MEDEIA!" agad na sinaklolohan ni Clay ang babae at hindi na niya tinapos ang pagpa-park. Halos mangiyak-ngiyak ang babaeng driver ng sasakyan dahil nakabulagta sa daan si Medeia. Maingat niyang inangat ang ulo nito at laking pasalamat niya nang magmulat ito ng mga mata. Normal na ulit ang kulay ng mga mata nito. Tinulungan niyang tumayo ang dalaga at tiningnan niya ang buong katawan nito kung may pinsala. Wala man lang itong gasgas.
"Miss, don't worry. I'm okay. Mas maganda kung ipaayos mo ang hood ng sasakyan mo," dinukot ni Medeia ang wallet niya sa mismong bulsa ng pantalon niya at kumuha ng calling card roon. Naging alerto ang sandata niya at pinigil niya ang hininga para hindi tuluyang sumaludo ang alaga. "Call this number para ma-cover ko ang expenses." Tiningnan naman niya ang harapan ng kotse. Yupi iyon! "Don't tell anyone about this, okay?" Tumango lang ang babae at tinanggap ang calling card bago sumakay sa sasakyan. Sino ba ang mas high sa kanila ni Medeia? Ito o siya? Dahil kung anu-ano na ang nakikita niya magmula pa kanina.
"You can file against Lao Feng, if you want." Pinagbuksan siya nito ng pinto. Diskumpiyado siyang mag-file sa pulisya, puwedeng masangkot si Medeia dahil gumamit ito ng drugs kahit na sabihing niligtas siya nito. Or he can say that she was blackmailed kaya nito nagawang tanggapin ang hamon, pero maniniwala ba ang mga pulis na lagpas sampung turok ang ginawa kay Medeia? Argh! This is confusing! I should worry about keeping myself safe not the other way around!
"Hi cutie," ngumiti ng pagkatamis-tamis si Medeia nang humarap sila sa counter. Alanganing ngumiti ang lalaking cashier pero nagpapa-cute pa rin sa babae. Alas-dose na ng gabi, pero dahil twenty-four hours naman ang fastfood chain ay nakapasok pa rin sila. "Puwede bang ikaw na lang ang order-in?" High pa rin si Medeia.
"Medeia, find our table please. Ako na lang ang o-order," saway niya ito. Bago lumayo ang babae ay kinindatan pa nito ang cashier. Nang mailagay sa tray ang lahat ng in-order niya ay pinuntahan na niya si Medeia, naghihintay ito sa kaniya at agad na kinuha ang cheeseburger at kumagat. Never niyang inisip na kakain sa fastfood si Medeia, naghuhumiyaw kasi ang pagiging classy nito kahit anong isuot. She can wear those sexy dresses without being slutty, heck, she's high as heaven right now and still look classy. Paano ba niya naging bodyguard ito? Pina-background check ulit niya ang dalaga at kakaunting impormasyon lang ang nakuha niya bukod sa blackbelter ito sa martial arts, may lisensya para humawak ng baril at may kaya sa buhay. Hindi rin niya alam kung ano pa ang trabaho nito. Masyadong low ang profile ni Medeia kahit na marami itong connections. Habang kumakain ang dalaga ay may tinawagan siya sa cellphone, nag-insist si Medeia na okay lang ito at hindi na kailangang magpadala sa ospital.
"Pare, nasa ospital ka pa?" Tinawagan niya si Allen, ang doktor niyang kaibigan.
"Oo, patapos na ang shift ko. Pauwi na rin, bakit?"
"May kailangan lang akong ipa-blood test sa'yo." Alam niyang may mga aparato sa bahay ni Allen kaya't hindi na nila kailangang pumunta pa sa ospital. Kumain na rin siya pagkatapos ng tawag dahil kumakalam na ang sikmura niya.
Rinig niya ang mahinang pagmumura ni Allen matapos makita ang result na hindi naman niya maintindihan. "This is a lethal dose, Clay. It's a miracle that's she's still alive." Nilingon nilang pareho si Medeia na kinakausap ang alagang pusa ni Allen.
"I have a pet, too. It's a hellhound. You're not going to like him." She poked the cat's head.
"Nabangga rin siya kanina," bago sila tumuloy kina Allen ay hiningi niya ang kopya ng CCTV footage kung saan nakabundol si Medeia, mabuti na lang at nakatalikod ang babae at hindi nakuha ang mukha nito. Pinakita niya ang video kay Allen. Malakas ang impact at kahit sinong ordinaryong tao ay hindi na makakatayo, high pa si Medeia ng mga panahong iyon.
"You're not from here, are you?" biglang tanong ni Allen.
"Yes and no," kalong ni Medeia ang pusa at pine-pet ang hayop. Kumuha ng scalpel si Allen at hiniram ang braso ng dalaga. Dahan-dahan hiniwa ng doktor ang balat at wala pang ilang minuto at kusang nagsara iyon. "You're handsome, doctor." Nagtinginan sila ni Allen, hindi normal ang nakita nila.
"What are you?" at isang iling ang sinagot ng babae sa kanila. "She's not human, Clay."
"She's my bodyguard."
"That's why she's not human." Ngayon ay isang malaking palaisipan sa kaniya kung ano si Medeia, binuhat niya ito at isinakay sa sasakyan. Sa sobrang lalim ng tulog nito ay tiyak na hindi agad ito magigising habang siya naman ang hindi makatulog. Nag-surf na lang siya sa Google, he typed the name Medeia at cunning ang ibig sabihin ng pangalan. Sunod naman niyang nilagay sa search box ang surname ni Medeia. Contrarietas – latin word meaning contrast, opposite, misfortune, evil. He received a call from the private investigator, may ipinadalang dokumento para sa kaniya, may update siguro ito tungkol kay Medeia.
BINABASA MO ANG
Deals and Discord
FantasyMedeia, being the daughter of the king of hell was given a job to offer deals to greedy people in exchange for her freedom to roam the earth. This naughty demoness became an instant bodyguard to the Chairman of De Paraiso Inc, the ever gorgeous and...