Chapter 26Kinabukasan niyaya kaming mag-almusal ni Keeon. Pupunta na raw kami mamaya hapon sa bahay niya sa bayan. Tapos na raw kasi itong linisan ng mga pinsan niya.
“Kuya Ebeb, puwede kaming sumama?” tanong ng isang dalagita na kamukhang-kamukha ni Keeon. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na mas lalong nagde-depina ng ganda niya.
“Hindi na, Lourdes. Manggugulo lang kayo doon.” Si Keeon.
“Kami na lang po, Kuya Ebeb. Hindi pa po kasi kami tapos magtanggal ng mga damo sa likod ng bahay mo,” ani naman ng isang binatilyo kasama ang iba pang pinsan na lalaki ni Keeon. Nagtatawanan sila, tila sinasang-ayunan ang sinabi ni Keeon kanina sa babae.
“Sige, pero uuwi rin kayo agad. Walang katulong dito sina Tiyo Piping sa pagpapakain ng mga hayop.”
Nag-apir ang mga binata at pinagtawanan ang kanilang mga babaeng pinsan. Para silang nanalo sa kung anong paligsahan at talo naman ang isa. Kita ko ang lungkot sa mga dalaga kaya agad kong nilingon at kinumbinsi si Keeon.
“Isama na natin silang lahat, Keeon. Mas masaya kapag marami,” ani ko.
Tumingin sa akin si Keeon at nagtagal ito ng ilang minuto. Sumulyap pa siya sa mga babaeng pinsan niya bago bumalik sa ginagawa.
“Sige, pero uuwi rin kayo agad kasama sina Thirdy.”
Nagsigawan ang mga babaeng pinsan niya at nakipag-asaran pa sa mga lalaki. Nag-thank you din sila sa akin na sinagot ko lang ng ngiti. Wala naman akong ginawa, nagsabi lang ako.
Siniko ako ni Elissha na kanina pa pala nasa tabi ko. “Ikaw, ah. Baka mamaya hindi ka na pauwiin ng pamilya ni Keeon sa sobrang pagmamahal nila sa'yo.” She teased.
I rolled my eyes. “Baliw! Naaawa lang talaga ako sa mga pinsan niyang babae. Totoo namang mas masaya kapag marami, 'di ba?” paliwanag ko.
Nagluluto pa rin si Keeon, habang kami nakaabang lang sa ginagawa niya. Ayaw niya kasi kaming patulungin dahil patapos na raw. Samantalang, kanina pa 'yong patapos na pero hanggang ngayon hindi pa rin siya natatapos.
Nagsilabasan na rin ang mga pinsan niya na may gagawin lang daw sa labas. Malaki, magulo, pero masaya ang pamilya niya. Hindi ko masasabing ganito kami, pero sana ganito na lang kami. Simple, masaya, at sama-sama.
“Hanggang kailan pala tayo mananatili dito, Keeon?” tanong ni Elissha pagkababa ni Keeon sa niluto niya. Umupo na rin siya sa harap ko at mukhang tapos na nga siyang magluto.
“Hindi ko alam, siguro kapag ayos na ang lahat?” aniya at tumingin sa akin. “How about you, Tria? Ikaw lang ang makakapagsabi kung hanggang kailan tayo mananatili dito.”
I shrugged. “I don't know, either.” Tiningnan ko sila isa-isa. Mukha naman silang okay dito, dapat ako rin. Kaysa maging malungkot, umagang-umaga, bumaba ang tingin ko sa mga niluto ni Keeon. “Hayaan na muna natin. I want to treasure this moment habang okay pa tayong lahat, saka ko na haharapin ang problema kapag nandiyan na sila.”
Buong buhay kong pinaplano ang gagawin ko at ang mga mangyayari pa lang. Kahit iyong hindi pa nga nangyayari pinaghahandaan ko na, ngayon ko pa lang yayakapin ang sandali at ipagpabukas ang problema. Nandito na rin lang kami, bakit hindi pa namin lubusin, hindi ba?
Nag-enjoy lang kami sa kinakain namin, iyong mga hinanda ni Keeon. Ito raw ang madalas nilang kinakain dito sa probinsya. Dried fish, tomatoes with salted eggs, different kind of vegetables, and rice. Hindi ko alam kung nasubukan ko nang kumain nito, pero nagustuhan ko.
I love the way we eat with our own hands. This is my first time actually, and I was like living the moment with my precious persons.
Pagkatapos naming kumain lumabas kami ni Elissha ng bahay. Pinanood namin ang mga mas batang pinsan ni Keeon na naglalaro dito sa loob lang ng bakuran nila.
BINABASA MO ANG
✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)
ChickLitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING A twenty-nine-year-old fussy single, Tria, never been in a relationship, met a pure-hearted guy who is silently proving himself to her. *** Living in a higher society and a sophisticated family, Veronica Dimittri...