Chapter 24It's Paolo's birthday, Ate Cynth's only son. But, I can't get out because of what happened in the hospital. He knew that Elissha was already aware of everything.
I don't know until when will he locked me here inside our house, or I will be here forever. Sana naman kahit sa birthday ko na lang makalabas ako dito, gusto kong makasama ang pamilya ko.
Nagtungo ako sa living room para tawagan sila Ate na hindi ako makakapunta sa birthday celebration ni Paolo. Wala ang cellphone ko kahit anong hanap ko sa buong bahay. Siguro dinala ng halimaw na 'yon para hindi ako makatawag.
Pagkababa ko agad akong nagpunta malapit sa telepono, pero bago ko pa mahawakan iyon napansin kong putol ang cable at ang ilan pang telepono sa bahay. I almost forgot, he's the smartest monster of all monster.
“Bwisit!” Binagsak ko ang pang-huling telepono na pinuntahan ko dito sa loob ng bahay, sa may kitchen.
Bawat sulok ng bahay mayroong telepono, hindi naman mapakinabangan dahil sa kabilawan niya. Hindi naman siguro masamang tumawag sa pamilya ko, at saka kung alam na nila ang totoo dapat kahapon o noong nakaraang linggo pa siya nakulong.
It's been three weeks, hindi pa rin ba niya gets na hindi magsusumbong ang kaibigan ko?
Nilibot ko ang aking paningin at nag-isip ng ibang gagawin. Hindi rin naman ako puwedeng umalis na lang dahil sa mga bodyguard niyang pakalat-kalat sa labas.
What should I do?
Nangako pa naman ako kay Paolo na pupunta ako aa birthday niya. Nka-ready na rin ang regalo ko sa kan'ya two months ago pa.
Isang oras na lang lunch break na ni Alexander, siguradong uuwi 'yon para tingnan ang kalagayan ko dito. Magpapaalam na lang ulit ako pag-uwi niya na sasaglit lang ako sa birthday ng pamangkin ko.
Kung kailangan kong magmakaawa ulit gagawin ko, o kahit sumama pa siya, ayos lang, basta makapunta lang ako at maibigay ang regalo.
Maliligo na muna ako para kung sakali na pumayag siya aalis na lang ako. Hindi naman siguro masamang umasa na kahit ngayon lang maging mabuting halimaw siya.
Habang naglalakad patungo sa hagdan nakarinig ako ng kaluskos sa may kusina. Huminto ako at pinakiramdaman pa ang paligid. Baka isa lang iyon sa mga bodyguard ni Alexander, nauuhaw or what.
“Hello?! Sino 'yan?!” sigaw ko bago nilingon ang direksyon ng kusina.
Gumala ang mga mata ko at hinanap kung sino 'yon. Tumigil ang mga mata ko sa baseball bat ni Alexander na naka-display dito sa living room. Someone's sneaking inside our house. Nasaan ba ang mga bodyguard ni Alexander at natakasan pa sila ng kung sino.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa baseball bat at saka ito maingat na kinuha. Huwag naman sana masamang tao iyon, at kung magnanakaw 'man siya kunin niya na ang lahat huwag lang akong saktan.
Habang marahan at tahimik akong naglalakad patungo sa kusina, nagpagala-gala rin ang mga mata ko. Kailangan kong maging alerto, baka may armas 'yon at barilin o saksakin na lang ako.
Mula sa may bar counter sinilip ko ang dirty kitchen kung saan nanggaling ang kaluskos na naririnig ko kanina. Wala naman akong nakikita, madilim doon pero wala namang tao.
Napagpasyahan kong pumunta at i-double check ang dirty kitchen nang makarinig ako ng sasakyang paparating. Fvck! He's already here.
Napairap ako sa ere at binaba ang baseball bat sa bar counter. I need to get ready.
“Hon!” Si Alexander, nandiyan na nga siya.
Sasagot na sana ako at pupuntahan siya nang biglang may nagtakip ng bibig ko at hinila ako papasok ng dirty kitchen.
BINABASA MO ANG
✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)
ЧиклитPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING A twenty-nine-year-old fussy single, Tria, never been in a relationship, met a pure-hearted guy who is silently proving himself to her. *** Living in a higher society and a sophisticated family, Veronica Dimittri...