Christmas Gift ( Ran & Mouri Kogorou )

119 5 1
                                    

Mouri Ran's POV

" Otou-san! Magpapasko na! wala ka man lang plano diyan? " pang-iinis ko sa tatay kong kanina pang umiinom ng beer sabay fanboy kay Ms. Yoko sa tv.

" Wag ka ngang maingay diyan. " agad umiba ang ekspresyon niya sabay tingin at reklamo niya sa akin. " YOKO! YOKO! YOKO! " agad-agad naman niyang binaling ang kanyang atensyon balik sa tv at nagpatuloy sa kanyang pagfanboy. 

Ang hirap talagang distorbohin si papa tuwing nagsisimula ang show ni Ms. Yoko sa tv.

Napabuntong hininga nalang ako at pumunta sa kusina para simulan ang paghuhugas ng mga pinagkainan namin kaninang hapunan.

" Kung hindi ikaw ang gagawa... ako naman ang hahanap ng paraan " determinado kong bulong sa sarili ko at nagsimula na sa paghuhugas.

Ginawa ko na ata ang lahat para bumalik sa normal ang pamilya ko pero sa tuwing nagmumukhang okay na ang lahat, may plot twist agad na mangayayari. Kaya, sa huli wala pa ring pagbabago. Pero kahit na ilang beses na akong pumalpak, hindi parin ako susuko. 

" Ran-neechan. Mukhang problemado ka ata ngayon. " sabi sa akin ni Conan na kumukuha ng isang basong tubig.

" Ah wala ito. Pagod lang siguro. " ngumiti ako sa kanya.

" Oh okay. Wag kang magpapagod ate ha at ano rin pala pupunta ako ngayon sa bahay ni Hakase.  Doon na rin ako matutulog. Mag-oovernight kasi kami kasama nila Genta. " 

" Okay. Mag-iingat ka. "

" Haaaai! " sabi niya sa akin sabay labas ng kusina makatapos niyang uminom ng tubig.

Minsan rin talaga napapansin ko na ang alaga ni Conan sa akin. Hindi ko alam pero para tuloy siyang nagiging tatay ko.

" Oi Ran! Alis muna ako ha. May nag-imbeta sa akin. Magmamajhong kami ng mga kasamahan ko. Mga 11 pa ata ako uuwi.  " sabi ni papa.

Aktong  iiwanan ko na sana ang mga hinuhugasan kong pinggan para pigilan siya pero huminto ako nang marinig ko ang pintong sumara.

Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ako.

12:00 Midnight

Naiwang bukas ang tv sa harapan ko. Mukhang nakatulog ata ako sa pinapanood kong drama kanina. Napagod ata ako sa pagagawa ng gawaing bahay. Idagdag mo pa ang stress kanina na nakuha ko kay papa.

Napansin ko naman na bukas pa ang ilaw ng sala at kusina. Wag mong sabihing hindi pa nakakauwi si papa?

Tumayo ako at may nakita akong rolyo ng mga gift wrapper na naiwan sa mesa at mga maliliit na ginupit na mga ribbon.

Habang tinitignan ko ang mesa may napansin ako na parang rectangle na may balot na gift wrapper at Christmas card.

" Para kanino naman ito... " Natigilan ako nang maisip ko na kay mama niya ibibigay. Napangiti naman ako sa sobrang tuwa. Sino ba namang anak ang hindi masisiyahan na malaman yan?

" Wag mong hahawakan yan! " narinig ko ang pagpanic ni papa na kalalabas lang galing kusina.

" Ah sorry po. " agad ko namang binalik ang regalo sa orihinal na pwesto nito.

Kumaripas ng takbo si papa sa regalo niya at tinignan kung okay lang ba ang kondisyon nito. Medyo OA rin.

" Okay pa rin siya. Ayoko namang sira na siya pag-abot ko nito kay..... Yoko-chan " sabi niya habang pinapahid ang regalo sa kanyang pisngi.

._.

._.

._.

-.-

*karate chop*

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[A/N] WELCOME BACK TO MYSELF *tears of joy* ;u;
Btw, thank you po talaga sa lahat na nagcomment at votes ng story ko na ito. *bows 90 degrees*  T u T
At since nakahanap ako ng free time... (which is Christmas break) YAAAAAAY! nakagawa ulit ako. Sana po magustuhan niyo. and thank you po talaga ulit :))

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon