nakapag-ud rin sa wakas :) sa mga may galit kay Luke, eto na oh doble pasakit para sa kanya XD
vote, comment and be a fan :) thanks
^_^_^_^_^_^_^_^_^
Mac’s POV:
Andito ako ngayon sa condo ni Luke, I’m 100% sure na nandito siya dahil umuulan. Hindi kasi nalabas yun kung gantong bumabagyo. It’s funny at nakakahiya mangsabihin pero takot siya sa kulog at kidlat. Diba isang Luke Velasco takot sa light and thunder? Wahaha!
“bakit?” he asked me then inabutan ako ng beer in can.
“I was right, tsk sayang lang ang pagpunta ni tito dito.” I replied to him. He rejected tito again.
“talagang sayang lang, hindi ko tatanggapin yun. Mapapagod lang siya, kahit pa sabihin niyang bumalik siya dito para lang dun. Tss no thanks."
“why don’t you try giving him another chance? Ilang years na ba yan…..” he interrupted me
“I don’t have a plan on giving him second chance. Tama na ang isang pagkakataon….”
“but…”
“no buts Mac, kilala mo ako. I don’t give second chances” he said with a serious tone, seryoso na siya ayoko nang makipagtalo pa sa mokong nato.
“ok. Ok” tinaas ko yung dalawang kamay ko as a sign na ayaw ko nang makipagtalo.
“so yun lang ba ang pinunta mo?”
“pinapaalis mo na ako? alam ko kasing naboboring ka na dito lalo na’t HINDI ka makalabas ngayon”
“you! Inaasar mo ba ako?” naiinis na siya.
“haha, com’mon let’s go bar”
“no thanks, I’ve something to do.” Then sinalpak niya yung headset niya sa tenga niya, ganyan ang gawain niya dahil ayaw niya ngang makakarinig ng kulog kahit na soundproof naman tong condo niya then nakabukas lahat ng ilaw at natatakpan ng makakapal na kurtina ang lahat ng bintana.
“yeah I know, alam ko namang nakaschedule na yung time mo pagnaulan, nakikipag hide and seek ka sa mga bestfriend mong light and thunders. Haha” asar ko dito, siguradong inis na inis nanaman to. Ang sarap kasing inisin nitong lalaking to dahil asar talo though ang lakas lakas din niyang mang-asar.
“you, rascal!” haha yan na siya, naaasar na.
“haha” pinagtawanan ko lang siya, wala rin siyang magagawa dahil totoo naman kaya eto nanaman ang oh so famous na moves niya ang magjump in to another conclusion.
“pumasok ba yung babaeng PA ko kanina?”
“yeah, pinauwi ko nga na maaga. Wala namang gagawin.”
“then sana sinabi mo na tumuloy siya dito.”
“and why would I do that? Wala ka na bang ibang mapaglaruan dito sa condo mo?”
“she has to do her duty, di bagay sa’yo maging employer. Masyado kang mabait sa mga employee mo.”
“she’s not my employee kaya hindi ko kailangang hindi maging mabait sa kanya at saka kailangan bang maging hindi mabait sa employee mo? siguradong kaiinisan ka.”
“then I must apply to you. Kunsintidor.”
“G*go!” binato ko sa kanya yung unan sa sofa.
Then nagring yung phone niya, sinagot niya to ako naman tinuloy ko yung paglalaro sa xbox niya.
“right now?”
“ok, I’ll wait bye”
“sino yun?”
“Misty”
“bakit daw?”
“pupunta siya dito, miss na niya ako siguro.”
“tss. Yabang!”
“haha!”
Maya-maya dumating na si Misty. Todo ngiti naman yung isa dito.
“Mac!” she kissed on my cheeks.
“musta? Andito ka pala?”
“I’m fine, sinasamahan ko lang tong si Luke. Alam mo naman…” di ko na natuloy yung sasabihin ko, dahil eto nga tong lalaking to pag-ayaw ng usapan iniiba.
“hmmm, do you want to eat?” pag-aalok neto kay Misty.
“no but thanks, I just came here to invite you. My birthday party next week, you must go there. And also you Mac.” She’s smiling saying that to us.
“syempre naman.” I said.
“ofcourse, I’ll come”
“thanks Luke” yumakap to kay Luke at nakikita ko ang ngiti neto hanggang tenga, tsk.
“so you came here to ask Luke to be your escort? Syempre papayag yan noh.” I said to her.
“actually no, hmmm I have already and we’re engaged” pinakita niya samin yung kamay niya na may nakasuot na singsing. Ouch. Kawawang Luke. I looked at him at nakita kong unti-unting nawala yung mga ngiti niyang abot hanggang tenga.
“wow, you surprise us. Congrats Misty” I said gracefully.
“thanks Mac” bigla nalang tumahimik si Luke, alam kong nagulat siya sa mga narinig niya.
“I think I need to go na, he’s waiting outside na eh.” pagpaalam niya.
“bye Misty!” ako nalang ang sumasagot, tahimik parin kasi tong lalaking to.
“bye! Luke?” tumingin to kay Luke. Tumingin din ako dito I tap his back para bumalik sa katinuan.
“b-bye” he said without any expression on his face. Ngumiti lang si Misty at umalis na.
“miss pala ah” I tapped his shoulder.
“mukhang kailangan ko naring umalis, naghihintay na rin yung fiancé ko.” Inemphasize ko pa talaga yung salitang fiancé sa kanya.
“bro, punta ka sa engagement este birthday party ni Misty ah. Siguraduhin mong mas gwapo ka dun sa lalaking yun.” Pagtutukoy ko dun sa fiancé ni Misty, umalis narin ako at iniwan siyang tahimik. Haha, kawawang bata.
^_^_^_^_^_^_^_^
BINABASA MO ANG
I've Fallen For You (JhaBea)
Fiksi Penggemaristorya ng dalawang taong magkaiba ang mundo.. iba ang pananaw sa buhay, hindi magkasundo sa lahat ng bagay.. maliban sa salitang "Opposites don't attract".. .. .. .. JhaBea, Jhake Vargas and Bea Binene's Fanfiction by Iam Urs..