EpilogueToday is Mommy's burial.
Until now, hindi pa rin nag-si-sink sa akin na wala na siya. Parang kailan lang, kasama pa namin siya.
Pero sabi nga ng Doctor, dapat pa raw kaming magpasalamat kasi nakasama pa namin siya. Bihira ang nakaka-survive sa aksidente, especially kapag may edad na.
Almost a year din naming nakasama si Mommy, we should still be thankful for that.
"Let's go?" Si Elissha, niyayaya na akong lumabas ng bahay.
Tumango ako bago pinagmasdan ang malaking litrato ni Mommy na naka-display sa living room namin. Makakasama na niya si Daddy sa itaas.
We're still mourning for our lost, but we're happy that she's now in heaven with Dad. She will no longer suffer from any more pain.
"I miss you, Mommy. But, don't worry, we will not forget you. You're always in our heart." I smiled and bid her a goodbye.
Pagkatapos ng burial ni Mommy, nagsama-sama kaming magkakapatid na umuwi sa bahay. Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Tanggap ko na wala na si Mommy, pero namimiss ko siya.
Maraming bagay pa akong gustong sabihin sa kan'ya. Hindi ko alam kung naririnig niya ako ngayon, pero sana naririnig niya nga ako.
I just want to say say sorry for everything, and thank your for all the lesson that I've learned from you. You're the best Mother and a Teacher for me. Forever.
Nagpaalam ako kay na Ate na susunduin ako ni Elissha. May pupuntahan daw kasi kaming importante, if I know makikipagkita lang kami kay Keeon. Alam ko ang gawain ng babaeng 'yon. Hindi niya na ako maiisahan.
Balik na ulit ako sa pagiging single Tita at Ninang ng mga inaanak ko.
I'm free again!
Pagkatapos makulong ni Alexander, nakalaya ulit siya dahil nakapagpiyansa. Mayroon namang binigay ang korte na restriction na hindi siya puwedeng lumapit sa akin habang buhay. Tuloy pa rin ang kaso, next month pa ang hearing kaya paghahandaan ko iyong maigi.
Handa na akong harapin siya kahit na kailan. Hindi na ako natatakot sa kan'ya. Matapos ang ilang buwan kong paghihirap hindi na ulit ako makakapayag na saktan niya ulit ako. Wala na ring dahilan para matakot ako sa kan'ya. I already overcome my weakness.
She's gone.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" pangungulit ko kay Elissha.
Ayaw pa kasing magsabi, alam ko rin naman kung saan kami patungo.
"Sa coffee shop nga lang tayo, magka-kape. Alam mo 'yon, back to single life ka na. You need to unwind."
"Unwind? Kamamatay lang ni Mommy, baliw ka ba?" Nasapo ko ang aking noo sa pagkadismaya. Palusot talaga nito parang ewan.
"Alam na ni Tita 'yon. Mommy knows best, okay?" aniya pa.
Sumang-ayon na lang ako bago pa kami magtalo. Hindi naman talaga siya magpapatalo kaya hahayaan ko na lang.
Totoong nasa coffee shop nga kami, pero may something sa loob. May event?
"Hoy, anong meron?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa labas. May mga decorations kasi. Hindi ko mawari kung ano, pero may nakikita akong kulay blue and pink na colors.
"Basta! Bumaba ka na lang," aniya bago naunang bumaba sa akin. Sumunod na lang din ako sa kan'ya bago pa ako mabaliw kakaisip.
Dumiretso siya sa loob kaya sumunod na lang ulit ako. Habang papalapit nang papalapit unti-unti ko nang nakukuha kung anong nangyayari. May mga baby things and such.
BINABASA MO ANG
✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)
Chick-LitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING A twenty-nine-year-old fussy single, Tria, never been in a relationship, met a pure-hearted guy who is silently proving himself to her. *** Living in a higher society and a sophisticated family, Veronica Dimittri...