XVI

1.8K 39 0
                                    


Chapter 16


Pagkatapos nang party agad akong bumalik ng hospital para bantayan si Mommy. Hindi kasi talaga ako kampante na hinahayaang alagaan ng ibang tao si Mommy, kaya kahit pagod na pagod na ako, pinilit ko pa rin na makabalik sa hospital.

Alas dose na nang gabi nang makabalik ako ng hospital, gising pa ang mga personal nurse niya kaya pinagpahinga ko muna sila. I stayed all night looking for Mommy, and didn't recognize the time.

Nalaman ko lang na umaga na pala nang tumawag si Ate Cynth sa akin na dadaan raw siya dito para makipagpalit sa akin. I insist, but I also feeling not well. Para akong lumulutang at pinanghihina.

"Miss Tria, p'wede na po kayong umuwi. Kami na lang po muna ang bahala sa Mommy niyo. Hindi pa po kasi kayo natutulog," rinig kong sabi ni Ate Liza, isa sa mga personal nurse ni Mommy.

Umiling ako. "Hihintayin ko na po si Ate Cynth, papunta na rin daw po siya rito."

Hindi na nila ako napigilan kaya hinayaan na lang nila akong maupo sa tabi ni Mommy habang hawak-hawak ang kamay niya. Isa na rin sa mga dahilan ko kung bakit ayaw na ayaw kong umaalis, gusto kong nandito ako kapag nagising na siya. I want to see her first once she open her eyes.

Pinagmasdan ko lang mabuti si Mommy hanggang sa narinig kong bumubukas na ang pinto. Nilingon ko iyon at nakita si Ate Cynth.

She's here.

Tipid akong ngumiti kay Ate at balak ko na sana siyang puntahan nang bigla kong naramdaman ang paggalaw ng kamay ni Mommy. Kumalabog ang dibdib ko at agad siyang tiningnan.

"M-mommy?" Tumayo ako at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "Ate, Mommy moved her hand. She's awake na, Ate! Ate!" I almost cried in excitement.

Naiiyak na ako sa tuwa na nararamdaman. She will open her eyes anytime and I will instantly ask her for forgiveness.

Lumapit agad sa akin si Ate at hinawakan din ang kamay ni Mommy. Tumakbo naman palabas ang mga personal nurse ni Mommy para tawagin ang Doctor.

Pareho na kaming umiiyak ni Ate Cynth habang tinatawag ang pangalan ni Mommy. Niyakap ko pa si Ate nang hindi ko pa rin binibatawan ang kamay ni Mommy. Kinakabahan ako na masaya.

"Please... M-mommy. Wake up..." I cried at Ate's shoulder.

Hinaplos ni Ate Cynth ang likod ko dahilan para mas humagulgol pa ako nang iyak. Mommy's gonna wake up soon. Makakasama na namin ulit siya, and I'll make her happy this time.

Babawi ako, Mommy.

Lumayo kami ni Ate Cynth pagkarating ng Doctor at mga nurse. Tiningnan nila si Mommy habang kami ni Ate nakaabang naman sa paggising niya.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Ate nang nakitang unti-unti na talagang nagkakaroon ng malay si Mommy. Mommy's eyes were moving and her hand.

"Ate..." I sobbed and hugged Ate Cynth. "S-she's really awake na..."

"Yes, Tria. She's back..." ani Ate na nahimigan ko ang panginginig sa boses niya, tila nagpipigil na huwag umiyak.

Niyakap ko lang si Ate Cynth hanggang sa kaya ko nang pigilan ang mga luha ko. Pinalakas ko rin ang loob ko para paggising ni Mommy makikita niyang worth it lahat ng paghihirap niya sa amin. That she raised a strong and independent kids.

Pagkatapos nang ilang minutong paghihintay namin tuluyan ng nagkaroon nang malay si Mommy. Agad kaming lumapit ni Ate Cynth at niyakap siya. Umiyak lang ako nang umiyak, na maging si Ate hindi na rin napigilan.

"M-mommy..." I cried. "You're... b-back. Huwag m-mo na po... u-ulit kaming iiwan, ha?"

"I miss you... M-mommy. M-miss ka na rin po... n-ni Pao..." humahagulgol naman na sabi ni Ate Cynth.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon