Genie (Edogawa Conan)

238 8 2
                                    

Edogawa Conan's POV

Nakaupo lang ako sa isang bench at hindi ko ba maeksplika pero ang lungkot ko na ewan.

Tutal ang tagal ko naring nasa anyo ng isang bata at marami na rin akong nalampasang mga araw na hindi ko nakasama si Ran. Ang birthday niya, Pasko, New Year, Valentines Day at ang lahat ng araw sa isang kalendaryo.

Wala naman rin akong magagawa at hanggang ngayon hindi ko parin nadadakip ang Black Organization, kasali na rin doon ang gamot sana para sa pinainom nila sa akin.

Minsan nga naisip ko kung bakit ko pa sinundan ang mga taong iyon dati sa amusement park dahil kung nagkataon, magkasama parin sana kami ni Ran at hindi siguro siya ganun kalungkot di gaya ngayon.

Napahinga ako nang malalim at tinignan ang aking relo.

5:00 pa pala ng hapon

Sige hintayin ko nalang na dumilim bago ako babalik sa Agency. Ayoko kasi mautusan ni Uncle at paminsan-minsan lang rin na walang plano ang Detective Boys ngayon kay mas mabuti pang sulitin ang pagkakataon.

Tumingin-tingin ako sa paligid at sakto naman nakita ko sina Genta, Ayumi at Mitushiko na kumakain ng ice cream kaya agad-agad akong nagtago sa ilalim ng bench. Wala na rin kasi akong mapagtataguang iba pa

" Alam niyo. Kung nandito lang si Conan. Sigurado akong magugustuhan niya itong ice cream. " sabi ni Yumi sa kanilang dalawa

Hindi rin OTL

" Inggitin natin siya! " sigaw naman ni Genta sabay tawa ni Ayumi at ni Mitsuhiko.

.______.

Itataas sana niya kamay niya kaso nga lang nahulog ang ice cream mismo sa cone na kitang-kita sa kinalalagyan ko.

" WAAAAAAAAAAH!!!! Nahulog ang ice cream ko!!! "

" Hindi ka kasi nag-iingat Genta. " sabi ni Mitsuhiko.

Ayun na nga buti nalang at tuluyan na silang nakaalis at maingat na rin akong lumabas sa ilalim ng bench.

Pinagpag ko ang damit ko bago ako umupo balik. Tanaw na tanaw naman ang natutunaw na ice cream sa harap ko.

Naisip ko lang kung babalik na ako sa pagiging Shinichi. Paano naman kaya sila?

Baka naman maiintindihan nila kapag inexplika ko ang nangyari. Aaminin ko mamimiss ko rin sila.

Tinititigin ko nalang muna ang natutunaw na ice cream at dahan-dahan namang may lumabas na usok dito. Hindi lang normal na usok pero unti-unti itong kumakapal.

*coughs coughs*

" Nababasa ko ang kalungkutan mo bata. " isang di kilalang boses ang bigla ko nalang narinig mula sa makapal na puting usok.

Dahan-dahan at lumabas ang isang nilalang mula sa usok.

o.o

Hindi siya tao dahil kaysa sa paa ang nakikita ko- buntot lang ang meron at ang mas nakakapagpabigla pa lumulutang siya.

" Oi! Ano bang kalokohan ito? " tinignan ko ang paligid ko at baka may mga special devices na nagpapagana ng ilusyon na ito.

" Totoo ako bata. Ngunit wag kang mangamba hindi ako isang masamang nilalang. "

" Sino ka ba? "

" Isa akong genie at alam kong malungkot ang iyong nararamdaman kaya tutulungan kita. " patuloy siya sa paglutang sa aking paligid

" Huh? anong klaseng tulong? " hanggang ngayon ay nalilito parin ako kung paano siya totoo.

" Isang wish. Bibigyan kita ng pagkakataon na humiling ng kahit ano sa akin. "

Natigilan ako sa sinabi niya. Isang wish? Kung ito lang naman ang makakapagbalik sa akin sa dati gagawin ko. Alam ko desperado na ako pero gusto ko na talagang maging maayos ang lahat.

" So ano ang kahilingan mo bata? "

" G-Gusto kong bumalik ang oras sa dati. "

" Ah ganun lang ba??? Sige. "

Napahinga ako nang malalim

* Paalam Edogawa Conan *

Agad niyang hinawakan ang kamay ko at....

inadjust ang relo ko ng 1:00 PM

" Oo ayan bumalik na ang oras. Paalam!!! " ngiti niya sabay naglaho.

* facepalm * -.-

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[A/N] HELLO MINNA SAN XDDDD
sorry sa late na update rito OTL.
hahahahhaa XD And thank you rin po sa lahat ng mga reads or votes basta THANK YOU PO! ^^

anyways supportahan niyo po sana ang isang story ko-- "The Assassin's Target" thank you and bye o/

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon