Along the Streets (Sonoko)

377 6 0
                                    

Sonoko Suzuki's POV

" LALALALALALALALA " (~^o^)~

" JINGLE BELLS. JINGLE BELLS. JINGLE ALL THE WAY!!! "

Ang ingay ko no!? Hyper kasi ako ngayon. Malapit na rin mag-Christmas. Sino namang hindi masisiyahan sa tuwing sasapit ang araw na iyon?

And nandito ako ngayon, sa isang mall malapit sa bahay namin. Naghahanap ng magandang ipangregalo kay Ran.

Yun nga lang natapos na ang halos isang oras, hindi pa ako makahanap ng pwedeng mairaegalo ko sa bestfriend kong si Ran.

" Babalik nalang ako ulit bukas " naibulong ko sa sarili ko at napabuntong hininga nang lumabas ako sa loob ng mall.

11:00

Pagtingin ko sa aking relo, nagulat ako konti dahil hindi ko inaasahan na ganun pala karaming oras ang nagamit ko para lang sa paghahanap ng mga regalo.

Kahit hindi ko natapos ang pamimili, marami-rami na rin itong nakuha ko kaya medyo nahirapan ako sa paglalakad dahil sa mga paper bag na dala ko.

Kung nag-iisip kayo kung ba't ako naglalakad, napag-isip isipan ko na maglakad nalang dahil sa mga rason na ito:

1. Unang-una, walang taxi!!! Kapag minamalas ka nga naman.

2. Pangalawa, napag-isip isip ko na malapit lang man rin ito sa bahay namin kaya ok lang.

3. Lastly, dahil isa na rin itong form ng work out. Kailangan kasi ring mag-ready sa darating na mga reunion at party lalong-lalo na sasapit na ang Pasko.

Patuloy ako sa pagalalakad hanggang sa nabitawan ko ang isang bag at nahulog ito sa daan.

" BV! " dahan-dahan akong yumuko para kunin ang bag. Alam mo namang nahihirapan na ako sa paglalakad payuyukuin pa ata ako.

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon