27.

1.7K 83 8
                                    

27. Yuri's POV

Nung una wala naman talaga akong ibang dahilan kundi ang mga dance breaks. Tanggap ko naman na main dancer kasi si Hyoyeon unnie kaya nasa kanya ang dance breaks pero ang hindi ko lang talaga matanggap na lagi na lang akong nasa gilid ni Hyoyeon unnie.

Lagi na lang akong anino niya. Parang si Sooyoung, anino niya rin ako. Lagi na lang akong pumapangalawa kay unnie. Pangalawa sa pag sayaw, laging kasunod ni unnie.

Hindi ko gustong gawin 'to. Bakit? Kasi gaya ng sabi nila Miyoung unnie, siya ang paborito 'ko.

Pero kahit siya ang paborito ko, siya ang karibal ko.

Kahit siya ang nag turo ng pag sayaw saakin, siya ang natuturing kong karibal kasi ang galing-galing niya.

Hindi ba't ang lagi mong hinahangaan ay yung taong mas magaling sa'yo?

Sa sobrang galing niya, nakuha niya ang loob ng mga myembro namin pati kay GD at Kai, nakuha niya.

Yung dalawang lalaking gusto ko, yung dalawang lalaking ang alam ko ay nauna ako, nakuha rin niya.

Sobrang nag seselos ako sakaniya, sobra sobra kaya nag kadahilan pa ako lalo para kagalitan siya.

Kagagaling ko lang sa doktor ko.

Bakit?

Sa ngayon ay may sakit ako sa buto ko sa likod. Kakasayaw ko, nag karoon ako ng injury sa likod. Sa ngayon ay nasira ang tamang linya ng buto ko sa likod dahil bumagsak ako sa sahig sa kakasayaw ko katulad ni unnie.

Kasi gusto ko siyang gayahin.

Kung yun lang ang natitirang paraan para makita nila na may halaga ako, gagawin ko. Kahit ang pag gaya pa sa karibal ko ay gagawin ko.

Pero mukhang imposible ko na ring magaya iyon.

At bakit hindi na magiging posible?

Kasi parehas lang naman kaming may sakit, parehas kaming hindi na kayang gawin iyon.

Kasi ang dongsaeng tinutularan ang unnie niya.

At bakit ako nagagalit kay unnie?

Kasi sinisisi ko siya.

Sinisisi ko siya sa lahat. Kung bakit ako nag karoon ng sakit sa buto, kung bakit ako nag karoon ng depression at kung bakit nga ba ako ganito.

Kasi ang galing-galing niya kaya hindi nila napapansin na magaling din ako.

Ng dahil sakaniya hindi na ako makasayaw.

Ng dahil sakaniya, nasira na ang pangarap kong makasayaw. Bakit niya kailangang sirain kung siya rin ang nag tupad?

Ng dahil sakaniya, hindi ko na maipapakita sa mga tao na si Yuri ay hindi lang anino ni Hyoyeon unnie pag dating sa pag sayaw.

At bakit ko pa kailangang pansinin ang taong nanakit saakit?

Bakit ko pa kailangang pansinin ang taong naging dahilan kung bakit nagiging miserable ako?

Yan ang mga naiisip ko dati.

Siguro hanggang ngayon.

Pero ano na nga bang gagawin ko?

Kung sa harapan ko mismo, nakikita kong nasasaktan ang paborito unnie 'ko?

Kung sa harapan ko mismo, nakikita kong nahihirapan na si Hyoyeon unnie?

Natutulog siya ng mahimbing, natutulog siya ng mapayapa. Pero ako hindi makatulog ng maayos dahil sumasakit ang likod ko pag sumasandal ako.

[LOKH BOOK 1] Life of Kim Hyoyeon | comp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon