Witchcraft (Black Organization)

719 15 4
                                    

Vodka's POV

" Hmmmmmmmmmmmm... "

Sa ngayon, nandito ako sa isang sikat na kalye sa Japan. Hindi ko nga alam kung ba't ako ay  namamasyal sa isang napakapublikong lugar. Lalong-lalo na't ako lang ang nag-iisa.

Napatingin ako sa paligid, ngunit kung hindi mga palarong pambata ang nakikita ko, mga bilihan ng mga pagkain. Sa patuloy kong paglilibot sa lugar, unting-unti na akong nabagot.

Ngunit may isang lugar kung saan nabaling ang atensyon ko, isang maliit na parang tent na may nakalagay na witchcraft na signboard. Yun nga lang halos nakatago ito sa isang eskinita kaya parang walang ni isang tao ang nakita kong pumupunta roon.

At dahil sa aking pagtataka, lumakad ako papunta roon.

- o - o -o -

" Anong maitutulong ko sa'yo? "

Pagsalubong sa akin ng isang babaeng matandang nakayuko na nakatalukbong ang ulo sa isang itim na parang kapa habang nakaupo sa harap ng isang mesa. Medyo ok naman ang lugar medyo madilim yun nga lang walang mas nakakatakot pa kay Gin. peace ^^v.

" Ano bang sadya mo dito? " tanong ulit sa akin ng matanda

" Gusto ko lang tumingin. "

Sinuri ko ang lugar at maliban sa walang ilaw, may mga bote na may iba't ibang laman. May mga katawan ng hayop na karamihan ay mga palaka. May mga sanga-sanga, dahon at iba pang hindi ko maintindihan kung ano ang mga iyon.

Sa isang parte ng lugar ay may mga nakahilera na mga manika. First time kong nakita ang mga ito  kaya tinanong ko ang babae.

" Ano ba ang mga iyan? "

" Iyan? mga manika yan. Alam mo yung mga pangkulam? Yan yung ginagamit. kumuha ka lang ng buhok ng gusto mong biktimahin tapos ..... " ayun patuloy na siya sa pagsasalita at hindi ko naman rin inaasahan na maging interesado ako sa pakikinig sa kamya.

- o - o - o -

* hikab *

Nakababagot naman itong hideout namin wala naman rin ganun ka espesyal na mangayayari. Makapaglinis nga na lugar. >.>

Habang nililigpit ko ang ibang mga gamit, nakakita ako ng isang hibla ng buhok. Hindi ko alam kung ba't ako naging interesado at pinulot ko ito.

" Kanino naman kaya ito? " naitanong ko sa aking sarili habang hawak-hawak pa ang hibla ng buhok.

Pagkatapos ng iilang minuto ng pagtitig sa buhok, naka-isip ako ng isang ideya.

Kinuha ko ang manikang binili ko kanina sa tindahan at ginawa ko kung ano yung tinuro ng matandang babae sa akin. Pagkatapos niyan ay tinusok ko ito sa karayom.

" Ba't walang epekto? "

Tinusok-tusok ko pa siya ng ilang beses pero ni isang tunog ng sinuman ay hindi ko narinig at mukhang wala namang nangyayaring kakaiba, kaya tinago ko nalang ulit yung manika.

" Mukhang naloko pa ata ako ng tindera ha! " napaupo ako balik sa aking upuan at ilang sandali ang lumipas, ay nakatulog ako.

- o - o - o -

Black Org's Nurse's POV

" Ano po bang nangyari sa inyo Sir? " tanong ko sa kanya habang nakahiga pa siya sa kanyang kama.

Nagulantang talaga kaming mga nasa clinic sa nangyari sa kanya kanina. Kahit kami ay hindi namin maipaliwanag ang nangyari sa kanya kaya pinatulog muna namin siya ng ilang mga oras  gamit ang pampatulog. At dahil ngayon ay gising na siya, tinanong ko siya kung ano ang kanyang nararamdaman.

" Ok na ako. Mukhang wala na akong sakit na nararamdaman " sabi niya habang tinitignan niya ang sarili niya at sinuri niya ang katawan niya.

" Sige po Sir Gin sabihan niyo lang po ako kung may masakit pa sa'yo "

------------------------------------------------------------------------------

[A/N] Happy Halloween pa rin sa inyo ^u^

Update nanaman O/ Medyo mas maraming random na short story ang naiisip ko ngayon kaya eto ang epekto... XD

Hindi ako masyadong marunong gumawa ng POV ng Black Org. pero at least i tried~

Yun lang ulit~

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon