7.

1.8K 97 16
                                    

7. Four.

Nakakairita, ano bang klaseng tunog yan. Ang ingay. Binuksan ko unti-unti ang aking mga mata, matitinding sinag ng araw ang aking nakita at sa bawat segundong aking itinatagal ay siyang sakit rin na nararamdaman ko saaking mata.

Agad-agad ko ring isinara ang aking mata. Bwiset naman, gusto ko pa matulog. Ni wala nga akong schedule ngayon. Sa kagustuhan kong matulog ay tumunog nanaman ang telepono ko. Bakit ang sarap itapon ngayon ng telepono ko?

Pilit akong napabangon, pinindot ko ang power button ng cell phone ko at tiningnan kung sino man yang tumatawag na yan. Masisigawan ko to kung walang kwenta ang dahilan. 'Manager' ang nakasulat. Ano nanaman nais nitong babaeng 'to?

"Hello." Sagot ko sa tonong halatang kagigising pa lamang.

"May schedule ka bukas." Nagising ang diwa ko sa sinabi ng manager. Himala?

"Himala ata yan, kinunan mo ko ng schedule." Di 'to pabalagbag, maniwala kayo saakin.

"Manahimik ka na lang, pasalamat ka nga kinunan pa kita. 1 ang start, strong heart." Sabay end niya ng tawag.

Tiningnan ko lang ang cellphone ko, hanggang sa mamatay ang ilaw nito. Kasalanan niya 'to. Kulang ako sa tulog. Tumayo na ako at pumunta ng kobeta, tulad ng dati tiningnan ko sarili ko. Mas umaayos itsura ko ngayon. Sabi ng doktor ang puso ko raw ay mas umookay kesa sa kondisyon noon.

Nag hilamos na ako at nag mumog. Lumabas na ako at kinuha ang cell phone ko. 10:27 AM ang nakasulat sa upper right ng screen nito. Ang aga pa, sana natutulog parin ako hanggang ngayon. Nag sisisi parin ako kung bakit ko nga ba sinagot ang naturing na tawag na 'yon.

Lumabas ako ng kwarto ko, pumunta ako ng kusina para kumain. Oo nga pala, may check-up ako ngayong araw at hang out kasama ang 2ne1. Samahan daw nila ako sa check-up ko. Napangiti ako, noon si Jinki at Kibum lang ang nakakasama ko mag pa check-up, ngayon may nadagdag na na apat.

Binuksan ko ang cell phone ko at tiningnan ang message ni Key at Onew.

'Noona, yung 2ne1 girls muna bahala sayo ah. May concert tour kami, Japan kami ngayon. I'll call you pag nakabalik na kami.' Alam naman na ni Key at Onew na alam nung apat.

'Baby, I talked to the four. Inatasan ko silang alagaan ka kaya I have no worries. Update mo ko kahit KakaoTalk lang, okay? Love you noona!' Loko talaga 'to si Key. Too much sweetness.

Luminga-linga ako sa paligid ko, bakit walang tao? Nag isip pa ako ng ilang segundo, hanggang sa naaalala ko. Lahat nga pala may schedule ngayon. Ang galing talaga, sila yumayaman ng yumayaman. Ako nauubusan ng pera para sa puso ko.

Sabagay, wala na rin naman akong pake. Kung wala silang pake, baka oras na rin para mawalan ako ng pake diba. Time flies, I can't let them break it's wings.

Kinain ko lang yung inihanda ko na sandwich tsaka ako dumiretso sa kwarto para maligo. Saktong pag kabihis ko, tinawagan ko na rin si Minzy.

"Maknae, okay na."

Binaba niya rin agad, ang bait. Binabaan lang ako. Kinuha ko na lang yung gamot ko, wallet, susi ng kotse ko at cell phone. Dumiretso ako sa salas, hihintayin ko lang sila.

Binuksan ko itong application na 'to kung saan ang nakikita lang ng mga tao ay ang nasa picture, hindi yung buong katotohanan. Sa mas simpleng salita, ang tinatawag nilang instagram.

Kahit na si Sunny na lang ang katangi-tanging nag fofollow saakin, lahat parin sila finofollow ko. Tiningnan ko isa-isa ang mga picture, pero yung isang picture ang naka pukaw ng atensiyon ko.

[LOKH BOOK 1] Life of Kim Hyoyeon | comp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon