Chapter One

1.1K 25 2
                                    

^_^_^_^_^

BERNA’S POV:

“Tiktilaok”  ang sabi ng manok…

*yawn* hay, ganda ng alarm clock ko noh. Alas-4 na, assual gigising nanaman ako para magluto ng almusal namin kaya tumayo na ako sa hinihigaan ko at inaayos ko ulit ito.

Ako nga pala si Berna, isang simpleng tao. Meron akong nakababatang kapatid na pinag-aaral, grabe yaman ko noh. Masama bang magdaydream? Pero sa totoo mahirap lang talaga kami, tumigil na nga ako sa pag-aaral dahil walang magtatrabaho at walang bubuhay samin. Yung tatay ko kasi may sakit, kami na lang tatlo ang magkakasama. Namatay na kasi ang nanay namin noong bata pa kami ni Andoy.

 “Good morning ate” bati ni Andoy.

 

 “Good morning din sa’yo Andoy kumain ka na at baka ma-late ka pa niyan”.

 

 “Salamat ate ah”.

 

“para san naman? Eh araw-araw ko namang ginagawa to eh”

 

“eh kasi naman ate ang aga-aga mong gumising para lang maghanda ng pagkain ko tapos nagtatrabaho ka pa para din samin ni tatay”

 

“naku, wala yun at saka kailangan ko tong gawin para sa’yo, para makaahon tayo sa kahirapan”. Ang sabi ko sa kanya. Grabe parang telenovela naman tong paguusap namin.

“hayaan mo ate, pag nakatapos ako ng pag-aaral, ikaw naman ang tutulungan ko, kayo ni itay”.

 

“Salamat Andoy, asan nga pala si itay?”

 

“naku, andun pa sa kwarto nag-eemote nanaman ata, hehe”

“si tatay talaga, wait lang ah at tatawagin ko lang siya”.

 

“sige ate”

Si Andoy ang nakababatang kong kapatid, masunurin at mabait yan. Noong 2 years old palang siya ay namatay na ang aming nanay, naaawa nga ako sa kanya dahil hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng isang ina kaya ako na lang ang pumalit sa nanay namin. Parang yung napapanuod ko lang sa palabas na Pahiram ng Isang Ina eh noh. At kapangalan ko pa ang bida. Hay naku, maiiyak na ako niyan eh..

“si tatay talaga, nag-eemote nanaman”

Humarap ako sa larawan ng nanay namin na nakadisplay malapit sa hinihigaan ni itay at binati ko siya ng magandang umaga.

“oh Berna, pumunta ka na doon sa baba at kumain ka na”

 

“nami-miss niyo nanaman si nanay noh.”

Hindi siya kumibo kaya pinilit ko na siyang bumaba..

I've Fallen For You (JhaBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon