Chapter 9“Nakakahiya kay Alexander, Tria. Bakit hindi ka sumipot? Hindi ka 'man lang nagtext o tumawag.”
Nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang sermon ni Mommy. Sa halip na matakot, tahimik pa akong nagpapasalamat na hindi ako pumunta kagabi sa dinner. Kaya pala pakiramdam ko may ibang mangyayari, 'yon pala may iba siyang pinaplano.
Ang iniisip ko lang ngayon ay kung paano siya patatahimikin at pakakalmahin. Sigurado kasi akong magtatagal ang galit niya sa akin.
Tuluyan na kasi akong nakatulog kagabi sa sofa matapos kong pumikit. Hindi na rin nga ako nakapag-shower o magpalit 'man lang ng pangtulog.
“Tria, nakikinig ka ba?” Naramdaman ko ang pag-upo ni Mommy sa tabi ko na kanina pa nakatayo habang nagsesermon.
Napaangat ako nang tingin, pero hindi ako tumingin sa kan'ya nang diretso.“I forgot to call you dahil po sa pagod. I actually didn't realize po that I had fallen asleep when laid on the sofa.”
“Nakakahiya kay Alexander...” Nakita ko ang paghilot niya sa kan'yang sintido bago sumandal sa sofa. “He's a good guy pa naman,” dismayadong dagdag niya.
Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod sa kan'ya sa pagsandal. “It's alright, Mommy. Hindi lang naman po siya ang lalaki sa mundo.” Nilingon ko si Mommy at tipid na ngumiti. “There's someone out there who's way more better and worth it,” pagpapagaan ko nang loob niya. Kailangan ko ito bago pa siya masiraan ng ulo sa kakaisip.
Ibinaba ni Mommy ang kamay niya na nanggaling sa sintido bago tumingin sa akin, nag-aalala. Bumaba naman ang tingin ko nang patungo pala ang kamay ni Mommy sa kamay kong nakapatong lang sa hita ko. Mahigpit niya itong hinawakan, tila ayaw nang bitawan.
“I know... I know...” malumanay na sabi ni Mommy. “Natatakot lang ako na baka matulad ka sa Ate Cynthia mo. Ayokong pagdaanan mo ang mga naranasan niya dahil lang sa maling lalaki. Kaya hangga't maaari sana, gusto kitang tulungan habang nandito pa ako sa tabi mo. You're not any younger, Tria... we're getting older.”
Nanatili ang mga mata ko sa kamay namin ni Mommy. Doon pa lang sa paghawak niya sa akin, ramdam na ramdam ko na kung gaano siya nag-aalala. I may not be the best version of myself, at least I have the best mother in the world.
“As long as you're here...” Tinaas ko ang libreng kamay ko sa may bandang dibdib bago nag-angat nang tingin kay Mommy. “Hindi mo kailangang mag-alala sa'kin, Mommy. I have the best teacher... I have the best mother.” Ngumiti ako, pinipigalan ang pag-iyak.
She smiled back, where in fact, she's holding her tears too. “I'm really grateful for having you and your siblings. I have the best children too.” Hinila ako ni Mommy para yakapin.
Napayakap na lang din ako kahit sobrang pigil na pigil na ang mga luha ko. Pakiramdam ko tuloy, anumang oras babagsak na lang ito nang walang pahintulot.
“So... you're giving him now a chance?”
Napabitaw ako sa pagkakayakap. Naguguluhan kong tiningnan si Mommy. “Mommy...” I utter, disappointed.
“Please? Kahit ngayon lang... pagbigyan mo muna ako na kilalanin mo si Alexander. He's a great guy, I promise.” She smiled brightly. Muli rin niya akong hinawakan sa kamay, pero sa pagkakataong ito, dalawang kamay ko na ang hawak niya.
Saglit akong napaisip sa mga sinabi niya. She's begging for that guy... and there's nothing I can do to stop her. After all, it's her happiness that I wanted.
“Sige, Mommy.” I fake a smile. Susubukan ko lang naman, no feelings attached.
Nakita ko ang pagbabago sa mga ngiti niya, kung paano ito kumurba ng mas malaki. “Salamat, Tria. Hindi lang ako ang napasaya mo, sigurado akong pati si Alexander magiging masaya sa ibabalita ko.”
BINABASA MO ANG
✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)
ChickLitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING A twenty-nine-year-old fussy single, Tria, never been in a relationship, met a pure-hearted guy who is silently proving himself to her. *** Living in a higher society and a sophisticated family, Veronica Dimittri...