Work Out (Professor Agasa & Detective Boys)

198 6 0
                                    

Edogawa Conan's POV

*tinignan ko ang aking relo*

2:30

Tss. kung makapag-bigay naman to sila ng takdang oras akala mo ang aaga nilang dumating. Sabi nila mga 2:00 dapat nandito na kami sa park pero nakalipas nalang ang 30 minutes hindi ko parin sila nakikita.

Nakalipas ang sampu pang mga minuto

" CONAN!!!!! " narinig ko ang sigaw ni Genta

Pagtingin ko kung saan nanggaling ang boses ni Genta, nakita ko na sina Ayumi at Mitsuhiko na kasama niya na tumatakbo papunta sa akin.

Buti naman at dumating sila, may plano na sana akong magback out sa plano nila

- Flashback -

Sa classroom noong Tuesday

" Guys kailangan ko kayo na pumunta sa park sa Saturday. " sabi ni Genta sa amin

" Ano bang meron? " tanong ni Mitsuhiko

" May ipapakita ako sa inyo "

" Ano yun? " tanong nanaman ni Ayumi sa kanya habang nakangiti halatang excited sa kung anong isasagot ni Genta

" Secret " panunukso ni Genta sa amin sabay tawa " Para pala to kay Professor Agasa " pagpapatuloy niya sa amin

- End of Flashback -

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon