Chapter Twenty-four

495 17 5
                                        

ayun atlast eto na.. hehe.

^_^_^_^_^_^_^_^

Berna’s POV:

Sa wakas after millennium years pinaglunch na ako ng mokong. Akala niyo porket MEDYO CLOSE na kami nung Luke na yun ed di na magpapahirap? Aba, asa naman! Mas lalo atang dumomble pinagagawa niya.  TT______TT Ang lakas talagang mang-asar ng mayabang na yun >.< palabas na ako ng building para lumamon na. Lamon talaga ang gagawin ko dahil nakakapagod at nakakapataygutom lang naman ang ginawa ko nang may kumulbit sakin.

“miss.” Babae siya na maputi, may nakasabit na handbag sa kanang braso, naka-dress with matching very high heeled shoes. At kung titignan eh mukhang sosyal na espasol dahil sa kapal ng make-up sa mukha. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Ano ba yan, patagal naman si ate. Mamamatay na ako sa gutom eh.

“bakit po?” ngumiti naman ako dito as a sign of respect.

“did you know where Luke Velasco’s office is? Cause I’m looking for him.” Sa unang tingin mo palang eh mukha na siyang maarte. Pati sa pananalita halatang inaartehan lang niya.

“si sir Luke po? Nasa tenth floor po siya ate, andun po yung office niya paglabas palang po ng elevator andun na yung lugar, may name naman po dun sa pintuan. Sige po alis na po ako.” Ngumiti ako dito para malaman niyang aalis na ako. Paalis na ako dahil hindi ko na kaya, nag-aalboroto na yung tiyan ko.

“ah, miss. Pwede bang ikaw nalang yung pumunta? Eh kasi, I’m afraid of heights eh.” Ang arte talaga niyang magsalita, ewan ko ba kung inborn na yun o talagang ang arte niya lang talaga. Afraid of heights? Di naman siya magsi-zip line o sasakay ng roller coaster. At ang heels, parang bundok na sa taas eh. Tsk,tsk.

“o-ok po, wait lang po.” Pumayag na ako, ako ay dakilang PERSONAL ASSISTANT ni Luke Velasco at siya ay hinahanap ng babaeng ito kaya kahit gutom ay haharapin. Aysus, makata.

“I’ll wait here ah.” Umupo siya dun sa waiting shed, meron kasing parang sofa dun malapit sa main entrance at exit.

“tsk, arte nga siguro. Pati pag-upo.” Paalis na ako.

“ah, wait.” Sigaw niya, lumingon naman ako.

“don’t use ‘po’ when you’re talking to me and please don’t call me ate. I’m Sunny Set, Luke’s girlfriend and I think you’re older than me cause I’m just 25.” Ngumiti nanaman siya, pacute lang? Pero ang pumukaw talaga sakin eh yung sinabi niya. Mukha ba akong 26-pataas? Excuse me ang pagkakaalam ko eh 21 lang ako. Ang arte-arte talaga. >.< hindi ko nalang pinansin, nagpapapansin na yung tiyan ko kanina pa.

“and make it faster, I don’t want to wait!” habol pa niya na pasigaw.

“ewan ko sayo, I don’t want to wait-I don’t want to wait ka pang nalalaman. Yung tiyan ko nga kanina pa naghihintay na may durugin.” Nasabi-sabi ko.

I've Fallen For You (JhaBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon