Another Try (Sato x Takagi)

330 6 1
                                    

Takagi's POV

Today's the day!

Ngayon ko na talaga sasabihin sa kanya...

Watch out..

Sato-san... 

- the next day -

Ngayon naglalakad na ako papunta sa amusement park at buti nalang ay ilang mga hakbang nalang ay makakarating na ako.

Pagtingin ko sa aking relo, naisip ko na mukhang napaaga ako. Planong oras ko sanang makipagkita sa kanya ay 6:00 pero 5:30 pa ngayon. Pero sabi nga nila dapat nauuna ang lalaki sa ganitong mga panahon.

O_O

O_O

.____.

" Nandito ka na pala Takagi. Akala ko 6:00 pa tayo magkikita? "

Ang aga niya..

Simula pa lang palpak na

" Ako sana ang magtatanong sa'yo. Ba't ang aga mo? " tanong ko kay Sato na may halong pagtataka.

" Yun ba? Gusto ko lang. Wala rin kasi kaming gagawin sa office kaya naisipan ko nalang magmasid-masid muna rito kaysa puro papeles ang nakaharap sa akin. " sabay ngiti ni Sato sa akin

" Ahhhh... " Dapat pala 4:00 akong pumunta rito u_u. Hindi ko naisip at napaghandaan na maari pala itong mangyari *facepalms*

" So, anong plano natin ngayon Takagi? " bigla niya akong siniko at tinanong

" Ano.. uhh... maglakad-lakad muna tayo. Maaga pa naman eh. "

" Sige ba! " napangiti siya at inunahan na ako sa paglalakad..

Habang siya'y aliw na aliw sa pagtingin sa kanyang paligid, ako naman ay pinagpapawisan dahil sa pinaplano kong gagawin mamaya.

" Huuy! Okay ka lang ba? " tanong ni Sato

" H-huh? aaah.. ok lang ako "

" tsk.. anyways, bumili tayo roon! " tinuro niya ang isang maliit na stall na nagtitinda ng cotton candy.

Tumango lang ulit ako.. pero kahit anong gusto ko maging masigla hindi pa rin mawala sa isipan ko ang kabahan.

- 7:30 pm - 

" WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!! " 

Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw nang pinilit ako ni Sato sa roller coaster pero kaya kong gawin ang lahat mapasaya lang siya..

awwwwwww <3

Pero ngayon hilong-hilo na ako dahil sa roller coaster kaya umupo muna kami sa bench para makapagpahinga ako.

" Sinabi mo sana Takagi na hindi mo yun makakaya " pag-alala sa akin ni Sato habang pinahahanginan ako gamit ang kamay niya..

" Kinaya ko naman ha! "

" Oo na!! Pero tignan mo nahilo ka pa. "

" Wag kang mag-alala. mawawala rin to.. "

" Baka mahimatay ka na diyan!!! Hindi ako magaling sa first aid. " tukso niya sabay tawa sa akin

Nahimatay...

Nahimatay..

CPR.. 

O_O

O/////O

e u e

Wait. diba sa tubig lang iyon?? or pwede hindi..?

*sinapak ko sarili ko*

Ano ba naman yang pinag-iisip mo Takagi magmumukhang desperado ka lang.

" Hoy! Takagi na-ano ka diyan? " inalog-alog ako ni Sato " Wag mong sabihing naghahallucinate ka na rin. " sinabi niya sabay tawa sa akin

*napatingin ako sa kanya ng masama*

" Ano ba naman to si Takagi hindi mabiro "

Napatayo ako bigla at naisipang gawin ko na ang aking plano..

" May pupuntahan tayo. "

- 8: 00 pm -

Ito na ang oras na pinakahihintay ko..

" Tagal naman ng linya dito sa ferris wheel. pero gusto ko ring makita ang buong lugar sa itaas " nakita ko siyang ngumiti.

" Kayo na po ang susunod. " sabi sa amin ng ferris wheel operator at pinapasok kami sa aming "box" 

Pagkasabi ng operator, pinauna ko si Sato dahil kinakabahan parin ako.

" Na-ano ka ba diyan Takagi? kanina ka pang tulala ha? May pinoproblema ka ba?"

" H-huh? ok wait " bumalik ako sa aking pag-iisip at sumunod ako sa kanya pagkatapos

- o -

"WOW! Ang ganda naman dito!!! " sabi ni Sato habang patuloy na tinitignan ang scenery galing sa ferris wheel.

Habang siya ay nasisiyahan sa panonood ako naman ay nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang balak ko o hindi.

Pagkaraan ng ilan pang mga minuto ay nakapag-desisyon na ako

ITUTULOY KO

- O -

*coughs* *coughs*

" Uhh.. Sato...? " pinasok ko ang aking kamay sa aking bulsa upang kunin ang isang necklace na ibibigay ko sa kanya

" Ano yun? may problema ba? " napatigil siya sa pagtingin sa labas at nabaling ang atensyon niya sa akin

*gulps*

" M-May importante akong sasabihin s-sayo "

Tinignan ko siya nang mabuti at napabuntong hininga bago ako nagpatuloy sa pagsasalita

" Sato... ang totoo niyan ay.... "

" Pwede na po kayong lumabas " narinig ko ang boses ng operator

" h-huh? " napatingin ako sa aking gilid at nakita kong nakarating na kami sa baba at binuksan na ng operator sa pintuan

._.

------------------------------------------------------------------------------

[A/N] Welcome back to me after a very long time haha.

Since wala na masyado kaming gawin.. try kong pumunta dito as much as i can lol ano daw? XD

Yun lang for now ByE! :D

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon