dedicated sayo.. akala ko kasi magagawa ko nung "later" na sinabi ko. after hundred years pala...
--------------------------------> sir Santi and Berna's picture on the right side...
^_^_^_^_^_^_^
Berna’s POV:
“ewan ko nga dun.” Dito kami ngayon sa bahay habang kinukwento yung mga weird na bagay na nangyari kanina.
“baka menopausal stage na nung Luke na yun kaya moody.” – Charles
“hoy, bakit mo inaaway si fafa Luke ah?! Atleast good mood na agad siya pagdating ni Berna galing sa romantic date nila ni sir Santi.” – Clarissa
“hindi date yun noh. Mabait lang si sir Santi kaya niya ako nilibre.”
“hindi ba date yun? Nasa isang mamahalin na restaurant ka niya dinala. At di porket may girlfriend yun na model eh hindi na siya pwedeng makipagdate sa iba. Tandaan niyo… yung ibang artista nga na may asawa’t anak na nakikipag bedscene pa sa kapwa artista noh..” – Clarissa
“trabaho naman kasi yun Clarissa” - Charles
“iba si sir Santi”
“well iba talaga siya. Kaya mo nga siya nagustuhan eh”
“tama na nga yan.. wag niyo na ngang ipagpilitan si sir Santi sakin, may girlfriend na yung tao”
“sa pagkakaalam ko ha. Sa pagkakaalam ko lang ha.” - Clarissa
“ano ba yun? Pasuspense pa eh.” - Charles
“sa pagkakaalam ko kasi yung ibang mag-asawa nga na KINASAL na ng ilang beses sa iba’t ibang simbahan and take note, may mga ANAK na. Naghihiwalay nga eh yung mag-girlfriend-boyfriend pa kaya?”
“isa lang masasabi ko sayo Clarissa, ang sama mo!..” – ako
“hey hey hey.. ako na nga tong nagdadasal sa lahat ng santong kilala ko para lang maghiwalay sila at para maging sayo, ako pa tong masama? Ha? I felt hurt ha.” Tapos nagkunwari pang umiiyak.
“aaminin ko na crush ko si Sir Santi. Pero yung magpapakaganyan katulad ng ginagawa mo? No way girl, marami pang ibang lalaki diyan.”
“marami ngang ibang lalaki pero everyone has its own unique-ness. Kaya nag-iisa lang si Sir Santi ano? Hanggang tingin ka na lang ba?”
“tumigil ka na ngang babae ka!.. Tama na ha!??.”
BINABASA MO ANG
I've Fallen For You (JhaBea)
Fanficistorya ng dalawang taong magkaiba ang mundo.. iba ang pananaw sa buhay, hindi magkasundo sa lahat ng bagay.. maliban sa salitang "Opposites don't attract".. .. .. .. JhaBea, Jhake Vargas and Bea Binene's Fanfiction by Iam Urs..