^_^_^_^_^_^_^_^
BERNA’S POV:
Linggo ngayon, at malayang-malaya sa boss kong mahangin… nasa treehouse ako habang tinitignan yung contract papers…
“haaay… kailan ka ba matatapos ha?.. antagal-tagal naman eh.. inip na inip na ako!!..” nakapalumbaba ako..
“aray!!” aambain ko na sana kung sino mang nilalang ang nang-istorbo sa pang sesenti ko…
“oh ano? Ganyan mo ako babatiin, sasapukin mo ako?.. naku bess… bakit gustong-gusto mong matapos agad yan ha?!! Eh paano yung prince charming mo aber?” si Clarissa habang nang-aasar yung mukha…
Napayakap ako ng mahigpit sa kanya… syempre halos isang linggo rin kaming hindi nagkikita dahil sa pesteng kontrata na yun… hindi ako sanay..
“makabatok ah.. eh ikaw ba naman kasi magkaroon ka kaya ng pagsisilbihan na hindi lang masungit, mataray, suplado at napaka yabang na amo… akala kung sinong perpekto!!” hay napasimangot tuloy ako, naalala ko nanaman yung mga pinagawa niya sakin…
“tsk..tsk..tsk.. ikaw kasi Bess wag mo kasi laging tignan lahat ng pangit sa kanya… tignan mo yung good sides niya…”
“good sides? San banda? Ni wala nga siyang magandang ugali eh!..”
“syempre meron din yun noh… una na yung magandang mukha niya… di ba gwapo siya?!!” eto talagang babaeng to, good side ba yun? At kinikilig pa ah…
“aray naman! Wagas sa pagbatok?!!... wala nang bukas?!!!” sabay hawak sa ulo niya..
“ikaw kasi… pati yung lalakeng yun pinagnanasahan mo?!!” irap ko dito.
“hindi ah… syempre kay Mac lang ako… noh…” speaking of Mac.. halos buong Linggo ko siyang hindi nakita ah… teka asan nga pala yung isa kong bestfriend?
“asan nga pala si Charles? Hindi man lang ako naalala.. nakakapagtampo ah.”
“anong hindi? Baka ikaw noh… kahit magpunta rito hindi mo ginawa eh… lagi kaya kaming nandito ni Clarissa!!”
“Charles!!” yakap ko dito..
“namiss kita… sorry naman, walang time eh…”
“ hehe ok lang oh eto favorite mo!!” sabay abot nung plastic…
“wow anu to?”
BINABASA MO ANG
I've Fallen For You (JhaBea)
Fanfictionistorya ng dalawang taong magkaiba ang mundo.. iba ang pananaw sa buhay, hindi magkasundo sa lahat ng bagay.. maliban sa salitang "Opposites don't attract".. .. .. .. JhaBea, Jhake Vargas and Bea Binene's Fanfiction by Iam Urs..