Chapter Thirty

467 16 6
                                        

hi readers! after 1 week (i guess?) nakapagpost ulit.

READ THIS FIRST!!! ^____________^

natutuwa ako at parang dumadami yung readers at nagfafan sakin :) clap clap...

di rin ako nakakapost sa wall niyo para magthank you sa pagreread nung story ko at sa pagpafan. dahil tamad akong magpost.

di rin ako madalas magreply sa mga comment niiyo (haha peace) isang dakilang tamad ako pagdating diyan. pero natutuwa ako sa mga comments niyo! kahit na di ako minsan nagrereply. kaya keep on givng your comments. dahil nakakadagdag yan ng inspirasyon at motivation sa isang author na magupdate sa story! though madalas na isa akong silent reader.. shhhhhh XD haha 

sige ayun lang.. dami kong speech.. tapos na ang eleksiyon....

thanks sa nagbasa ng author's note.. haha..

^_^_^_^_^_^_^_^_^

Berna’s POV:

Kanina pa ako lakad ng lakad para hanapin kung nasaan si sir Luke. Bigla-bigla ba naman kasing tumakbo? Tapos tinawag pa ako ni sir Santi kanina kaya di na nasundan ng mga mata ko kung saan lumusot yung lalaking yun. Naglalakad ako ngayon dito mag-isa, hindi ko alam kung nasaan ako eh. Basta parang hallway ng hotel tapos meron mga pinto sa gilid niya. Medyo malayo na to sa party though iisang building lang siya, ibang kwarto nga lang. Ang laki kasi talaga neto, parang pinaghalong hotel at museum. Then meron akong narinig na nagsalita, nanggagaling sa isang kwarto. Nilibot ko yung mga mata ko at meron nga akong nakitang pinto na di nalapat yung pagkasara, lumapit ako doon dahil sa tingin ko eh dun naggagaling ang ingay. At hindi nga ako nagkamali, meron ngang tao at si sir Luke pa yun. Dito ko lang pala mahahagilap yung mokong nayun, pero meron siyang kasama…. Si Mysti. Nakasilip lang ako kaya hindi nila ako napapansin.

“so Luke, bakit dito mo pa ako pinapunta? Ayaw mo bang ipaalam yung sasabihin mo?” narinig kong sinabi ni Mysti with matching ngiti pa. Well, maganda talaga siya kaya patay na patay yung lalaking yun eh. Kahit ano gagawin niya. Nakita kong bumuntong hininga si sir Luke, mukhang nahihiya pang sabihin ah.

“what? Ano bang sasabihin mo?” tanong ulit ni Mysti.

“ah.. ano..ano kasi…” huminga ulit siya ng pagkalalim lalim. Aba, ngayon ko lang ata siyang nakitang nahiya? Meron papalang tinatagong kahihiyan tong auti na to sa katawan niya sa kabila nang kakapalan ng libag sa mukha. Minabuti ko nang umalis na doon, masama din naman kasing makinig sa usapan ng iba noh! Baka makita pa ako nung Luke na yun, magalit nanaman sakin. Naglakad-lakad lang ako, manghang-mangha kasi ako sa lugar. Para akong nasa isang palasyo sa sobrang laki at ganda. Hanggang sa makalabas ako ng building at naglalakad na sa may garden, wala ring katao-tao dito. Mga busy makipagsusyalan sa taas, wala rin naman akong gagawin doon.

“sakit na sa paa neto ah..” tinanggal ko yung sapatos ko, ang sakit talaga sa paa kapag nagsusuot ng high heels.

Then meron akong nakitang garden maze, ang ganda niya grabe. Ngayon lang kasi ako nakakita sa personal nun, sa tv ko lang kasi napapanood at madalas eh sa mga fairytales pa. Gusto kong pasukin kaya lang baka mawala ako, hindi pa naman ako masyadong magaling sa mga directions. Nasa entrance lang ako, ang laki kasi. Mas malaki pa sa tao yung harang na halaman pero gusto kong pasukin.

“wow, grabe meron palang ganito sa Pilipinas?” manghang-mangha akong nakatitig lang doon.

“arf….arf” narinig kong may tumatahol na aso kaya napatingin ako sa likod. Meron ngang isang malaking aso at sa akin tumatahol.

I've Fallen For You (JhaBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon