Gift Chase (Detective Boys)

342 5 0
                                    

Yoshida Ayumi's POV


" Mitsuhiko, Genta. Nakikita ko na si Santa " tawag ko sa kanilang dalawa nang makita ko si Santa na nakaupo na sa isang stall na kumakausap sa mga bata.


" YEY! Buti naman nakita na talaga natin siya. Kapagod palang maghanap sa kanya sa mall " sabi ni Mitsuhiko habang nahihingal sa paglalakad


Dumating naman sa Genta. Medyo nahuli siya dahil kumuha muna siya ng free taste ng cupcakes sa dinaanan naming bakery kanina


" Nandito na siya? " sabi niya habang puno pa ang kanyang bibig sa kakakain ng cupcakes


" Nandoon siya " sabay turo ko kay Santa Claus kung saan siya nakaupo


Napangiti kaming tatlo at sabay kaming kumaripas ng takbo papunta sa kanya.


" Santa!!! ouo " Pagdating namin doon. Agad namin siyang niyakap.


Sa kanyang ekspresyon, mukhang nagulat siya sa bigla naming paglabas pero tumawa nalang siya pagkatapos


" HOHOHOHOHOHOHO "


" Pwede po kaming magwish? " tanong ni Genta sa kanya


" Ako rin! O/ "


" Akin Santa kahit ano basta merong Kamen Yaiba " paninimula ni Mitsuhiko


" Akin rin!!! " sabay naming sabi ni Genta


" HOHOHOHO Sige sige. Hintay muna kayo " yumuko siya at hinalungkat ang kanyang napakalaking pulang sako. Kami namang tatlo, excited na excited sa kung anong kukunin niya sa loob ng sako


Pagkatapos ng ilang segundo, kinuha niya ang tatlong latest version ng Kamen Yaiba action figure.


^o^ ^o^ ^o^


Agad namin tong kinuha at niyakap. " SALAMAT TALAGA SANTA "


Tumakbo kami paalis na tuwang-tuwa sa aming natanggap.


Habang naglalakad sa mall:


" Ang bait talaga ni Santa ouo " sabi ko habang tinitignan ng maigi ang binigay sa akin. " Pero parang may mali..  "


" Huh? Anong mali? " tanong ni Mitsuhiko sa akin.


" Hindi ko nga alam eh. May kutob lang ako "


" Huwag mo nalang yan pansinin Ayumi dapat maging masaya ka ngayon lalo na't magpapasko " takip Genta sa aking likod

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon