Chapter 8Umuwi na si Elissha at naiwan ako kasama ang tambak na mga papel na pipirmahan ko. Maling desisyon talaga na tawagin ang babaeng 'yon, hindi rin naman niya ako natulungan. Well, in fact, mas lalo lang nadagdagan ang mga iniisip ko.
Pabagsak kong itinabi ang papel na katatapos ko lang pirmahan, separate sa kalahating dangkal na mga papel na pipirmahan ko pa. Pabagsak akong sumandan sa swivel chair ko. Mukhang hindi ko na ito matatapos.
Iniangat ko ang aking tingin sa wall clock sa harap ko. I think Iʼll leave at exactly five oʼclock, at may bente minutos pa ako para manatili, or should I say mag-isip.
Muli kong inalala ang mga nangyari sa elevator. I suddenly looked down at my hand. Tiningnan niya ito bago ako pinagsalitaan nang masama. What did I do to off ---
“No! Nakita niya ako kanina?!” Itinaas ko ang kamay kong may wrist watch at tinitigan ito sa ere.
Don't tell me, heʼs staring at me without my knowledge? Eʼdi siya naman pala itong may kasalanan. Masyado siyang assuming para maging lalaki.
Nakakainis. Ako pa ang nagmukhang masama, wala naman akong ginagawa. Pasalamat talaga siya timing ang elevator. Bwisit!
“Miss?”
Agad kong ibinaba ang kamay ko at natatarantang tiningnan si Lira. Mukha tuloy akong tanga.
“Yes?” I asked, umayos nang upo.
“Tumawag po kasi si Madame,” aniya at tuluyang pumasok ng office ko. “May dinner daw po kayo mamayang six. Magbihis daw po kayo ng pinakamahal na dress,” dagdag pa niya.
Nangunot ang noo ko sa huli niyang mga sinabi. “Bakit daw? May okasyon ba?”
Lira shrugged. “Wala pong sinabi. Magkita na lang daw po kayo sa Amare il cibo. Naka-reserve na raw po ang table niyo by her name,” she explained airily.
Tumango na lang ako at sinenyasan siyang lumabas na muna. May hindi kasi ako nagugustuhan sa nangyayari. Pakiramdam koʼy may ibang pinaplano si Mommy kaya niya ako pinagbibihis ng gano'n.
All of my dress and things are branded and expensive, thatʼs why she doesn't need to remaind me 'cause I know exactly what to do. Sheʼs too suspicious.
Habang nagmamaneho pauwi, hindi pa rin nawawala ang pagdadalawang isip ko sa dinner. Hindi ko kasi alam kung pupunta ba ako o hindi.
Ayoko namang paasahin si Mommy kung sakali, natatakot rin namam akong tawagan siya at kumpirmahin kung totoo ba ang dinner. Magmumukha pang sinungaling si Lira dahil sa kabaliwan ko.
Tinigil ko ang pagmamaneho nang nasa kanto na ako paliko sa subdivision.
“Nasa condo ang dress ko...” bulong ko, naalala ang dress na balak kong suotin sa dinner.
Para akong nanlumo sa sitwasyong tinatayuan ko ngayon. Hindi dahil kailangan kong bumalik ulit, kun'di ang ideyang baka magkita ulit kami ni Keeon doon.
Lahat ng dress ko nasa condo, dahil 'yon ang pinakamalapit kumpara sa bahay ko. Hindi kasi maiiwasan na may mga important occasion na kailangan kong puntahan, and in my case na busy sa trabaho kailangan ko nang convenient way, na mukhang dapat ko nang baguhin. Or should I sell my condo instead?
Napabuntong hininga na lang ako at niliko ang kotse. Wala na akong choice. Ilang minuto na lang kailangan ko nang pumunta ng resto, ayaw na ayaw pa naman ni Mommy nang pinaghihintay.
Para akong lumulutang sa kaba nang iginarahe ko ang kotse sa parking lot. I wasnʼt so sure about my feelings. Pakiramdam ko'y anumang oras lalamunin na ako ng lupa.
BINABASA MO ANG
✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)
Chick-LitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING A twenty-nine-year-old fussy single, Tria, never been in a relationship, met a pure-hearted guy who is silently proving himself to her. *** Living in a higher society and a sophisticated family, Veronica Dimittri...