Edogawa Conan's POV
" Conan! Conan! " tawag sa akin nina Mitsuhiko at Genta na kumakaripas ng takbo papunta sa classroom kaya hininihingal nung huminto sila sa may mesa ko.
" Bakit? " binaling ko ang atensyon sa kanila mula sa librong hawak ko.
" May nag-iwan ng letter doon sa locker para sa Detective Boys! Isang kaso ulit tayong lulutasin. " sabik na sabi ni Mitsuhiko na hawak ang papel sa isa niyang kamay.
Oh.
" Seryoso yan? " tanong ni Ayumi na hindi rin maitago ang pagkasabik at kinuha ang papel. Binuklat niya ito at sinimulang magbasa.
" Para sa Detective Boys,
Ako si Mark. Kasing edad niyo lang ako at ayon sa mga naririnig ko, lumulutas kayo na mga kaso. Sana pansinin niyo ang liham na ito.
Nung Lunes ko pa kasi hinahanap ang relo na bigay ni Tita sa akin. Blue ang color nun at may sticker ng Kamen Yaiba sa likod. Sa pagkaalala ko, sinuot ko pa siya nung nasa libary kami pero pagdating ko ng bahay, wala na ito. Sana matulungan niyo ako at mahanap ito sa Friday. Pagagalitan kasi ako kung mapapansin nila na wala akong relo sa pamamasyal namin sa Saturday. Salamat nang marami.
Baka makatulong, ito ang mga pinuntahan ko pagkatapos sa libary.
- computer lab.
- cafeteria
- fishpond
- school field
- cr sa ground floor "" Friday, bukas na yun diba? " sabi ni Mitsuhiko.
" Baka kahapon pa iyan. Nakalimutan kasi nating tignan ang locker dahil nagmamadali tayo para kumain. " sabi ni Genta.
" Ikaw lang kaya 'yun. " sagot sa kanya ni Mitsuhiko.
" Nakasulat rin dito ang kanyang contact number baka sakaling may itatanong pa tayo. " pagpatuloy ni Ayumi at pinakita sa amin ang mga numerong nakasulat sa papel.
" Gusto mong sumama Haibara? " tanong sa kanya ni Ayumi.
" Pass muna ako. May gagawin pa ako nina Hakase. " pagpaalam ni Haibara sa amin pagkatapos niyang maayos ang kanyang gamit at lumabas na ng room.
At, nakatakas na siya.
* slow claps * ._.
" Sige na Conan. Gawin natin ito. " pamimilit ng tatlo sa akin. " Wala naman tayong mga assignment para bukas. " dahilan pa nila.
" Kawawa si Mark kung hindi niya ito mahahanap. " sabi naman ni Ayumi.
Tumango nalang ako at pumayag. Wala na rin akong maggagawa dahil mukhang doon naman talaga patungo ito.
" YAAAAAAAY!!! " pagcelebrate nilang tatlo.
- o - o - o -
Computer Laboratory.
" Lock na. " sabi ni Mitsuhiko na hawak ang doorknob at pilit itong buksan. Sina Ayumi at Genta naman ay panay ang silip sa bintana.
" Wala akong nakikitang relo " panghihinayang na sabi ni Ayumi.
" Tinignan niyo ang teacher's table? Nilalagay kasi diyan ng teacher ang mga naiwang gamit ng mga studyante. " suhestiyon ko sa kanila.
" Wala. " sabay na sabi nilang tatlo.
- o - o - o -
Cafeteria.
" Hahanapin talaga natin ang relo sa buong cafeteria? Napakalawak nito. " reklamo ni Genta na kanina pang hinihingal sa paglalakad.
" Genta, kasali ito sa investigation. " sabi sa kanya ni Mitsuhiko na naghahanap na sa nga mesa't upuan.
" Oo nga Genta! Dapat... uhh wait nasaan si Genta? " tanong ni Ayumi nang nawala ang kausap.
Napatingin ako sa paligid at nakita siya na bumibili na ng pagkain sa isang stall.
Facepalms.
- o - o - o -
Inabutan kami ng nga kalahating oras sa cafeteria sa kadahilanang nagutom na rin kami dahil sa paninimula ni Genta.
Nang pumunta kami ng field, malapit nang lumubog ang araw. Buti at katabi lang rin ng school field ang fishpond.
" Kung naiwan talaga niya ang kanyang relo sa dito, baka kinuha na iyon o iniwan sa lost and found station. " sabi ni Mitsuhiko.
" Tinignan ko habang umoorder pa kayo na kakainin kanina pero, wala doon. " sabi ko sa kanila.
Cr nalang ang lugar na hindi pa namin pinupuntahan.
Hmmmm....
" Tawagan niyo siya. " sabi ko sa kanila nang may naisip akong ideya.
" Bakit Conan? Alam mo na kung nasaan? "
" Hindi sigurado pero, isang posibilidad kung nasaan ang kanyang relo. " sabi ko sa kanila.
- o - o - o -
" Hello Mark? " tawag ni Mitsuhiko sa nagpadala ng liham. Iniwan niya sa loudspeaker mode ang phone.
" Sino ito? "
" Kami ang Detective Boys. Nakita namin ang pinadala mong liham kaya nandito kami para tulungan ka. "
" Nabasa niyo ang liham ko? Thank you. " halata sa tono niya ang pagkasabik. " Nahanap niyo na ang relo ko? "
" Wala.... " may sasabihin pa sana si Mitsuhiko pero pinutol ko na ito.
" Tignan mo ang bag o bulsa ng damit na ginamit mo nung araw na iyon. " utos ko sa kanya.
" Huh? " tanong ni Ayumi.
" Bakit bag ? " sabi naman ni Genta.
" Galing kasi siya cr at kung naghugas man siya ng kamay, may posibilidad na tinanggal niya ito at inilagay sa bag o bulsa niya. Ayaw naman rin niya sigurong basain ito dahi sa sticker na nakadikit sa likod. "
" Ohhhhhhh. "
" NAKITA KO NA!!!! " sabi ng kausap namin sa phone.
-.-" -.-" -.-" -.-" <- kaming apat.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[A/N] Sorry sa napakalate na update. OTL OTL OTL ;-;
BINABASA MO ANG
Detective Conan Short Stories
Random[Fan-fiction] A compilation of short stories from Detective Conan. The characters are not mine all credits to Gosho Aoyama. Fan lang po ako ng Conan. :)