nagbigay noon ay tiyak na galing sa langit.
BINABASA MO ANG
Deals and Discord
ФэнтезиMedeia, being the daughter of the king of hell was given a job to offer deals to greedy people in exchange for her freedom to roam the earth. This naughty demoness became an instant bodyguard to the Chairman of De Paraiso Inc, the ever gorgeous and...