sa mga nabitin daw :P eto yung karugtong niya... :))
^_^_^_^_^_^_^_^
Luke’s POV:
Nagulat ako ng may pumasok na babae sa office ko. At umiiyak ah.
“who are you?” tanong ko dito.
“babe naman eh, I’m Sunny. Dun sa bar.” Ay ganun. Nag-akto nalang ako na kilala ko siya.
“oh? Bakit andito ka?”
“eh kasi miss na miss na kita eh.” Lumapit siya at umupo sakin.
“teka-teka lang, meron kasi akong trabaho..” nilalayo ko yung katawan niya dahil nakayakap siya sakin.
“ano ba first monthsary kaya natin.”
“Ah talaga? Hehe congrats.”
“ano? Congrats lang? asan yung gift ko?”
“gift ba? Eh ano, masyado kasing busy kaya hindi ako nakabili eh. Hehe.. sige na” nilalayo ko parin siya.
“problema ba yun? Edi kiss nalang.” Sabay halik niya sakin. Maya-maya narinig kong bumukas yung pintuan kaya tumingin ako. si Berna pala at nakita kong gulat din siya.
“ooopss, so-sorry!” then lumabas siya. Tinulak ko na yung Sunny daw at hinabol ko ito.
“hey Berna!” tawag ko sa kanya na kasalukuyang naghihintay sa pagbukas ng elevator.
“ba-bakit?!”
“hmmm.. it’s not what you think.” Alam ko kasi yung naiisip niya kaya gusto kong magpaliwanag
“bakit ka nagpapaliwanag? Bumalik ka na dun, ituloy niyo na yung ginagawa niyo. Pasensiya sa abala.” Pagbukas nung elevator pumasok na siya agad. Ano daw? Edi maling akala nga siya.
“Berna!”
“sorry din sir dahil pinatid ko siya kanina. Ang kulit kasi eh. Kaltas niyo nalang sa sweldo ko po kung gusto niyo.” Bigla nalang nagsarado yung pintuan ng elevator. Medyo na-stock ako ng konti, naisipan kong habulin siya kaya tumakbo ako ng hagdanan pababa para habulin siya. Hingal na hingal akong nakadating sa ground floor pero wala na siya, pabalik na ulit ako ng tenth floor para kausapin yung Sunny ng maisip ko na kakain pala siya. Sumakay ako ng kotse at nagpunta sa lugar na kinainan namin pero wala siya. Naisipan ko nalang bumalik sa office. Pagbalik ko andun parin siya.
“andito ka parin!?” iritado kong sabi.
“hon, syempre monthsary natin.” Kumapit siya sa braso ko.
“pwede bang umalis ka muna!? May trabaho pa ako!”
BINABASA MO ANG
I've Fallen For You (JhaBea)
Fanfictionistorya ng dalawang taong magkaiba ang mundo.. iba ang pananaw sa buhay, hindi magkasundo sa lahat ng bagay.. maliban sa salitang "Opposites don't attract".. .. .. .. JhaBea, Jhake Vargas and Bea Binene's Fanfiction by Iam Urs..
