Chapter Fifteen

625 17 7
                                        

CHAPTER FIFTEEN AGAD AGAD.. MAHAL KO KAYO EH.. ^_______^

^_^_^_^_^_^_^

LUKE’S POV:

“hay… BWISEEEET!!” narinig kong sinabi niya habang papasok ako ng kwarto ko para magpalit…

Napangiti ako nun dahil gusto kong mainis pa siya.. haha yun kaya ang plano ko… may trabaho pa daw kasi siya eh.. ano bang klase siyang tao? Walang kapaguran basta lang magkapera..

“oh anong nang ginagawa mo diyan.. imasahe mo na ako..” sabi ko habang nakahiga sa kama..

Inirapan niya lang ako…

Habang minamasahe niya ako.. nagtanong naman ako sa kanya…

“ey, pumpkin.. anu-ano bang mga raket mo bukod sa pagiging katulong mo sakin..” nakapikit ako, sarap mangmassage eh..

“pumpkin ka diyan..”

 

“ano nga?”

 

“marami.. tinatamad akong sabihin..”

Bakit ba laging mainit ang mga dugo nito sakin… maayos naman yung tanong ko ah..

BERNA’S POV:

Akala ko tapos na ang pasakit… meron papalang isa.. nagpamasahe ang lalaki..

Pagpasok ko medyo natigilan ako.. naka boxer short lang kasi siya at black sando… habang nakahiga sa kama nito…

Maya-maya.. naging showbiz ang kuya mo.. nagtanong ba naman kung anong mga trabaho ko… tapos haler yung ganitong ganda mukhang pumpkin? Hindi ko nga siya sinagot.. inis ako eh… pagtingin ko ng orasan, naku alasais na pala.. late na ako sa trabaho ko… tinignan ko siya, nakatulog na pala.. sana lagi nalang siyang tulog para laging may peace of mind. hehe..

“oy Mr. topak.. aalis na ako, late nako sa trabaho ko” bago ako umalis kinumutan ko muna, kawawa naman at baka lamigin nakaaircon kasi..

Daretso ako sa sunod kong raket.. TUTORING.. oh diba dahil sa hirap ng buhay pati to pinasok ko.. meron din naman akong alam dito noh…

Late ako ng 30 minutes layo kasi ng byahe… buti nalang at mabait naman ang mga ito na nauunawaan ako… pagkatapos ng isang oras..

“hay salamat..” naglakad nalang ako pauwi total malapit lang naman eh..

“ate, kamusta ang bagong araw mo pagpasok?” bungad ni Andoy…

“ayun, nakakapagod.. nakakainis nga yung lalaking yun eh, masyadong mahangin.. NAKAKAIRITA”

I've Fallen For You (JhaBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon