Chapter 20Six months later...
“Happy birthday!”
Naririnig ko na mula sa labas ng bahay namin ang sigawan ng mga tao sa loob. Mukhang hindi na nila ako nahintay bago sila nagsimulang magkasiyahan.
“Subukan mo lang na gumawa ng eksena, I'm telling you... you'll never gonna like what I can do.”
Mula sa rear view mirror, kitang-kita ko ang matatalim na tingin ni Alexander. He even smirk like a demon.
I just nodded as an answer.
“Let's go,” utos pa niya bago naunang lumabas ng kotse.
Sumunod lang ako sa kan'ya sa paglalakad at nang malapit na siya sa pinto ay agad siyang huminto. Natigilan din ako at tiningnan ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.
Magtatanong pa sana ako kung para saan iyon nang bigla siyang nagsalita.
“Give me your hand. Bobo!” mahina at may diin na sabi niya. “Sa susunod dapat alam mo na ang mga gagawin. Ilang beses na natin itong ginagawa pero hindi ka pa rin nagtatanda. Akin na nga 'yang kamay mo!” iritableng sabi pa niya bago marahas na kinuha ang kamay ko.
Hindi na ako nakapagsalita nang hinila niya na ako papasok ng bahay. Kahit maraming tao, napansin pa rin kami ng mga bisita. Binati nila kami na tanging pagngiti na lang ang naging sagot ko. Kami na lang yata ang hinihintay.
“Mommy Dim, happy birthday!”
Napatingin ako kay Alexander. Hindi ko napansin na nandito na pala kami kay Mommy.
“Thank you, Anak!” nakangiting sabi ni Mommy.
Pilit kong kinuha ang kamay ko kay Alexander bago ako mabilis na lumapit kay Mommy at saka ito niyakap. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil ayokong gumawa ng eksena.
Baka isipin nilang may nangyayari sa akin, lalo na at madalas naman kaming magkita ni Mommy.
“Happy birthday, Mommy...” mahinang boses na bati ko.
“Hon, nasaan ang regalo natin kay Mommy?” I heard Alexander said as he held my hand and pulled me. “Nagsusumbong ka ba sa Mommy mo?” bulong pa niya bago mahigpit na hinakawan ang kamay ko.
Tahimik at pasikreto akong napadaing sa sakit. Naluluha na ako pero pilit ko pa rin na tinatago.
“N-nasa kotse, naiwan ko...” ani ko kahit nanginginig na ako sa sakit at nagpipigil na sumigaw. Hawak-hawak pa rin kasi niya ang kamay ko na parang may balak siyang durugin ito. “Saglit lang at kukunin ko,” paalam ko at saka pilit na binawi ang kamay ko sa kan'ya.
Aalis na sana ako nang biglang dumating sina Ate at Kuya. Patago kong hinaplos ang kamay kong nanunuot na sa sakit.
“Tria!” tawag pa ni Ate Cynth at ngumiti sa akin. “Oh, what's going on?” tanong pa niya. Napansin siguro niyang parang nawawala ako sa sarili.
Umiling naman ako agad at sinulyakap si Alexander na nakatingin din pala sa akin. “Nakalimutan ko kasi 'yong regalo namin kay Mommy, babalikan ko lang sa kotse.”
“No, he should be the one who will get that,” Kuya Dione said with an authority.
Nilingon ko si Kuya at nakitang nakikipagtitigan siya kay Alexander. Walang nagpapatalo sa kanila, kaya bago pa sila magkagulo nagsalita na ako agad.
“No. It's alright, Kuya. Ako na lang ang kukuha.” Ngumiti ako bago nagmadaling tumakbo palabas ng bahay.
Ayokong mag-alala sila sa akin, kaya hangga't maaari sana hindi nila puwedeng malaman ang mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)
ChickLitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING A twenty-nine-year-old fussy single, Tria, never been in a relationship, met a pure-hearted guy who is silently proving himself to her. *** Living in a higher society and a sophisticated family, Veronica Dimittri...