Juzo Megure's POV
" Ang mga balita sa oras na ito ay... "
Pakikinig ko ng balita habang nakahiga sa couch nagpapahinga galing sa trabaho. Medyo naging abala ang department namin dahil sa napakaraming reports at krimen na nagaganap sa aming region.
Ewan ko nga kung bakit hindi matigil-tigil ang krimen sa lugar namin. Baka nga totoo ang sumpa na dala ng dalawa: ni Mouri o yung batang kasa-kasama niyang si Conan.
Buti ngayon ay nakauwi ako nang maaga at nakasingit ng kahit konting oras upang magbreak at maganda na sulitin ko na ito.
" Kaninang alas-singko ng hapon, isang pugante ang nakatakas. Kilala siya sa pangalang Nightcrawler. Siya ang serial killer na pumatay sa kanyang mga katrabaho sa isang kumpanya limang taon nang nakakalipas. Higit kumulang dalawampu ang nabiktima niya kasali na rin ang manager sa kumpanyang kanyang pinagtatrabahuan. Ito ang kanyang itsura... "
Nakilala ko na siya agad nang pinakita sa tv ang itsura nito dahil naging sikat siya na hanggang sa region dito ay nakaabot ang balita kaya nakasama rin ang department namin sa paghahanap sa kanya nung siya'y pumapatay pa. Mga ilang linggo rin bago siya nahuli na otoridad nang tangkain niyang patayin ang anak ng isang pulis sa kanilang tinitirhan
" Sana nga mahuli na yan siya. Ang dami-dami na ngang krimen dadagdagan niya pa. " napabuntong hininga ako sa aking kinahihigaan.
Ililipat ko na sana ang palabas nang bigla nalang nag black out.
._.
orz
Okay. Matutulog na nga lang ako.
Napastretch at maingat akong pumunta sa kuwarto namin kung saan natutulog rin ang misis ko. Agad naman akong nakatulog sa aking kinahihigaan dahil na rin sa pagod at wala rin naman akong makita dahil sa dilim.
Mga ilang oras ang lumipas ay nakagising ako dahil bigla akong inuhaw. Sinubukan ko munang buksan ang ilaw ng kuwarto namin pero mukhang black out parin. Ano kayang nangyari? Sigurado naman ako na nagbayad kami ng kuryente sa pinakabagong bill..
Ayun gaya nang pagpunta ko sa kuwarto kanina, dahan-dahan at maingat akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig, tanging ang cellphone ko lang ang nagsisilbing ilaw ko sa aking dinadaanan. Mga limang minuto ay nakaabot naman ako ng kusina na hindi natatalisod o walang bagay akong nasasagi.
Kukuha na sana ako ng baso nang biglang may narinig akong parang kumakatok sa pinto.
" Sino yan? " tawag ko galing sa kusina pero walang sumasagot.
" .....dumadaan ang kriminal na ito sa kadiliman ng gabi, kumakatok sa bahay-bahay ng madaling araw.. "
Hindi ko alam pero bigla ko nalang naalala ang napanood ko sa balita kanina tungkol sa serial killer na nakatakas at gumagala raw ngayon kaya medyo ninyerbos ako. Agad akong dumapa sa sahig at pinatay ang aking cellphone para kunin ang baril ko sa kuwarto just in case.
Kumatok nanaman ang nasa pinto pero hindi man lang naman nagsasalita.
" Katapusan mo na serial killer. Dahil babalik ka na sa selda kung saan ka nanggaling " bulong ko sa sarili ko at dahan-dahan na tinungo ang kuwarto.
Agad naman akong tumayo at mabilis na hinanap ang baril na nakatago sa kuwarto pero maingat na hindi ako makalikha ng anumang ingay.
Nang may nahawakan akong parang hugis ng baril, agad na akong pumunta balik sa sala kung saan nangagaling ang kumakatok. Ngayon parang mas lumakas pa ang pagkatok para bang galit.
Napahinga ako ng malalim at agad na binuksan ang pinto. Sakto namang bumalik ang ilaw ng bahay at nag-on balik ang tv. Hindi ko inakala na hindi ko pa pala natatanggal sa saksakan ang mga gamit.
o_o < - ako
-.-" < - siya
" nahuli na po ang serial killer kaninang mga hating-gabi.... " sabi ng reporter sa naka-on na tv
" HOY! PLANO MO BA AKONG PATAYIN HA! " sigaw sa akin ng asawa ko. " NAKALIMUTAN MO BANG PUMUNTA AKO SA REUNION NG MGA KAIBIGAN KO NUNG HIGH SCHOOL?!?!? IBABA MO NA YANG BARIL MO. AT BA'T ANG TAGAL MONG MAGBUKAS NG PINTO HA?!?!? "
OTL
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[A/N] Haaaaai! O/
Lol long time no something hahahahahaha OTL ^^;7 medyo idk. nabusy ;-;
okay yan lang. sana nagustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
Detective Conan Short Stories
Random[Fan-fiction] A compilation of short stories from Detective Conan. The characters are not mine all credits to Gosho Aoyama. Fan lang po ako ng Conan. :)