VII

2.3K 63 1
                                    


Chapter 7


Huminga muna ako nang malalim bago lakas loob na pinihit ang door knob na kanina ko pa hawak-hawak. Nagda-dalawang isip kasi ako kung lalabas na ba ako o hindi ng condo. Ayoko lang naman makasabay sa hallway at lalo na sa elevator ang lalaking 'yon dahil nakakadiri siya! Bwisit.

Bakit kasi hindi niya muna ako hinintay na makauwi sa bahay ko bago siya naglipat-lipat dito?! Wala tuloy akong magawa kun'di isipin siya magdamag.

Nakahinga ako nang maluwag nang naramdaman kong wala namang nagbubukas ng pinto sa kabila. Siguro napagod kaya tulog pa. Tsk.

"Thank, God," I murmured in relief.

Sinarado ko na lang ang pinto at umayos ng tindig bago pa may makakita sa akin na parang takot na takot. I am Tria, and I won't let anyone look down on me.

When I was about to leave, someone opened the door next to mine so immediately looked there. My knee trembled in shocked.

He's really here, next to my room.

"Hi, Tria." Kumaway siya na parang walang nangyari.

Sabagay, wala naman talagang nangyari. Bakit ba kasi binibig deal mo lahat, Tria? Wala naman talagang nangyari, ah! Ikaw lang 'tong parang baliw na isip nang isip sa kan'ya kahit wala naman siyang pakialam.

Straighten up, girl!

Napalunok na lang ako bago pinalakas ang loob na batiin siya pabalik. He's not worth the tremble, Tria. Hundred percent.

"Hi," tipid ko lang na sabi bago siya tinalikuran. Wala naman kaming dapat na pag-usapan, kaya wala rin akong dahilan para manatili at makipagtitigan sa kan'ya.

"Kumain ka na ba?"

Natigilan ako nang nakakadalawang hakbang pa lang ako palayo sa kan'ya. Kung hindi ako mali nang pagkakarinig, siguradong may sapak na siya sa ulo. Really, Keeon? After what you did last night, may balak ka pang tanungin ako nang gan'yan? Yuck, ah!

Nilingon ko siya at saka nginitian, iyong ngiti na hindi halatang fake. "Bakit mo naman natanong? Boyfriend ba kita?" prangkang tanong ko sa kan'ya.

Bakas sa mukha ni Keeon ang gulat sa sinabi ko, pero agad rin iyong nawala at tiningnan ako na parang isang pagkakamali ang pagsagot ko sa kan'ya no'n.

"Hindi, and I'm not asking you out. I just asked you kung kumain ka na ba kaya hindi mo ako kailangan sungitan. Tsk." Sinarado niya ang pinto nang condo niya bago ako nilagpasan nang hindi na tumitingin sa akin.

Para akong tinusok ng tinik mula ulo hanggang paa dahil sa mga sinabi niya. Gano'n na ba siya kaarte ngayon? Parang noon lang kahit anong sabihin ko sa kan'ya tinatawanan niya lang na parang walang naririnig.

So, what naman? Hmp.

Nilingon ko ang direksyon nang nilalakaran niya at inirapan. "Feeling gold. Tsk."

Sumunod na lang din ako patungo sa elevator. I'm not actually following him, nagkataon lang na iisa ang elevator ng building. Ayoko namang maghagdan para lang sa kan'ya, 'no. Nakakainis.

Tahimik lang ako buong oras na magkasama kami dito sa elevator. And I checked my wrist watch every second.

Nakakainis. Bakit parang bumabagal ang oras ngayong magkasama kami? It's not normal, I know.

"Kung ayaw mo akong kasama dito, sana sinabi mo agad. Nagpaubaya na sana ako sa'yo kanina."

Napalingon ako sa direksyon ni Keeon dahil sa sinabi niya. Ako ba ang kinakausap niya?

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon