Chapter 21Namumugto ang mga mata ko kinabukasan. Magdamag lang naman akong iyak nang iyak habang iniisip ang lahat ng mga nangyari sa akin.
Hindi ko alam kung masasabi ko bang worth it lahat ng sakripisyo ko para mapasaya si Mommy, ngayong habang buhay ko namang paghihirapan ang mga bugbog at pagpapahirap sa akin ni Alexander. He used my body whenever he wants and whatever he wanted.
I'm not just tired physically, I'm also emotionally damaged.
“Nasaan na ang breakfast ko?!”
Sunod-sunod at malalakas na katok sa labas ng cr ang naririnig ko. Simula pagkagising ko, twenty minutes ago, dito na ako sa loob nanatili. Natatakot na akong makita siya, o marinig 'man lang. He's a monster, just like Mireya said.
“Hindi ka ba talaga lalabas diyan?! Baka gusto mong bilangan na naman---”
I cut him off. “Stay away from me! Please!” I begged, almost crying.
“Lumabas ka na lang kasi, Tria! Palagi mo na lang talaga ako pinapahirapan!” Hinampas pa niya nang mas malakas ang pinto dahilan para mahigpit akong mapayakap sa mga tuhod ko.
Nakaupo ako ngayon sa sahig ng shower area kung saan medyo malayo sa pinto. Sa sobrang lakas niya, hindi na ako magugulat kung masisira niya ang pinto anumang oras.
“Tria! Isa!”
Mas lalo akong natakot nang magsimula na nga siyang magbilang. Iyan kasi ang madalas niyang ginagawa kapag napipikon na siya at siguradong mananakit na lang pagkatapos.
Mariin akong pumikit at tahimik na humagulgol nang iyak. Hindi ito ang buhay na gusto ko... gusto ko lang naman pasayahin si Mommy.
Tinakpan ko ang aking magkabilang tenga gamit ang mga kamay ko at nagpipigil na gumawa ng ingay. Tahimik akong umiiyak at natatakot sa mga posibleng mangyari.
“Tria! Dalawa!”
Nagulat ako nang hinampas niyang muli ang pinto gamit ang kung anong bagay at gumawa ito ng mas malakas na ingay. My whole body was trembling in fear as I slowly open my eyes.
I think, he can break the door any moment. Mas mabuting buksan na lang iyon kaysa hintayin pa siyang makapasok at saktan ako dito sa loob ng cr.
I tried to get up even my knees were still shaking. I lean on the wall and support myself from walking towards the door.
“L-lalabas na ako...” I said in a low voice. Even my voice were shaking.
Biglang tumahimik sa labas pagkatapos kong sabihin iyon. Bumaba ang tingin ko sa door knob at nagdadalawang isip na hawakan iyon. Lumabas 'man ako o hindi, siguradong masasaktan at masasaktan ako. Maiksi lang ang pasensya ni Alexander, kaya kahit anong gawin ko hindi na magbabago ang isip niya.
Huminga muna ako nang malalim bago ko marahang pinihit ang door knob at maingat na binuksan ang pinto. Sisilip pa lang sana ako sa maliit na kawang na ginawa ko nang biglang may tumulak sa pinto. Bumukas ito at niluwa si Alexander na galit na galit.
Tatakbo na sana ako palayo sa kan'ya nang nahawakan niya naman ang buhok ko at hinila ako pabalik sa kan'ya. Napadaing na lang ako sa sakit at naiiyak na napaluhod.
“Umagang-umaga, Tria, ginigigil mo 'ko!” iritableng sabi niya at saka ako hinila palabas ng cr.
Napahiga na lang ako sa sahig at saka ko pilit na inaabot ang kamay niyang mahigpit na hinahawakan ang buhok ko. Wala akong magawa kun'di umiyak na lang sa sakit at nagmamakaawa na tigilan niya na ako.
BINABASA MO ANG
✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)
ChickLitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING A twenty-nine-year-old fussy single, Tria, never been in a relationship, met a pure-hearted guy who is silently proving himself to her. *** Living in a higher society and a sophisticated family, Veronica Dimittri...