Misunderstanding (Kaito Kid & Inspector Nakamori)

269 6 0
                                    

Kaito's POV

Nakatatamad talagang lumabas lalo na pag-malamig ang panahon. magPapasko kasi ngayon. Hindi naman ako galit sa Pasko pero gusto ko lang talagang manatili sa bahay at matulog sinusulit ang kalamigan ng panahon.

Since wala naman rin akong ginagawa dito binuksan ko nalang ang tv. 

" Malapit na magPasko minna-san " bati ng reporter sa T.V. " Feature po namin ngayon ay ang parol ng pamilyang Shito "

" Alam kong pamilyar sa inyo ang parol ng pamilyang ito. Taun-taon ay nakaugalian nang pinapailaw ang napakamalaki at napakagarbong parol na ito. Sikat na sikat rin ang trademark symbol ng kumpanya ng Shito Industries sa gitna nito na isang diamond..... " at nagpatuloy parin sa pagsasalita ang reporter sa harap.

" Ba't parang inaakit ako ng dyamanteng iyon? " sabi ko at napangiti ako. " Mukhang may pagkakaabalahan ata ako  "

- o - o - o - 

Inspector Nakamori's POV

" May tawag po para sa'yo " sabi sa akin ng kasamahan kong pulis sa opisina habang inaabot niya ang telepono para sa akin.

" Ano pong maitutulong ko ? "

" May nakuha po kasi kaming liham galing kay Kaito Kid " nagulat ako sa sinabi ng taong nasa kabilang linya

" SI KAITO KID??!!!!!!!!!! " napasigaw ako kaya nagtingin ang mga tao sa akin; tinitigan ko lang sila ng masama at bumalik na sila sa kani-kanilang trabaho kalaunan.

" Opo. si kaito kid po. Pupunta po daw siya sa amin bukas. "

Napasmirk ako at tumawa. Mukhang maligaya ang Pasko ko ngayong darating araw ha. " Sige pupunta po kami sa inyo ngayon "

- o - o - o -

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon