dedicated kay @anniejhabea dahil nagrequest siya sakin. yan dedicate ulit sa'yo to pati yung 28 ah, dun ka kasi nagpost ng dedication sa chapter 28, nilagay din kita dito para surprise.. hihi XD
pwedeng magpadedicate sakin basta sabihan niyo lang ako, di kasi ako nagdededicate pag di sinasabihan ih, TAMAD AKO PAGDATING DYAN! HAHA.. nagdededicate lang ako pag natripan ko o kaya pag natuwa ako sa kanya!
Vote, Comment and be a Fan!
enjoy reading! :)
^_^_^_^_^_^_^_^_^
Berna’s POV:
On the way na kami sa birthday party nung kaibigan niya na si Misty Del Castillo. Nakakahiya man dahil mukhang sosyal na sosyal dahil sa suot ko ba naman na binigay ni sir Luke. Sabi kasi netong mokong na’to eh formal suit daw ang susuotin, iba talaga ang mga high class at mayayaman na tulad nila. Pati sa damit kailangan mukhang elegante at presentable ka. Pero ganito siguro talaga magpaparty ang mga models. Yay marami sigurong magaganda at gwapo doon. Pumasok ang sasakyan namin sa malaking gate na may apat na guards na nagbabantay, ang lawak ng lugar na’to. Napapaligiran ng mga halaman at puno, parang palasyo.
“wow, nasa ibang bansa ba tayo? Saan ba’to?” nakatingin ako sa bintana ng sasakyan niya, pinagmamasdan lang yung lugar.
“tss..sa tingin mo makakapunta tayo sa ibang bansa kung eto lang gamit natin? Siguro kahit eroplano hindi mo alam?” tumingin ako sa kanya, daretso yung tingin sa daan habang nakangisi. Yabang talaga.
“syempre alam ko, hindi ako ignorante tulad mo. Yabang mo naman”
“anong ignorante? At mayabang? Hindi ako ignorante noh!” hindi ko nalang siya inimikan, hanggang sa makarating na kami sa lugar. Hotel ata to, ang laki. Ang daming kotseng nakaparking at sa tingin ko nasa loob na sila dahil walang tao dito. Hindi pa kami bumababa dahil may sinabi pa tong lalaking to.
“uy, umayos ka ah. Umakto kang babae at pormal”
“anong tingin mo sakin?” mataray kong sabi dito.
“tsaka wag kang maarte, girlfriend kita ngayon. Pag nabuko tayo hindi kita babayaran ng maayos.” oo nga pala, FAKE boyfriend ko pala siya ngayon.
“oo alam ko! Pero yung sinabi ko sa’yo, holding hands 1,000, isang akbay 1,500. Walang yakapan at lalong walang KISS! Ok?!”
“oo na oo na, kanina mo pa sinabi yan eh. Tsaka as if naman na yayakapin at lalung-lalo na halikan ka. aba, sinuswerte ka na niyan. Libre tyansing na sakin tapos bayad ka pa!”
“yabang, akala mo gusto ko yung gagawin natin?! Iniisip ko palang na maging boyfriend kita nasusuka nako!” oh diba, ganyan ko kausapin yan. Parang hindi ko siya boss, ok lang naman dito dahil unang-una hindi ako natatakot na mawalan ng trabaho sa kanya, sakit kaya sa ulo.
“ewan ko sa’yo, basta gawin mo nang maayos yang trabaho mo! Tsaka wag ka masyadong lalayo, baka paghanapin mo pa ako.” sabay baba niya sa kotse niya at naglakad na at iniwan ako, akala ko ba wag lalayo? Diba dapat pagbuksan niya ako ng pintuan? Ganyan ba siya sa mga naging girlfriend niya? napaka-ungentleman naman. Bumaba ako para habulin siya, hirap tumakbo dahil ang taas ng heels netong binigay niyang sapatos.
BINABASA MO ANG
I've Fallen For You (JhaBea)
Fanfictionistorya ng dalawang taong magkaiba ang mundo.. iba ang pananaw sa buhay, hindi magkasundo sa lahat ng bagay.. maliban sa salitang "Opposites don't attract".. .. .. .. JhaBea, Jhake Vargas and Bea Binene's Fanfiction by Iam Urs..
