Fireflies (Sumiko Kobayashi)

221 6 1
                                    

Sumiko Kobayashi's POV

" That's all for today class. " inaayos ko kanilang mga sinagutang papel habang nagpaalam ako sa aking klase. Ito na ang last class ko para sa araw na ito.

" Sensei.. " nagbaling ang tingin ko kay Ayumi nang lumapit siya sa akin habang ang iba naman ay papalabas na ng classroom.

" O bakit Ayumi? " yumuko ako para sa kanya at nakita ko naman ang iba pang kasama ng Detective Boys na si Genta at Mitsuhiko na pumunta rin patungo sa akin habang si Conan ay tumitingin sa labas at si Haibara ay nakaupo parin na nagbabasa ng libro.

" Alam niyo po yung malawak na garden na malapit sa ilog? " tanong sa akin ni Ayumi

" Oo naman ba't mo naman yan naitanong? " nagtataka kong sagot sa kanya

Biglang sumingit sa Genta sa usapan. " Ano po kasi Sensei tuwing ganitong mga panahon nagsisiliabasan ang mga fireflies doon. At may plano kaming pumunta doon " Halata sa tono ng kanyang boses ang pagkasabik.

" Samahan niyo po kami Kobayashi sensei " alok naman ni Mitsuhiko na para bang nagmamakaawa

Nag-isip muna ako ng ilang mga segundo bago sumagot. " Sige na nga. Babantayan ko kayo doon " Pero gusto ko naman rin talagang pumunta. Ang ganda kaya ng view kung tutuusin.

" YAAAAAAY!!! " pag-celebrate ng tatlo.

" Haibara, Conan, sasama rin kayong dalawa. " sabi ko sa dalawa na mukhang may mga kani-kanilang mundo 

" Hai~ " mahina na sagot ng dalawa at halatang tinatamad

" Sige sensei magkita nalang po tayo doon mga 7:00 ng gabi mamaya " sabi ni Ayumi sa akin na nakangiti

Mga ilang minuto pa ay umalis na silang lima kaya't ako nalang ang naiwan mag-isa. Tumingin muna ako sa labas galing sa bintana para tignan ang sunset at napabuntong hininga.

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon