Online Chat (ShinRan)

1.3K 19 2
                                    

Shinichi's POV

Sa wakas nakabalik na sa normal state. Sana nga panghabang buhay na ito. *napabuntong hininga* Minsan iniisip ko kung bakit ko pa sinundan ang mga nakaitim na mga tao na iyon noong nasa carnival pa kami pero yan naman talaga ang trabaho ko kaya kailangan ko nalang tong panindigan.

Ngayon naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Gusto ko mang puntahan si Ran ngayon pero nasa malayong lugar ako. Sinamahan ko kasi sina hakase at Haibara. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako nangangamba na maglakad ng maayos ngayon. Sa bagay may disguise naman ako ngayon.

(A/N: YEAH! LOL NAKA-DISGUISE SIYA THAT TIME. MAY WIG NA BROWN AND KULOT WITH SHADES. AND NAKA MASK (yung sinusuot ng mga tao sa hospital) KAU NA BAHALA MAG-IMAGINE)

Habang naglalakad ako may nabasa ako sa gilid

"INTERNET SHOP"

O_O Bahala na! at pumasok na ako sa loob ng shop.

Ran's POV

"Tss. Ba't ba hindi marunong magligpit si Papa" nasabi ko sa sarili ko habang tinatapon ang pizza box na na-iwan sa lamesa niya.

Pagtingin ko sa computer. :3 Nakalimutan ko rin ata na ilog out ang account ko...

"Nagmana pa ata ako sa papa ko -___-" I turn off ko na sana ang computer ng may taong biglang sumulpot sa screen

[ A/N : SO DITO MAY FB ACCOUNT NA SILA. BASTA YAN NA YAN XD ]

O_O "Sino ba to siya? Hindi ko ata ma-alala ang mukhang ito" 

"Ran! HIndi mo na ba ako naalala? Nagiging ulyanin ka na? HAHAHA" dahan dahan niyang tinanggal ang shades at maskara niya

"SHINICHI!!! ??? O_O " 

" OO ako to. Sino pa ba " halatang may pang-iinis na konti ang kanyang pagkasabi pero hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko

"......."

"Huy! Natahimik ka ata! May nasabi ba akong masama?" biglang nag-iba ang expression niya sa mukha

"BA'T BA ANG TAGAL TAGAL MONG NAWALA!!! HINDI KA MAN LANG NAGSABI AGAD SA AKIN! " napasigaw ako at hindi ko nahalata na dahan dahan na palang tumutulo ang luha ko

"Oi Ran! Kailangan mo talaga akong sigawan? Ano kasi eh. May..."

 Shinichi's POV

" May... "

"May kaso nanaman? Ano ba talagang nangyayari sayo Shinichi! Dati hindi ka naman ganyan ha! " napatigil ako bigla sa narinig ko ito sa kanya

" Sorry talaga masyado Ran. kai.... "

"Pero kahit busy ka... maghihintay lang ako dito para sayo. Babalik ka naman diba?? diba?? " sinasabi niya ito habang pinapahid ang mga luha sa kanya...

" OO naman. at tama na sa kaiiyak ha! Dinadamay mo pa ako sa pag-iyak mo!" 

"Kahit ngayon pa ba naman.. " nakita ko nang unting-unti na siyang ngumingiti

"Ooooh Ngingiti na yan!!! " Hanggang nakita ko na siyang ngumingiti

"Kaya mo naman pala eh! Basta huwag kang mag-alala. Nakakasigurado akong babalik ako diyan.  " 

"Sabi mo yan ha! " napatungo at napangiti ako

" Syempre naman! O siya aalis na ako. may trabaho pa akong aasikasuhin "

" Ok paalam Shinichi :) " 

Pagkatapos nun. Umalis na ako sa internet shop na ginamitan ko na ngumingiti. 

" Sana nga Ran " 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NEW SHORT STORY PEOPLE!

SORRY KUNG HINDI MXDO OK, IMPROMPTO LANG KASI YAN XD

Detective Conan Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon