III

2.8K 72 1
                                    


Chapter 3


"Ayan, bwisit ka kasi kaya ka kinakalimutan no'ng tao."

Matalim kong tiningnan si Elissha sa sinabi niya. Nandito ulit kami sa cafe na pinagtatambayan namin, at kasalukuyan din niya akong inaasar tungkol sa lalaking may amnesia. As if naman affected ako.

"Bwisit ka rin kaya manahimik ka na," iritableng sabi ko.

Tinawanan niya lang ako na parang walang nakakatakot sa sinabi ko. Palibhasa, sanay na siya sa ugali kong hindi tumatagal ang pagka-badtrip kaya kahit galit ako hindi na rin niya siniseryoso. Hindi rin naman kasi ako gano'n kasamang tao para magtanim nang sama ng loob.

"Anyway, may napansin lang ako." She leaned back in her chair, smirking. "He changed a lot, right? Kung sa gamit, kumikinang," dagdag pa niya nang hindi inaalis ang ngisi.

Hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya at mabilis na umiling. "Kung sa gamit, alikabok, masakit sa maya."

Mas lalo lang lumaki ang ngisi niya sa akin. "I smell something bitterness. Kape ka, girl?" she grinned.

Inirapan ko lang siya at saka tumingin sa may pinto. This place is so overwhelming, kaya napapadalas na rin ang punta ko rito kapag breaktime. Ten minutes drive rin lang naman ito mula sa opisina kaya no hassle.

"Blend and sweetness cafe..." bulong ko habang binabasa ang pangalan nitong cafe sa pinto.

"Ha?"

Nilingon ko si Elissha. "Wala," ani ko bago tumingin sa wrist watch ko. "Mag-a-alas dos na pala, tulog pa ba sa si Baby Felix?" Nag-angat ako ng tingin at naghintay nang sagot.

"Wala pa namang text si Briston. Bakit, may gagawin ka ba?" she asked.

Umiling ako. "Wala naman, pero kailangan kong bumalik sa opisina."

"Sige, ubusin na lang natin itong iniinom natin."

Tumango na lang ako bago napatingin sa iniinom kong kape at sa cinnamon roll na nangangalahati pa lang. Mukhang hindi ko na 'yan mauubos.

Bumalik ang tingin ko kay Elissha nang narinig ko ang pag-ring ng cellphone niya. Iyan na siguro ang hinihintay niyang tawag. Baby Felix is waving.

Pinanood ko lang si Elissha na nakikipag-usap sa asawa niya nang biglang may kumalabit sa akin. Nagulat ako doon kaya agad akong napalingon. Ngunit mabilis rin itong napalitan nang malaking ngiti nang makitang bata ang kumalabit sa akin.

"Yes, baby girl?" pagkausap ko sa batang babaeng may singkit na mga mata at bilugang pisngi. She's so adorable.

Ngumiti siya dahilan para lumabas ang dalawang dimples niya sa magkabilang pisngi at ang pagkawala lalo ng mga mata niya. "For you po," aniya at saka inabot sa akin ang hawak niyang frappe na hindi ko napansin kanina.

Nanlaki ang mga mata ko sabay turo sa sarili. "For me?" pag-uulit ko.

Tumango siya at saka muling ngumiti. "Pinabibigay po niya." Tinuro niya ang gawing pinto na agad ko namang sinundan nang tingin.

Nagtaka ako nang wala akong nakita doon. Muli kong ibinalik ang tingin sa bata bago kinuha ang frappe at nagtanong.

"Kilala mo ba kung sino ang nagbigay?" mahinahong tanong ko. Ayoko rin namang takutin ang bata baka umiyak at magsumbong sa magulang.

Umiling lang siya at saka tumakbo palabas ng cafe. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Gusto ko sana siyang sundan, kaso hindi ako desperada.

Napakibit balikat na lang din ako at napatingin sa hawak ko. Nonsense. Kung gusto niyang manligaw or what, sana may balls siyang magpakilala.

Ibinaba ko na lang ang frappe sa mesa. Baka may gayuma pa 'to at himatayin ako kung saan. At saka, kaya ko naman bumili ng mas maraming ganito.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon