5.

1.7K 94 5
                                    

5. YG's offer.

Nagising ako ng may nararamdanan akong mabigat sa bandang tiyan ko. Tiningnan ko at nakita ko braso ni Chaerin. Yakap-yakap namaman ako.

Pinilit kong tanggalin kasi kailangan ko ng tumayo para inumin yung gamot kong pang umaga. Kailangan ko rin puntahan yung doctor ko, inatake ako kagabi kaya kailangan ko ipatingin tong puso ko.

Tinusok-tusok ko mukha niya. Di parin nagigising. Ganito ba talaga matulog 'to? Kita na tiyan niya.

"Di mo yan magigising, ako ng gigising diyan. Sige na inumin mo na gamot mo." Gamot ko? Paano niya nalaman?

"Kilala ko doctor mo, tinanong ko narin kung handle ka niya. Kaya sinabi niya narin mga kailangan mo. Kami raw 2ne1 ang pangalawang nakaalam ng sakit mo."

"Bukod kay Jinki at Kibum kayo pa lang. Siguro bukod din sa pamilya ko." Ginulo niya buhok ko.

"Tayo na, nag luto si Park Bom."

Saktong pag tayo ko ay saktong pag ring ng cell phone ko. Di ko na rin tiningnan kung sino kasi baka sila Key lang din naman 'to. Imposibleng members, busy yung mga yun ngayon.

"Hyoyeon, pwede ka bang pumunta dito sa hotel? Please." Jessica? May nangyari ba sakanila? Napahamak ba sila?

"Bakit?" Nag aalala ako.

"Gamitin mo na lang yung van natin. Please, pumunta ka." Ngayon ko lang ulit narinig mag please to si Jessica.

"Ngayon?"

"Maya-maya, basta pumunta ka." In-end niya na yung tawag.

Alam naman ni Jessica na kahinaan ko please niya. Kaya kahit gaano ako kagalit, pupuntahan ko parin sila. Di ko parin sila kayang tiisin.

Tiningnan ko yung dalawa, si Chaerin di parin gumigising. Si Dara, ginigising niya parin. Mukhang di naman nila narinig pinag usapan namin, di narin naman nila ako tinanong.

Pumunta na akong kusina, si Bom nagluluto ng itlog. Si Minzy naman nagagalit kasi sunog yung niluluto ni Bom. Lumapit ako kay Bom at hiningi yung hawak-hawak niya.

Nilagay ko na yung huling itlog sa plato at binigay ko kay Chaerin, huli rin siyang gumising kaya huli siyang nakakuha. Si Bom naman, amazed na amazed. Paano ko raw nagawa. Si Minzy, as usual poker face. Pero binigay niya saakin yung gamot ko, in case raw na makalimutan ko.

"Hyo, want to visit YG?" Maknae asked.

"YG? As in papasok ako sa company niyo?"

"Yes. Our CEO likes you." Sandara added.

"But SM artist ako. Di ba nakakahiya sainyo yun?" I asked curiously.

"Gaya nga ng sabi ko, gusto ka ng CEO kaya okay lang yan. He actually want to get you from SMent before." Chaerin.

"Pero ayaw raw ng CEO niyo. Our CEO want you to be a solo artist of YG." Chaerin continued.

"I think, I'll be fine with SMent for now. Gusto kong makita dance studio niyo."

"Sure, we can have a dance duo." Maknae said.

Ginulo ko buhok niya.

Pinahiram nila ako ng damit, at yung toothbrush na ginamit ko kagabi yung ginamit ko ngayon. Chaerin dressed me like how she dress. Baddest one. Medyo naiilang ako, pero gusto ko yung concept na ganito. Sana kasi di puro pacute concept ng SoShi.

Sumakay na ako sa van nila, dun nila ako pinaupo sa tabi ni Chaerin. Kasi sabi raw ni Chaerin, dapat leader daw ang katabi ng guest. What?

"Teka, kotse ko? Di na lang yun gamitin natin?"

[LOKH BOOK 1] Life of Kim Hyoyeon | comp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon