Chapter 29Mag-uumaga na nang nakarating kami ng Manila. Iyak lang ako nang iyak sa byahe kakaisip kung ano na ang nangyari kay Mommy. Hindi pa namin ma-contact ang mga kapatid ko kaya mas lalo akong pinanghihinaan nang loob.
Magkakasama kami sa iisang kotse. Sumama na rin si Keeon sa amin kahit pinipilit kong huwag na siyang sumama. Samantalang, naiwan naman ang kaninang masayang party sa Zambales. Ni hindi 'man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila.
Natatakot ako, hindi kasi imposibleng nandoon si Alexander, matalino ang halimaw na iyon. Alam niyang uuwi ako kaya siguradong magkikita kami kung nasaan si Mommy.
Hindi rin naman puwedeng hayaan ko lang si Mommy na nakaratay doon sa hospital habang ako, nagsasaya at malayo sa kan'ya. Hindi ako makakapagay.
Bumaba agad ako ng kotse pagkarating namin sa hospital. Naglakad-takbo lang ako at nagtungo sa nurse station. Hindi ko na napansin na kasama ko pala si Keeon at Elissha sa tabi ko.
Sila na ang nagtanong kung nasaan si Mommy, hindi ko na rin kasi alam kung paano magsasalita nang maayos.
“Nasa emergency room one po si Mrs. Solidad,” ani ng Nurse.
Nauna na akong umalis sa kanila. Lakad-takbo akong nagtungo sa ER 1 habang nakasunod naman sila sa akin. Hindi ko alam kung anong kalagayan ni Mommy, pero sana ayos lang siya at malayo sa iniisip ko.
Natigilan ako nang makita sina Ate at Kuya, umiiyak. Bumalik sa akin ang mga alaala noong nangyari ang askidente ni Mommy. Ganitong-ganito ang nangyari noon. Naabutan ko silang umiiyak habang ako naninigas na naman sa takot.
Katulad nang eksena noon, sinisisi ko na naman ang sarili ko kung bakit ito nangyari kay Mommy.
Umiiyak kong nilapitan ang mga kapatid ko. Nakita nila ako kaya agad silang nagsilapit sa akin at saka ako niyakap.
“Tria, where have you been?” umiiyak na sabi ni Ate Cynth.
“Nag-alala kaming lahat sa'yo...” Si Ate Aelin na umiiyak din.
“I'm sorry...” I sobbed and hugged them tight.
“Palagi kang hinahanap ni Mommy. Halos hindi na siya kumakain sa sobrang pag-aalala sa'yo.” Si Kuya Dione na nasa tabi ko, nakayakap din sa akin.
Mas lalo akong naiyak. Posibleng kasalanan ko nga ang nangyari. Mahina na si Mommy, hindi ko na dapat siya pinag-alala.
“Fvck! Siya ba iyong nag-kidnap sa'yo?!” ani Kuya Dione bago humiwalay sa amin.
Pati sina Ate napatingin din sa sinasabi ni Kuya. Nilingon ko ang sinasabi niya at laking gulat na nakita si Keeon kasama si Elissha.
“No!” Nilapitan ko si Kuya Dione nang akmang lalapitan na si Keeon. Galit na galit siya kaya hindi imposibleng makapanakit siya. “Walang ganoong nangyari,” ani ko pa.
“Alexander told us that you've been kidnapped. Ilang araw ka na ring hinahanap ng asawa mo.”
Nilingon ko si Ate Cynth, mukhang nag-aalala.
“Hindi 'yon totoo, Ate. I'm fine. Look at me, nandito ba ako sa harap niyong lahat kung nakidnap ako?” dipensa ko pa.
“Kung gano'n, anong nangyari? Bakit niya pinapalabas na---”
“Here they are! I told you, cops! Nandito ang kriminal na 'yan!”
Sabay-sabay kaming napatingin sa sumigaw. It's Alexander, kasama ang mga pulis. Papalapit na sa amin.
Napatingin ako kay Keeon na kalmado lang na nakatingin sa akin. Kaagad ko siyang nilapitan at tinago sa likod ko.
“Tumigil ka na, Alexander! Ako na lang ang saktan mo, huwag mo na silang idamay!” pagmamakaawa ko. “Please!” ani ko pa bago mahigpit na hinawakan si Keeon.
BINABASA MO ANG
✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)
ChickLitPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING A twenty-nine-year-old fussy single, Tria, never been in a relationship, met a pure-hearted guy who is silently proving himself to her. *** Living in a higher society and a sophisticated family, Veronica Dimittri...