Chapter 4"Mommy..." mahinang tawag ko.
Hindi niya ako nilingon, pero alam kong nakikinig siya sa akin. Naisipan ko kasing bisitahin si Mommy dito sa bahay.
Pagkatapos ng mga pangyayari doon sa conference room noong nakaraang araw, ngayon lang ako naglakas loob na kausapin siya. Wrong timing nga lang ako dahil busy siya sa pag-be-bake kasama si Lucia and Lily, Kuya Dione's daughters.
Hinintay ko rin muna na umalis ang dalawa bago ko kausapin si Mama.
I took a deep breathe before having the courage to speak again. "M-mommy, p'wede po ba kitang makausap?" I asked, stuttering obviously.
"Hm, yes. What is it, honey?" She glimpsed at me for a second and genuinely smiled.
Mas lalo akong kinabahan sa naging sagot ni Mommy at ang pagngiti niya sa akin. Ibis sabihin lang kasi no'n, masaya siya, at ayokong masira 'yon dahil lang sa gagawin ko.
"Can you hand me the wipes, Tria." Ibinaba ko ang tingin ko nang makitang inilahad ni Mommy ang kan'yang palad sa harap ko. Nagmadali ko namang kinuha ang wipes bago ito binigay kay Mommy na busy pa rin sa pag-aayos ng niluluto nila.
Pinanood ko lang siyang mabuti hanggang sa naalala ko iyong mga pangako ko noon --- na pananatilihin ko siyang masaya kahit kapalit 'man noon ang sarili kong kasiyahan. 'Cause her smile has been my strength ever since.
"Ano nga ulit 'yon, Tria?" ani Mommy at tumingin sa akin.
Pilit akong ngumiti at umiling. "Ah, wala po. May hindi lang po ako naintindihan doon sa ano---" Tumingin ako saglit sa cupcakes sa harap bago muling ibinalik ang tingin kay Mommy. "Doon po sa niluluto niyo. Hindi ko po kasi nasundan 'yong procedure," pagdadahilan ko sabay ngisi.
I can’t afford to destroy her smile.
Ngumiti si Mommy at napatingin sa ginagawa niya. "Ano ka ba, p'wede ko namang ibigay sa'yo ang recipe. I'll message you later," aniya at inabot sa akin ang isang cupcake.
Napangiti na lang din ako. "Thank you, Mommy."
Sa ganitong sitwasyon at pagkakataon na alam kong masaya si Mommy, mas lalo akong pinanghihinaan nang loob na kausapin siya tungkol sa mga bagay-bagay na iniisip ko. Lalo na't patungkol sa alam kong magiging dahilan nang pagkasira ng mga ngiti niya. I can wait, but my Mother's happiness can't.
Pinanood ko lang si Mommy at ang mga pamangkin ko na masayang tinitikman ang kanilang mga niluto. Totoong masarap ang mga cupcakes at cookies. P'wede na nga silang magtayo ng pastry shop sa sarap.
I am glad that Mommy find her way to spend her time, after she decided to quit and handed us the responsibility in the company. She just spends her time cooking and taking care of her grandchildren. And that's her happiness for not a long time.
Napagpasyahan kong magpaalam na rin matapos kong maalala na bibisitahin ko pa pala si Elissha sa bahay nila. It's Saturday, and I have a long day to be annoyed with her. Kung hindi lang talaga ako nangako na pupunta mas gugustuhin kong manatili dito sa bahay. Mayamaya kasi ay babalik na rin si Kuya Dione kasama si Ate Kali, asawa niya, galing sa Doctor.
Nagpa-test kasi sila dahil feeling nila ay buntis si Ate Kali, at kaya rin naiwan ang dalawang batang makulit dito sa Lola nila.
When I was about to tell Mommy that I needed to leave, she suddenly grabbed my arm so I stopped. I waited her to talk, 'cause her eyes were telling something important that excites her.
"Nag-usap ba ulit kayo ni Alexander after?" nasasabik niyang tanong sa akin na ikinagulat ko.
And that's what excites her? Unbelievable.
BINABASA MO ANG
✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)
Chick-LitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING A twenty-nine-year-old fussy single, Tria, never been in a relationship, met a pure-hearted guy who is silently proving himself to her. *** Living in a higher society and a sophisticated family, Veronica Dimittri...